Sasha's POV
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Nakatayo lang ako dito sa gilid ng kama habang si Denver naman ay nasa loob ng banyo at naglilinis ng katawan. Halos hindi naman ako makatingin sa direksyon ng banyo dahil makikita ko ang pigura niyang nakahubad.
Translucent ang glass sa shower area at makikita ang taong nasa loob na naliligo kahit na nasa labas ka ng banyo. Hindi nga clear pero kahit na! The fact that Denver is butt naked behind those glass are too much for me to handle.
Nagsisimula ng pagpawisan ang gilid ng aking noo at ang aking mga kamay.
"Ang hina naman ng aircon nila dito," wika ko habang pinapaypayan ang sarili gamit ang aking kamay.
Bakit ba naman kasi ganito ang set-up ng room nila dito? Ah, oo nga pala... Honeymoon suite ang kwartong ito...
Bigla kong naramdaman ang pag-init ng aking pisngi dahilan upang mapainom ako ng tubig na kinuha ko mula sa mini fridge nila rito. Anong klaseng paghihirap ba 'to!
"Sasha."
"Ay talong!" Napatakip ako sa aking bibig bago nilingon si Denver na sana ay hindi ko na lang ginawa. Nabato ako sa aking kinatatayuan ng makita ko siyang nakatapis lang ng tuwalya ang pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan. Tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang basang buhok na halatang hindi pa naituyo ng maayos. Napatingin ako sa matigas niyang dibdib, malaki at maskulado niyang mga braso, tsaka... tsaka... yung abs niya...
"Should I dress myself or just leave it naked?"
"Just leave it naked..."
Nakita kong napangisi si Denver nang marinig niya ang tugon ko. Huli ng mapagtanto kong nasabi ko 'yon ng malakas! YAWA! Dapat kasi sa isip lang 'yon, Sasha! Tanga-tanga mong haliparot ka!
"Hindi! A-Ang ibig kong sabihin ay magbihis na po kayo at ako na naman ang maliligo. Oo, ganon na nga!" Halata ang pagkataranta sa boses ko. Kaagad ko namang inilapag ang water bottle sa ibabaw ng night stand table atsaka isinakbit sa balikat ko ang tuwalyang hawak-hawak ko.
"Relax. Tinutukso lang kita," wika ni Denver atsaka tumawa ng mahina habang umiiling. I pressed my lips firmly as I walked passed him. Siya naman ay dumiretso sa isang sofa kung saan nakalapag ang bag niya. Napapikit ako ng madiin dahil sa kahihiyan bago pumasok sa banyo, pero may bigla akong naalala dahilan upang lumabas ulit ako.
"A-Ano... Sir Denver?" Pagtawag pansin ko sa kanya na ikinalingon naman niya kaagad sa direksyon ko.
"Denver." He corrected me. "Ano 'yon, Sasha?" pagpapatuloy pa niya. Napalunok naman ako bago nagsalita, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi ako kumportableng maligo dahil sa set-up ng banyo nila rito.
"Wag kang mag-alala, lalabas ako ng kwarto para kumportable ka." Napansin niya siguro ang kinikilos ko kaya siya na mismo ang nagsabi sa akin. Kaagad naman akong ngumiti sa kanya atsaka tumango bilang pagtugon. Buti na lang magaling mag-obserbara si Denver kaya nakuha niya kaagad ang punto ko.
"Salamat po."
"Don't mention it," wika niya atsaka ako binigyan ng isang tipid na ngiti bago nagsimula ng magbihis. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng banyo atsaka ginawa kaagad ang kailangan kong gawin. Mabilis lang ako dito sa loob at hindi ko na inabala pang basain ang buhok ko dahil paniguradong matatagalan bago ito matuyo. Half-bath lang ginawa ko.
Nang lumabas na ako ng banyo at nakabihis na ay kaagad kong hinanap si Denver sa labas para papasukin na siya sa loob. Hindi ko siya makita sa labas kaya nagpasya akong pumasok ulit at tawagin na lang siya, pero nang subukan ko siyang tawagan ay may narinig akong pagring ng isang cellphone dito sa loob. Naiwan niya ang phone dito.
Lumabas ulit ako atsaka nagpasyang bumaba dahil baka nasa lobby siya naghihintay.
"Excuse me, miss," pagtawag pansin ko sa babaeng receptionist dito. Nang makita niya ako ay kaagad siyang napaupo ng deretso.
"Nakita niyo ba ang kasama kong lalake na bumaba dito?" tanong ko sa kanya. Kaagad naman siyang umiling bilang pagtugon na ikinasalubong ng aking kilay.
Kung hindi bumaba si Denver dito, nasan siya ngayon?
"May mga amenities ba kayo rito?"
"Opo meron po, nasa 6th floor ang mga amenities namin. May pool po doon, gym, spa, tsaka garden." Kaagad akong nagpasalamat sa kanya at dumiretso sa 6th floor ng hotel. Kaagad kong natanaw ang gym at spa pero walang tao doon kaya tinahak ko kaagad ang pool nila rito atsaka lumabas papunta sa kanilang garden.
Nahanap ko kaagad ang taong kanina ko pa hinahanap. Nasa garden siya at nakatalikod sa akin habang nakatingala sa madilim na kalangitan. Tatawagin ko na sana siya ng makita kong may kung ano siyang ininom bago nagbuga ng usok mula sa kanyang bibig.
Denver is holding a can of beer and a cigarette stick in between of his fingers. Biglang umihip ang sobrang lamig na hangin ng gabi dahilan upang mapayakap ako sa sarili.
"Anong ginagawa mo rito, Sasha?" Napatingin ako ng deretso sa aking harapan nang marinig ko ang boses niya. Kaagad niyang inapakan ang sigarilyo atsaka inilagay sa loob ng basurahan ang canned beer bago ako nilapitan.
Dali-dali niyang tinanggal ang kanyang jacket atsaka ito pinasuot sa akin.
"May plano ka bang magpapaalaga? You shouldn't follow me here without wearing thick clothes that could keep you warm." Kaagad niya akong hinila papasok sa hotel atsaka dumiretso sa elevator.
"Let's head back to our room," sambit niya nang nasa loob na kami.
Hindi ko maiwasang isipin ang kalagayan niya nang makita ko siya kanina. Sa ilang taon kong pagmamasid sa kanya mula sa malayo, alam ko kung may problema ito o wala base sa kanyang mga galaw. Palihim ko siyang tinignan sa gilid na ngayon ay nakatingin lang sa harap at walang kibo.
"Pasensya na po kung namomoblema kayo ngayon nang dahil sa pinanggagawa ko." Hindi ko na maiwasang sabihin sa kanya ang mga katagang 'yon. Hinarap ko si Denver na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. As I met his gaze once again, I just wished that those orbs are looking at me the same way he looked at Parise.
Napalunok ako bago ko kinuha ang kanyang isang kamay. Napatingin siya doon bago ako nilingon ulit gamit lamang ang kanyang mga mata.
"Makukuha niyo po si Parise ulit, pinapangako ko 'yon. Itatama ko po ang pagkakamali ko." Even if it means giving up on you.
Mas masakit kasi para sa akin na makita siyang palihim na nasasaktan nang dahil sa mga maling nagawa ko. I know deep inside him, he's craving for Parise's presence. He's longing for her. He's missing her.
Sumilay ang isang tipid na ngiti sa mukha ni Denver bago binawi ang kamay niyang hawak-hawak ko atsaka ito inilagay sa ibabaw ng aking ulo. He gently pat my head before leaning his face closer to mine. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya dahilan upang mapahawak ako ng mahigpit sa jacket niya na suot-suot ko ngayon.
"I know you won't fail me, kitten," wika niya atsaka ginulo ang aking buhok.
Bumukas na ang elevator kaya nilagpasan kaagad ako ni Denver atsaka dumiretso sa room namin. Kaagad naman akong sumunod sa kanya atsaka kami sabay na pumasok sa loob.
Ibinigay ko na sa kanya jacket na tinanggap naman niya kaagad. Nagpunta ulit siya sa loob ng banyo kaya pumwesto na ako sa sofa atsaka kinuha ang isang unan at warm blanket bago humiga.
Isa lang ang kama na narito tsaka hindi rin pwede na magtabi kami sa iisang higaan kaya dapat lang na dito ako matulog. Nang mailapat ko ang aking likuran sa sofa ay kaagad akong dinapuan ng antok. Anong oras na rin kasi kaya inaantok na ulit ako, kailangan ko rin ng enerhiya para mamaya dahil hindi ko pa alam ang plano ni Denver para kay Parise. Baka kung ano pa ang ipapagawa niya sa akin, kailangang maging handa ako.
"D-Denver! Anong ginagawa m--"
"You're not sleeping in the couch." Gulat ko siyang tinignan nang bigla niya akong buhatin mula sa pagkakahiga ko sa sopa. Awtomatiko akong napakapit sa kanyang leeg nang makita ko ang baba. Ang tangkad kasi ng lalakeng 'to! Mukhang ginawang tubig ang cheriffer noong bata pa siya.
"K-Kumportable naman ako do--"
"Hindi."
"Pero hindi pwedeng--"
"Be obedient, okay?" Kaagad niya akong inilapag sa ibabaw ng kama sanhi upang mapakapit ako ng mahigpit sa kumot na tinatakpan ang katawan ko.
"Kasi Denver--"
"Shut up or I'll kiss you." He cut me off again but this time, I shut my mouth close. Sobrang seryoso na ng kanyang mukha at kulang na lang ay magdikit ang dalawang makapal niyang kilay habang nakatingin ng deretso sa akin.
Napalunok ako nang magtama ang tingin naming dalawa. The room became silent that moment as we stared at each other's eyes. Tanging paghinga lang naming dalawa ang aming naririnig sa apat na sulok na kwartong ito.
"Uhm..." napalunok na naman ako nang hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"K-Kukunin ko na lang po yung unan sa sof--" Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin nang maitukod ko ang isa kong kamay sa kama ay bigla itong dumiretso dahil nasa pinakadulo ko itong naitukod at biglang lumubog. Dahil sa bilis ng pangyayari ay awtomatiko akong napakapit sa kwelyuhan ng suot na damit ni Denver kaya nasama siya sa akin nang mahulog ako sa kama.
Ngunit imbes na maramdaman ko ang sahig sa aking likuran, hindi ito natuloy dahil nahawakan ako ni Denver kasabay ng pagkapunit sa manipis niyang tshirt dahil sa'kin.
Nanlaki ang dalawa kong mga mata nang makita ang napunit niyang damit kaya kaagad akong bumitaw doon na sana ay hindi ko na lang ginawa. Ang kinalabasan ay mas lalo akong bumigat kaya tuluyan na nga akong nahulog sa sahig na ikinangiwi ko. Nasagi ng mga paa ko ang isang lampshade dito kaya mas dumilim ang buong kwarto.
"Aray..." mahinang daing ko atsaka kagat-labing napahawak sa aking likuran at balakang.
"'Yan tuloy, nahulog ka." Kaagad na lumuhod si Denver sa sahig atsaka ako tinulungan patayuin ngunit napansin kong natigilan siya dahilan upang mapatingin ako sa kanya ng deretso.
Nakita ko kung paano umalon ang Adam's apple niya habang nakatingin sa akin. Nang sundin ko ang parte kung saan siya nakatingin ay lahos lumuwa ang mga mata ko nang makitang wala sa ayos ang suot kong manipis na oversized shirt. Ito ang dala kong extra tshirt na pinaglumaan na ng kapatid kong si Sandro. Gusto ko 'tong suotin dahil maluwag at kumportable ako sa pagtulog pero mukhang mali atang ito ang sinuot ko ngayon bago matulog.
Bumakat ang sus* ko at ang sobrang maluwag na kwelyuhan ne'to ay bumaba sa isa kong balikat. My other shoulder are exposed and so are my cleavage.
Napatingin ulit ako kay Denver na ngayon ay nakatitig sa dibdib ko bago ako tinignan ulit sa mata. Biglang lumalim ang tingin niya sa akin at ang mga mata niya ay pumupungay na. Gusto kong murahin ang sarili dahil hindi ko matanggal ang aking tingin sa nakaawang niyang mga labi.
His lips are inviting me to kiss him.
"Sasha..." Unti-unti siyang lumalapit sa akin at inaabot ang aking mukha. When he's close enough, I can smell a little scent of alcohol from his breath.
T-Tinamaan na kaya ang sistema niya ng alak na ininom niya kanina? Hindi. Imposible 'yon dahil hindi naman siya mabilis malasing.
Tumayo ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking pisngi. Wala sa huwisyong naipikit ko ang aking mga mata na tila hinihintay ang mga labi niyang lumapat sa akin.
Pero ganon na lang ang gulat ko na imbes sa labi ko tumama ang halik niya, dumiretso siya sa leeg ko at kaagad itong hinalikan. Awtomatiko akong napakapit sa matigas niyang braso nang maramdaman ko ang dila niya sa aking balat. Halos tumirik naman ang mata ko sa biglang pagsiklab ng init sa aking katawan. Nakikiliti ako na ewan.
Unang beses kong maramdaman 'to kaya ganito na lang kung magreact ang aking buong katawan. Bumaba ang mga halik ni Denver sa akin dibdib atsaka iyon dinakma gamit ang isa niyang kamay.
"D-Denver..." Naikagat ko ang aking ibabang labi nang maiungol ko ang kanyang pangalan. Huminto siya sa paghalik ngunit nagpatuloy parin siya sa paglamas ng isa kong dibdib. Minamasahe niya 'to ng maige habang nakatingin sa aking pumupungay na mga mata.
Bigla niya akong pinatayo atsaka itinulak sa kama bago hinubad ang kanyang pang-itaas na damit. Halos himatayin naman ako sa sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso nang bigla siyang pumaibabaw sa akin.
"Halikan mo 'ko," aniya habang nakatingin sa akin ng deretso. "That's an order," dagdag pa niya na ikinalunok ko.
Dahan-dahan kong inabot ang kanyang mukha atsaka ito pinalapit sa akin bago ko siya hinalikan sa labi habang nakapikit ang dalawa kong mga mata.
This is the second time I felt his lips against mine and I want to curse myself so bad for wanting more.
Wala sa huwisyong ipinasok ko ang aking dila sa loob ng kanyang bibig na ikinatigil naman niya. He loves Parise but why does he let me do this thing with him? Siya na mismo ang nag-utos sa akin na halikan ko siya na walang pagdadalawang-isip ko namang sinunod.
He didn't push me, he even kissed me back. He loves Parise yet here he is, kissing another woman.
Mali 'to, sobrang mali pero bakit ganon? I know this is wrong but why does it feels so right? Kissing Denver feels so right.
As our tongues intertwined, tasting every corner of our mouth, I want to forget our deal and just savor this moment.