Sasha's POV Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. I just found myself enjoying the company with this man in front of me at the moment. Prenteng nakaupo kami sa labas ng mini mart habang kumakain ng coned ice cream na siyempre, libre niya. Wala na kasi akong dalang ibang pera bukod sa pang ice cream ng dalawa kong kaibigan. "Ang liit ng mundo hindi ba? Talagang nagkita pa tayong dalawa rito," aniya atsaka dinilaan ang kanyang hawak na ice cream. "Oo nga eh." Nakakapagtaka rin dahil makikita ko ang isang katulad niya dito sa tabi-tabi at kumakain ng bente pesos na ice cream sa isang mini mart na parang ordinaryong tao lang. "Madalas ka ba rito?" Hindi ko na maiwasang magtanong pa sa kanya. Kaagad naman siyang tumango sa sinabi ko bilang pagtugon. "Talaga? Kung gano