Sasha's POV Bagong araw, bagong yugto na naman sa buhay ko. Nasa isang supermarket ako ngayon at naggogrocery dahil dumating na yung allowance namin ni Celestine mula kina Tito Carlos at Tita Jenelyn, mga magulang ng nakababata ko. Ako ang pinagkakatiwalaan nila sa mga gastusin dito sa condo ni Celestine dahil yung bruhildang yun ay palagi na lang nakakalimutan ang bayarin, kaya ako na ang gumagawa non lahat. Habang nakatingin ako sa aking dalang listahan ng bibilhin ay may nabangga akong babae na ikinatigil ko. "Pasensya na po miss," paghihingi despensa ko sa kanya. Inis niya akong nilingon atsaka ako tinignan mula ulo hanggang paa bago ako tinaasan ng kilay. Ang taray naman ng babaeng 'to. "Next time, look where you're going." Mataray niyang sambit bago ako nilagpasan, hindi ko na