Prologue
Sasha's POV
"Miss Hidalgo, kailangan ng bagong towel ang guest natin na nasa room 702. Ibigay mo 'to sa kanya kaagad don." Walang pagdadalawang isip na sumunod ako sa manager namin dito sa resort na pinagtatrabahoan ko. Kinuha ko ang isang malinis at maputing tuwalya mula sa kanya. Mainit-init pa 'to dahil dumaan pa talaga sa sterilization process, yung tipong pinapatay talaga yung dumi para safe sa mga susunod na customers na gagamit.
"Sasha, ako na lang maghahatid niyan," bulong ng kasama ko sa trabaho na si Nicole habang may malawak na ngiti. May duda ako sa ngiti ng babaeng 'to eh. Mukhang may ibang pinaplano 'to.
"Baket? May machong gwapito bang guest doon?" Hindi kasi 'to basta-bastang aako ng trabaho rito kung hindi 'yon ang rason. Uhaw na uhaw kasi ang babaeng 'to sa mga lalakeng ala model ang datingan o di kaya' action stars na gwapo parin shempre.
"Hindi ko alam kung totoo ba pero 'yon ang narinig ko eh." Aba! Umiiral din pala ang pagkachismosa ne'to.
"Miss Flores, ano naman ang binubulong mo diyan? Ligpitin mo ang mga plato na ginamit ng guest natin sa loob ng restaurant. At ikaw naman Miss Hidalgo, bakit nakatayo ka lang diyan? Go!" Sabay kaming napatalon ni Nicole sa aming kinatatayan ng biglang tumaas ang boses ng manager namin. Kaagad naman akong tumalikod atsaka mabilis na naglakad papuntang room 702.
Pucha! Nang dahil sa kadaldalan ni Nicole nadamay tuloy ako!
Habang naglalakad ako sa mahabang pasilyo ng ikapitong palapag ng resort na'to, hindi ko maiwasang mapaisip sa kasalanang nagawa ko kay Denver noong nakaraan...
Masyado akong nagpadalos-dalos at hinayaan ko ang aking emosyon na kontrolin ako. Sa sobrang pagkagusto ko sa lalakeng kaharap ko noon, wala sa sarili ko siyang hinalikan sa labi pagkatapos kong magtapat sa kanya. Gusto kong sampalin at tadyakan ang sarili sa kabobohang dala ko noong panahon na 'yon.
At dahil don, nakawasak ako ng isang relasyon. Hindi ko alam na may nobya na pala si Denver. Oo, nasaktan ako ng malaman ko 'yon lalo na't hinabol kaagad ito ni Denver nang makita kami ng isang sobrang gandang babae sa may parking lot ng isang mamahaling cafe. Mukhang doon sana nila napagplanohan na magkita pero sa kasamaang palad, umeksena ako.
Kasabay ng pag-alis ni Denver para habulin ang babaeng mahal niya, ay ang saktong pagbuhos ng ulan kaya nabasa ako sa kalsada. Ayos lang para hindi mapansin ng iba na palihim akong umiiyak sa sandaling 'yon.
Masakit. Sobrang sakit. Matagal ko ng mahal yung tao eh, pero mas nasaktan ako sa ginawa ko. Kailanman hindi ko gusto ang manira ng relasyon. Nasa tamang pag-iisip pa ako upang hindi 'yon gawin.
Kung sana lang may magawa ako para magkaayos silang dalawa, gagawin ko talaga. Masaktan na kung masaktan, wala na akong pakialam. Hindi kasi ako patatahimikin ng aking konsensya kaya pikitmatang tatanggapin ko na lang ang katotohanan na hindi talaga kami ni Denver para sa isa't-isa.
Napabuga ako ng hangin nang nasa tapat na ako ng room 702. Pinindot ko ang doorbell atsaka naghintay upang ma bumukas ne'to mula sa loob.
Sinubukan kong icompose ang aking sarili atsaka ngumiti upang salubungin ang guest na narito sa loob ng kwarto. Tumunog ang lock doon atsaka ito dahan-dahan na bumukas.
"Goodmorning! your request for a new towel is he--" Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin nang tumambad sa aking isang lalakeng basang-basa at may shampoo pa sa buhok. Laking gulat ko nang makita ang lalakeng laman ng utak ko kani-kanina lang.
Andito siya! Si Denver ang nakacheck-in sa mismong room na 'to!
Napasinghap ako nang makita ko ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Bigla akong nabato sa aking kinatatayuan nang mapagtanto kong wala siyang saplot.
"Aaaahhhhhh!" Nagulat siya sa biglang pagsigaw ko. Umiwas kaagad ako ng tingin atsaka naitakip ang tuwalya sa aking mukha. Kaagad kong itinuro ang ibabang bahagi ng kanyang katawan habang nakaiwas parin dito.
"N-Nakahubad po kayo, S-Sir Denver! W-Wala po kayong takip sa ano niyo po!"
"Holysht! Fck!" Nataranta na rin ito kaagad. Bigla niyang hinablot ang tuwalyang dala-dala ko atsaka ito itinakip sa maselang bahagi ng kanyang katawan.
Tila naman ako'y nanghina at mukhang mapapaupo sa aking kinatatayuan dahil sa aking nakita. Palihim akong napalunok dahil first time kong makakita ng ahas sa personal. Napasigaw ako kanina dahil ang laki ng ahas. Nanunuklaw kaya 'yon? Hindi pa siguro, di pa galit eh.
"Sasha, you're spacing out."
"P-Po? May sinasabi ho ba kayo?"
"I said, thank you for this towel. You may now leave." Dahan-dahan akong napatango sa sinabi niya atsaka tumalikod. Ilang hakbang pa lang ang nagawa ko pero kaagad kong nilingon ang pintong kakasara lang sa room 702. Huminga ako ng malalim atsaka nagdoorbell ulit.
Baka ito na ang pagkakataon ko upang makabawi sa kasalanang nagawa ko sa kanya. Kahit kaswal niya lang ako kung tratuhin kanina, alam kong may bahid siya ng galit sa akin. Oo, mabait siyang tignan pero kahit anong bait pa nang tao, pag nagawan mo ito ng kasalanan ay dapat kang humingi ng tawad atsaka bumawi rito.
'Yon lang ang naisip kong paraan para kahit papano ay maibsan man lang pagkagalit niya sa akin kahit alam kong tinatago niya lang 'to.
Bumukas ulit ang pinto at ang gwapong chinitong lalake ang tumambad ulit sa aking harapan.
"Is there's something you need?" Payak niyan tanong sa akin. Lumunok ako bago magsalita sa kanya.
"Humihingi po ako ng tawad sa bagay na nagawa ko po sa inyo, S-Sir Denver. Hindi po ako nag-iisip at nagpakontrol po ako sa aking emosyon. Patawad po." yumuko ako sa kanyang harapan. Pinagsisihan ko talaga ang nagawa ko.
Narinig ko siyang bumuntong hininga matapos marinig ang sinasabi ko sa kanya.
"It's fine—I mean it's not, of course, pero wala na tayong ibang magagawa pa Sasha dahil nangyari na. Hindi ko na maibabalik pa ang oras." Mas lalo akong naguilty at nalungkot nang sabihin niya 'yon.
"Don't think too much about it. Please continue doing your job today, inuubos ko ang oras mo. I am causing you trouble right now." Bumilog ang aking mga mata nang marinig ko 'yon. Kaagad naman akong napailing sa kanyang harapan.
"H-Hindi po totoo 'yan. Ayos lang po talaga ako." Tipid niya akong ningitian atsaka dahan-dahan na isinara ang pinto. Ayokong dito lang matapos ang lahat. Kailangan ko pa talagang bumawi sa kanya! Paniguradong hindi na naman ako makakatulog ne'to mamaya sa kakaisip kahit na sobrang pagod na pagod ako galing sa trabaho.
Kaagad kong pinigilan ang pagsara ng kanyang pinto gamit ang dalawa kong kamay. Nagtataka siyang napatingin sa akin habang salubong ang kanyang dalawang kilay.
"Sir Denver! Hayaan niyo po akong makabawi sa kasalanang nagawa ko. Gagawin ko po ang lahat! Lahat-lahat po talaga para maayos niyo ulit ang relasyon n’yong dalawa," sabi ko sa kanya na puno ng determinasyon sa aking boses. Napaayos siya ng tayo habang nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko namang maiwasang mapatitig sa magagandang chinito niyang mga mata.
Kaagad na nagiba ang kanyang aura nang marinig ang sinabi ko sa kanya.
"Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?" He asked, trying to make sure if I am really firm with my decisions. Kaagad akong napatango sa kanya bilang pagtugon. He tilted his head to the side and think for a moment before speaking again.
"Fine, if that's what you really want. Just so you know that I never forced you to do this. Ikaw mismo ang nag-alok ne'to sa akin." Huminga ako ng malalim bago tumango sa kanya. Hindi ako mapapanatag kung hahayaan ko silang maghiwalay ng ganon-ganon lang. Nakita ko sa mga mata ni Denver ang sakit nang talikuran siya nang babaeng mahal niya nong oras na 'yon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para lang gumaan ang pakiramdaman niya nong mga sandaling 'yon. Wala akong ginawa kundi ang pagmasdan siyang habulin ito.
"Meet me in my office tomorrow night, we'll discuss things regarding this matter."
"O-Okay po." Tuluyan na ako tumalikod sa kanya atsaka nagpatuloy sa paglalakad. Saktong day off ko naman bukas kaya makakapunta talaga ako sa kompanya niya kinabukasan.
"Sasha." Kaagad akong napahinto sa paglalakad nang tawagin niya ako. Nilingon ko kaagad siya atsaka hinintay siyang magsalita ulit.
"I am expecting you tomorrow inside my office at exactly 7 pm sharp. Don't be late." Ilang beses akong tumango sa kanya nang makita ko kung gaano ka seryoso ang kanyang mukhang nakatingin sa akin.
"Opo, Sir Denver." Kaagad niyang sinara ang pinto dahilan upang tumalikod na ako at sinimulang maglakad palayo. Hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi niya kanina, tama naman ang ginawa ko hindi ba? Tama lang na babawi ako sa kanya.
Napapikit ako ng madiin nang maalala ko ang eksaktong mga salitang lumabas sa aking bibig kanina.
Wala naman sigurong mangyayaring masama sa akin kung gagawin ko ang lahat ng ipapagawa niya hindi ba?
Denver is a good guy, he won't let me do something horrible. Right?