Denver's POV Isang lumilipad na stuff toy ang biglang bumungad sa akin nang buksan ko ang pinto ng bahay ni Alecxis. Kaagad ko 'yon nasalo atsaka tumunog nang mapiga ko 'yon sa aking kamay. "Hoy! Teka lang, tumigil ka na nga Alec," wika ko sa kanya nang patuloy parin siya sa pagbato sa akin ng mga laruan ng kanyang anak. "Tangina mo! Sabi kong wag ka nang magpapakita sa'kin!" Sigaw niya atsaka bumuwelo upang ibato sa akin ang isang laruang isda. "Paboritong laruan 'yan ng inaanak ko! Wag mong ibato!" Napatingin si Alec sa hawak niya bago 'yon inilapag ng may buong pag-iingat pabalik sa isang malaking box na puno ng laruan ni Alexander. "Ako ang nagbigay niyan sa kanya," dagdag ko pa na ikinatigil niya. Kaagad niyang kinuha ulit ang laruang isda na si 'nemo' atsaka binato sa akin. "H