KABABA palang ni Airelle sa sasakyan ay rinig na rinig na niya ang mga studyanteng nag-uunahan magtakbuhan papasok. Nilipat silang dalawa ni Aicelle ng mga magulang nila sa isang kilalang eskwelahan sa lugar nila.
"West Harrison University." pagbasa niya sa malaking silver na mga letrang nakaukit sa labas ng school.
"Airelle halika na excited na akong pumasok sa bago nating School." excited na aniya ni Aicelle sa kaniya.
Gusto niyang humanga sa kapatid kasi sa kanilang dalawa ito ang mahilig makihalubilo sa mga tao. Madaling maka-adjust si Aicelle sa paligid hindi katulad niya na nahihiya sa umpisa.
Hindi naman iyong mailap sa tao. Hindi lang siya sanay na kaagad nagtitiwala sa mga tao sa paligid niya. Magkaiba lang talaga sila ng ugali ni Aicelle.
Paakyat na siya ng building nila nang muntikan na siyang mahagip ng mga estudyanteng nag-uunahan sa pag-akyat. Mabuti nalang at may sumalo sa kaniyang isang lalaki.
Mapatitig siya dito, pinag-aaralan ang bawat parte ng mukha nito. Sa unang tingin niya ay agad na siyang humanga. Gwapo ito, katamtaman lang ang laki ng katawan, Makapal ang kilay, kulay brown ang mga mata. Nakapa-tangos ng ilong. At kaaakitan mo ang labi niyang natural ang pagiging mapula.
"Miss are you okay?" agad na tanong nito sa kaniya.
"Y-Yeah, I'm okay. Sorry--" inayos niya ang sarili. Nahihiyang yumuko humihingi ng paumanhin.
"Next time be careful okay?" aniya ng lalaki saka ito nagpatuloy sa pag-akyat.
Naiwan naman siyang naawang ang bibig. Hindi makapaniwala. Pero agad din nawala ang gulat niya ng marinig ng ilang mga nagbubulong-bulongan sa paligid.
Napayuko siyang umakyat at nagtungo sa room niya. Ngunit hindi paman siya nakakalayo ay may bumato na sa kaniya ng isang palagkit na bagay.
Tumama ito sa ulo niya ng hawakan niya, hilaw na itlog ang mga iyon.
"Bagay iyan sayo, next time huwag kang malandi. Bago ka lang dito ngayon ka lang namin nakita kung makakapit ka kay Kieth akala mo naman gandang-ganda ka sa sarili mo." aniya ng isang studyante isa sa mga bumato sa kaniya ng itlog.
Hindi niya ugaling makipag-away kanino man, kaya pinili nalang niyang talikuran ang mga ito. Dali-dali siyang nagtungo sa kung saan hinahanap ang C.R para makapag-palit at ayusin ang sarili. Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase nila. Hindi siya pwedeng malate dahil first day of school pa lang.
Sa pagmamadali niya ay may nabangga na naman siya. Gusto na niyang isipin na napaka-malas niya sa araw na ito.
"I'm sorry.." nakayukong aniya.
"Tss, do you think your sorry is enough?" napaangat naman siya dahil sa sinabi ng lalaki sa kaniya.
Ganoon nalang ang gulat niya ng mag-mantsa sa damit nito ang itlog na tinapon sa kaniya ng mga babae kanina.
"I'm so sorry, hindi ko sinasadya.." agad niyang kinuha ang panyo sa bulsa at pinunasan ang damit ng lalaki.
Gulat naman siya ng hawakan ng lalaki ang kamay niya dahilan para matigil siya sa pagpupunas nito sa damit niya.
Bigla nalang siya nitong hinila at dinala sa kung saan.
"Wait--" napahinto silang pareho. "Saan mo ako dadalhin? Kailangan ko ng magpalit malalate na ako sa klase ko. First day ko ngayon." aniya, pero tinitigan lang siya ng lalaki saka muli siyang hinila.
Namimilipit na siya sa higpit ng pagkakahawak nito sa pulsuhan niya. Hanggang sa makarating sila sa isang kwarto. Basta nalang siya pinasok doon at hinagis paupo sa sofa.
"Anong gagawin mo sa'kin?" kinakabahan niyang tanong.
Hindi siya nito pinansin at saka siya tinalikuran. Doon lang niya napansin na may ganoon palang kwarto sa loob ng campus nila.
Kompleto ito sa gamit, studio type siya na kwarto. Nagtataka lang siya kung bakit may ganito sa campus at sino ang lalaking iyon na nagdala sa kaniya dito.
Saktong paglingon niya ay siya ring pagbato sa kaniya ng lalaki ng damit.
Uniform iyon ng katulad ng suot niya ngayon. "Magpalit ka." suminyas ito kung saan pwedeng magbihis.
Hindi na siya nag-atubiling magtanong pa. Sa isip niya ay kailangan niyang magpalit dahil sa sobrang lagkit na ng katawan niya. Ikaw ba naman batuhin ng itlog. Kulang nalang sahog para pritohin siya ng mga babaeng iyon kanina. Hindi naman niya alam kung bakit sinabihan siyang malandi ng mga iyon. Ni hindi nga niya kilala sino iyong Kieth na binanggit.
Nang matapos siyang magbihis ay agad siyang lumabas. Naabutan niyang nanonood ng T.V ang lalaking tumulong sa kaniya.
"Salamat sa pagpapahiram sa'kin ng damit. Lalabhan ko nalang ito isasauli ko bukas."
Akma na siyang lalabas ng pinto nang hindi niya malaman paano ito bubuksan.
"Paano 'to buksan?"
Matalim siyang tinitigan ng lalaki. "Do you really think na matatapos lang ang lahat sa isang thank you mo lang? Nakalimutan mo na agad ang kasalanan mo?" tiningnan niya ito ng may pagtataka.
"Nag-sorry naman na ako sayo hindi ba?"
"Yeah, you did. Pero hindi ibig-sabihin niyon ay bayad kana sa kasalanan mo sa'kin kanina."
"What?"
"You have to pay for what you did."
Kunot-noo niya itong tinitigan. Nagtataka at nalilito sa mga pinagsasabi nito sa kaniya.
"Be my slave,"
"What?"
"You heard me, Don't make me repeat what I've just said."
"Wait? Mr, I don't know you. Okay? Nag-sorry na ako sa ginawa ko. Besides its not my fault. Basta nalang ako binato ng mga babaeng iyon kanina." paliwanag niya.
Gusto na niyang mainis sa lalaking kaharap niya. Ni hindi niya nga ito kilala tapos gagawin pa siyang slave.
"You may go, you can start as my slave tomorrow. Don't be late. Or else you'll face the consequence."
Bigla naman bumukas ang pinto. Dali-dali siyang tumakbo palabas. Hingal na hingal siyang nakarating sa room nila.
Hinanap niya agad ang upuan kung saan nakaupo ang kapatid niya.
"Where have you been? Akala ko kung ano ng nangyare sayo?" tanong ni Aicelle pagka-upo niya.
Napabuntong-hininga siyang lumingon sa kapatid. "Something happen, Sasabihin ko sayo pag-uwi natin. I badly need your help."
Hindi na niya pinansin ang pagtatanong ng kapatid ng dumating na ang teacher nila.
Nanlulumo siyang iniisip kung ano ang mangyayare sa kaniya bukas. Lalo na't pinagbantaan na siya. Bakit sa lahat ng araw, ngayon pa siya minalas. Dapat pala sumabay na siya kay Aicelle e' di sana hindi siya mamumublema ng ganito ngayon.
Ano ng gagawin niya?
Sigurado siyang hindi basta-bastang tao ang binangga niya. Bago lang sila sa school na'to. Binato nga siya ng itlog kanina. Kahit wala naman siyang kasalanan. Ang mas malala pa gagawin siyang slave ng lalaking nabangga niya kanina.
Ganito ba talaga dito?
Tanong niya sa sarili.
Hanggang sa pag-uwi ay malalim pa rin ang iniisip niya.
"Airelle? Hoy!" gulat siyang napalingon kay Aicelle.
"Kanina ka pa tulala ano bang nangyayare sa'yo?"
Nagdadalawang isip siya kung paano niya sisimulan ang pagku-kwento sa kapatid nang mga nangyare kanina sa kaniya sa school.
Baka kasi isipin nitong nababaliw siya, e sino ba naman maniniwalang gagawin kang slave ng lalaking hindi mo kilala.
Pero sa huli ay kinwento pa rin niya sa kapatid ang pinagdaanan niya sa araw na iyon. Sinikap niyang ipaintindi kay Aicelle ang lahat. Kahit siya mismo ay naguguluhan sa nangyare. Biglaan lang kasi iyon, hindi niya napaghandaan. Mas lalong hindi niya rin inaasahan.
Kailangan niya ng tulong at hiling niyang matulungan siya ni Aicelle.