4 - Harmless Night

2759 Words
Sasha's POV "Lokaret! Pakiabot nga ng mascara ko saglit." Napalingon ako kay Juan nang sabihin niya 'yon. Nag-aayos silang dalawa ni Nicole dahil patapos na ang shift namin para sa araw na 'to. "Hindi ka ba talaga sasama sa amin na gumala ngayon, Sasha? Tsaka tapos na rin naman ang trabaho natin ah, hindi na tayo babalik dito kinabukasan," wika ni Nicole matapos kong iabot kay Juan ang mascara niya. Tapos na ang kontrata namin ngayon dito sa resort na pinagtrabahoan namin. Ayos lang din naman sa akin dahil nakapag-ipon din ako kahit papano, tsaka patapos na rin ang pag-aaral ko para sa school year na'to. Kanina rin ay nakuha na namin ang huli naming sweldo kaya tuwang-tuwa ang dalawa at naisipang gumala kaagad pagkatapos ng shift namin. Treat daw para sa sarili nila. "Marami kasi akong gagawin eh," tanging tugon ko sa dalawa dahil baka humaba pa ang usapan. "Wag mo nang pilitin pa si Sasha, Nicole. 'Yan kasi problema sa'yo eh, masyado kang mapilit. Napagsasawaan ka tuloy ng mga jowabels mo." Isang malakas na paghampas sa braso ang natanggap ni Juan mula sa kaibigan namin na si Nicole na ikina-aray ne'to. "What the heal?! b***h, that hurts very much ha." At napaenglish na nga ang bakla. "Talas ng bunganga mo eh noh." Pagtataray naman ni Nicole sa kanya. Napailing na lang ako sa dalawa habang inaayos ang aking sarili at ilan kong mga gamit dito sa loob. Hindi nagtagal ay natapos na rin ang dalawa sa pag-aayos at nakahanda na kaming umalis dito sa resort. Naabutan namin si Mrs. Delantes kaya kaagad namin siyang binati. Nagpasalamat kaming tatlo sa kanya bago tuluyang umalis sa lugar. "Buti na lang good mood si Manager ngayon noh? At least magaan pakiramdam ko kahit last day na natin ngayon dito sa resort," wika ni Nicole na ikinatango naman naming dalawa ni Juan. "Mag-aapply ba kayo ng ibang trabaho pagkatapos ne'to?" tanong sa amin ni Juan sa gitna ng paglalakad namin dito sa labas ng resort. "Oo, kailangan eh. Tsaka may nagrefer sa akin na kaibigan sa isang restaurant na pinagtrabahoan niya rin, baka don ako una mag-aapply." Rinig kong sambit ni Nicole sa gilid ko. "Ako rin, yung tiyahin ko kailangan ng katulong sa farm ng amo niya kaya baka don muna ako... Ikaw, Sasha? Anong plano mo pagkatapos dito?" Napatingin sa akin ang dalawa kong kaibigan dahilan upang pabalik-balik ko silang tignan. Inayos ko muna ang pagkakasakbit sa aking bag bago sila sinagot. "Wala." Napahinto silang dalawa nang sabihin ko 'yon, nagkatinginan pa silang dalawa. "Wala? Tama ba ang dinig namin? Walang plano ang isang Sasha Hidalgo?" Napakibit-balikat ako bago sila nilagpasan atsaka nagpatuloy sa paglalakad. "Ang ibig kong sabihin ay magpapahinga muna siguro ako mula sa pagtatrabaho," wika ko sa kanila. Kaagad naman silang sumunod sa akin atsaka ako sinabayan sa paglalakad. Naisip ko na umuwi muna sa Laguna at tumulong muna kay Nanay doon tsaka kailangan ko ring tulungan si Sandro na makakuha ng scholarship dito sa Manila dahil magkokolehiyo na 'yon. Hindi kami mayaman kaya kinailangan naming magsipag, wala sa plano ko na pagtrabahoin si Nanay hanggang sa umugod-ugod na siya. Kaya dapat lang na magtulungan kaming dalawa ni Sandro para sa kanya. At least that's our way of paying back all her sacrifices on us. Napahinto kaming tatlo sa hintoan ng bus atsaka naghintay ng masasakyan. At dahil iba ang dadaanan ko mula sa dalawa ay una silang sumakay ng bus, gagala pa nga kasi silang dalawa. "Una na kami sa'yo, Sasha ha? Mag-iingat ka palagi, tsaka magtext ka sa amin ha? Wag kang papalipas ng gutom tsaka dapat kumontak ka sa amin araw-araw," sabi ni Nicole sa akin atsaka ako niyakap ng mahigpit na akala mo naman ay hindi na ako makikita. Napailing na lang ako kadramahan niya, kahit kailan talaga. "Hoy bruha, dapat talaga may matanggap kaming kamusta mula sa'yo, kakalbuhin talaga kita kung hindi," sambit ni Juan atsaka rin ako niyakap ng mahigpit. "Oo naman, makakaasa kayo." Sabay ko silang niyakap bago nagpaalam. Tinanaw ko silang dalawa na sabay na pumasok sa kakaparadang bus atsaka kumaway. Sinundan ko pa ng tingin ang bus bago ito tuluyang lumiko sa ibang direksyon atsaka naglaho mula sa aking paningin. Napabuga ako ng hangin bago napalingon sa kasalungat na direksyon atsaka nanatiling maghintay ng masasakyan. Nasa gitna ako ng paghihintay nang may isang itim na sasakyan ang biglang pumarada sa harap ko. Nangunot ang aking noo nang bumaba ang bintana ng isang mamahaling kotse bago ko tinignan ang tao na nasa loob. "Hello, kitten." Bumilog ang dalawa kong mata nang marinig ko ang boses niya. Mukhang huminto ang pagtibok ng aking puso saglit nang masilayan ko ang napakagwapo niyang mukha. "You're not answering my calls so I decided to fetch you here. Kanina ka pa ba naghihintay dito?" Oh Diyos ko, nananaginip ba ako ngayon? Totoo ba to? Sinampal ko ang aking sarili kaya napa-aray ako nang makaramdam ng sakit. "What are you doing?" Salubong ang kilay na sambit ni Denver sa akin. Walangya! Totoo nga! Totoong sinusundo nga ako ng isang Denver Gutierrez ngayon! Yawa, hihimatayin ata ako. "A-Ano kasi... Wala lang 'yon! May lamok po kasi," nahihiyang sabi ko sa kanya atsaka napakamot sa aking batok. "Get inside, may pupuntahan tayo." Napaderetso ako ng tayo nang sabihin niya 'yon. Naalala ko ang sinabi niya sa akin kahapon na magsisimula kami ngayong araw. Akala ko nakalimutan niya 'yon dahil kanina pang hapon ako naghihintay sa text niya pero walang dumating tsaka nakalimutan kong nakasilent pala ang cellphone ko. Kaagad akong pumasok sa loob ng kanyang kotse atsaka nagseatbelt nang walang tanong. Baka kasi maulit pa ang pangyayari kagabi. Nakakatakot si Denver non, mukhang kakainin niya ako... Kaagad siyang nagdrive paalis atsaka nagtungo sa isang mall. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin namin sa gabi na 'to. Hindi pa kasi sinasabi sa akin ni Denver kung ano talaga ang plano niya, ang tanging gagawin ko lang naman dito ay sumunod sa lahat ng utos niya. "Okay lang ba sa'yo na magdrive thru na lang tayo mamaya?" Napalingon ako sa kanya nang magtanong siya sa akin. Kahit naguguluhan ay tumango na lang ako sa kanya. Drive thru? Bakit? Saan ba talaga kami pupunta? Hindi pa ba ito ang huli naming destinasyon para sa gabing 'to? Sinundan ko lang si Denver na ngayon ay pumasok sa isang clothing shop atsaka dumiretso sa mga pambabaeng suotin. Ah! Baka bibigyan niya ng regalo si Parise at ibibigay namin 'to sa kanya kaagad pagkatapos. Napatingin ang ilang mga babae sa gawi namin, more specifically to Denver. Kahit sinong babae naman talaga ay mapapalingon sa isang matangkad, mestiso, chinito, at gwapong lalakeng katulad niya idagdag mo pa na sobrang bango ne'to. Nakita kong kumuha siya ng isang makapal na sweater atsaka itinapat sa akin. Umiling ito atsaka ibinalik ang damit bago kumuha ng panibago ngunit iba na ang kulay. "This suits you." Napaawang ang aking bibig nang ibigay niya sa akin ang damit. Sinundan ko siya ng tingin nang kumuha pa siya ng ilang mga makakapal na damit at ilang piraso ng jeans. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari ngayon. Akala ko ba namimili siya para kay Parise? Tsaka bakit makakapal ang mga damit na binibili niya ngayon? Seryoso ang kanyang mukha habang pumipili ng mga damit para sa... akin... Palihim kong kinagat ang aking ibabang labi upang pigilan ang sariling ngumiti ng malapad habang dala-dala ang mga damit na pinili niya sa akin. Nubeyen! Denver nemen eh! "Sasha." "P-Po?" "Lumapit ka dito," aniya na kaagad ko namang sinunod. Ibinigay niya ang isang malaking tote bag na may mga damit atsaka tumingin sa undergarments section. Pabalik-balik ang tingin ko doon at sa lalakeng nakatayo sa aking harapan. Tumikhim ito bago ako tinignan atsaka nagsalita. "Hindi ko alam ang exact cup size mo, kaya ikaw na ang bahalang pumili. I suggest you pick 2 to 3 pairs of undergarments." Tumabi siya sa gilid upang bigyan ako ng daan upang pumunta doon. "Sige po," tanging tugon ko sa kanya atsaka ako pumili kaagad ng dalawang simpleng undergarments lang. Kahit labis na akong naguguluhan ngayon ay hindi na lang ako nagtanong pa. Binayaran niya 'yon lahat kaagad at halos lumuwa ang mata ko sa laki ng kantidad na binayaran niya. Diyos ko! Halos pang isang buwan ko nang sweldo 'yon! "We need to hurry up," wika niya atsaka kinuha ang mga paperbag. Halos mahigit ko naman ang aking hininga nang kunin niya ang isa kong kamay atsaka kami sabay na naglakad paalis ng mall. Nakasunod ng tingin sa amin ang mga kababaihan at hindi ko maiwasang kiligin ng todong-todo. Habambuhay ko 'tong aalahanin ang sandaling 'to! Tumatalon ang puso ko sa saya. His hands feels so perfect holding mine at this moment. Ang init at laki ng kamay niya at talaga nga namang sobrang gaan sa pakiramdam na hawakan. Parang safe na safe ako ngayon. Kaagad din kaming nakabalik sa kotse atsaka niya ito pinaandar kaagad. Talagang tahimik lang ako buong biyahe hanggang sa nagdrive thru na kami. Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong kainin na kaagad ko namang tinugunan. Mukhang nagmamadali si Denver ngayon kaya nagdecide kaagad ako ng kakainin ko. "Hindi po ba kayo oorder ng pagkain ninyo?" Tanong ko sa kanya. Yung order ko lang kasi ang sinabi niya. "Hindi na, galing din ako sa isang okasyon kaya nakakain na ako. Thank you for asking, Sasha." Ningitian ko siya bago niya kinuha ang pagkain mula sa isang crew at nagdrive ulit paalis. At dahil nagugutom na rin ako, I helped myself to feed my appetite. Nailigpit ko na ang aking ilang disposable utensils bago nilingon si Denver na seryosong nagdadrive ngayon at ang mukha ay deretsong nakatingin lang sa kalsada. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya bago nagtanong. "Pwede po bang magtanong?" Nilingon niya ako saglit bago itinuon ang buong atensyon sa harap. "Sure, what is it?" "Saan po ba tayo pupunta?" Hanggang ngayon hindi pa rin kasi niya sinasabi sa akin ang pinaplano niya kaya nacucurious lang ako. "Hindi ko pa ba nasabi sa'yo?" Umiling ako sa kanya. "Sorry about that... Actually Sasha, we're going to Baguio right now." Tuluyan ng nalaglag ang panga ko sa sinabi niya atsaka deretsong napaharap sa kanya. B-Baguio?! Ngayong gabi?! "T-Teka lang po, malayo-layo pa po ang Baguio mula rito. Kaya niyo po bang magdrive nang ganon katagal sa oras na 'to?" Hindi ko maiwasang mabahala at mag-alala para sa kanya. Kaya pala makakapal ang binili niyang mga damit para sa akin kanina dahil pupunta kami ng Baguio. Tsaka base sa hitsura niya ngayon ay galing pa 'to sa kompanya niya at dumiretso sa isang okasyon na nasabi niya kanina. Parang wala rin 'to sa plano niya nong una at halatang hindi pinag-iisipan muna. "I'm totally fine. Kailangan ko lang makapunta sa Baguio kaagad dahil nandon si Parise ngayon, I just knew about it from her cousin earlier." Tumango na lang ako sa sinabi niya atsaka bumalik sa pagkakasandal sa upuan bago tinignan ang paligid sa labas ng bintana. Oo nga naman, basta pagdating kay Parise walang puyat-puyat para kay Denver. Kahit pa siguro malaman niya na nasa ibang bansa ito ngayon ay paniguradong aalis din kaagad ng bansa si Denver para puntahan ito. Tahimik akong nagmasid at hindi na nagtanong pa ulit. Nag-iisip na lang ako kung ano ang pwede kong maitulong sa kanya pagkarating namin doon. Paniguradong gagawa din kaagad ng hakbang si Denver makausap at makita lang si Parise. Sinabihan ako ni Denver na pwede akong matulog sa biyahe kung sakaling dalawin na ako ng antok. Tanging pagtango lang ang naigawa ko sa kanya atsaka nanatiling tahimik sa gilid. Hindi nagtagal ay unti-unti na rin akong dinadaloy ng antok, mukhang umeepekto na sa akin ang kapaguran buhat ng pagtatrabaho ko mula pa kaninang umaga. Tuluyan na nga akong dinaloy ng kadiliman nang maisara ko na ang aking mga mata upang matulog. "SASHA... Sasha wake up, we're here." May naramdaman akong munting pagyugyog sa aking balikat sanhi upang maidilat ko ang aking mga mata. "Andito na tayo, pwede mong ituloy ang pagtulog mo sa loob ng hotel." Nailibot ko kaagad ang aking paningin sa buong paligid at ngayon ko lang napansin na nasa loob kami ng isang basement. Mukhang basement na 'to ng hotel na sinasabi ni Denver ngayon. Halos bumilog naman ang aking mga mata nang makita ang oras sa isang maliit na LED screen sa kotse ni Denver. Pasado ala una na ng madaling araw. Deretso akong napatingin sa kanya at halata na ang pagod sa kanyang mukha kaya kaagad din akong kumilos atsaka kinuha ang mga gamit sa loob. "Ako na ang bahala sa gamit ko, Sasha. Just bring yours," wika niya nang kunin ko sana ang bag niya na nasa loob ng compartment ng sasakyan. "Siguro po ba kayo?" May bahid na pag-aalala kong wika sa kanya. Tanging ngiti lang ang ibinigay niya sa akin bago kinuha sa akin ang bag niya. Hindi na lang ako tumutol pa atsaka siya kaagad na sinundan papunta sa isang elevator dito. Nang makarating na kami sa reception desk ay kaagad niyang nilapitan ang isang babae doon. Halata naman ang pagpapacute ng babae sa kanya na tila nawala ang antok sa mga oras na 'to nang makita si Denver. "Can I get two rooms? We'll be staying for 2 days." Walang pagdadalawang-isip na sambit niya sa babaeng receptionist. Kaagad namang ngumiti ng malapad ang babae sa kanya bago may kung anong ginagawa sa computer ne'to. "We're very sorry sir pero 1 bedroom na lang po ang available sa ngayon. May tatlo pong magchecheck-out pero mamayang 12pm pa po 'yon ng tanghali." Nanatili lang akong nakapwesto sa likuran ni Denver. "Bakit po 2 rooms ang kailangan niyo sir? Wala naman po akong nakikitang may kasama kayo." Biglang nagpintig ang tainga ko atsaka ko tinignan ang babae sa harap ni Denver. Tuluyan na akong lumabas mula sa likod ni Denver dahil halata namang natatago ako dahil sa katangkaran niya. "Ay, pasensya na po, kasama niyo pala maid niyo." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Anong MAID?! Walangya 'to ah. "She's not my maid, she's my friend. Please be mindful of your words." Napatingin ako ng deretso kay Denver nang seryoso niya 'yong sabihin sa babae. Kulang nalang idiin niya ang ilang mga salita at baka tuluyan ng magtago ang babae sa ilalim ng mesa niya sa takot. Napalunok naman ako sa gilid matapos 'yong masaksihan. Pero mas mabuti sana kung hindi may kasamang 'girl' yung 'friend' niya na... Wala namang mali sa mangarap... "We'll be getting the available room. Will you hand us the key?" Kaagad na tumango ang babae atsaka dali-daling ibinigay ang keycard kay Denver. Nagbayad naman si Denver via card na awtomatikong iniswipe ng babae sa isang card swiping machine. "T-Thank you sir, e-enjoy your stay," nauutal na sambit nong babae. Hindi siya tinugonan ni Denver atsaka ito naglakad papunta sa elevator matapos malaman namin ang floor number at room number namin. Nang nasa loob na kami ng elevator ngayon lang rumehistro sa utak ko ang nangyari... Bigla akong kinabahan nang mapagtantong isang room lang ang kinuha ni Denver, kaya ibig sabihin niyang iisa lang din ang kama doon. "Are you okay, Sash-" "Opo! Okay lang po ako!" Bwiset. Baka nahahalata niyang hindi ako kumportable ngayon. Nagkatinginan kaming dalawa dito sa loob ng elevator na ikinailang ko dahilan upang mag-iwas ako ng tingin kaagad. "Kitten..." tawag niya sa akin. "Sharing one room with me won't bother you right?" dagdag pa niya na ikinalunok ko ng palihim. Napahawak naman ako ng mahigpit sa dala-dala kong paperbag habang siya naman ay prenteng nakasandal sa elevator habang ang isang kamay ay bitbit ang gamit niya at ang kabila naman ay nasa loob ng bulsa ng kanyang pantalon. "H-Hindi naman po," wika ko ngunit hindi ko maiwasang mautal. Kaagad kong nahigit ang aking hininga nang bigla akong pinasandal ni Denver sa elevator atsaka ako kinorner gamit ang isa niya kamay. Halos lumuwa naman ang puso ko sa sobrang kaba nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin. "Mabuti naman kung ganon. Just be comfortable with me, okay?" Hindi ako nakasagot dahil halos malunod na ako sa mga mata niyang nakatingin lang sa akin. "Do you hear me kitten?" Dahan-dahan akong tumango sa kanya bilang pagtugon. I felt a sudden electrifying feeling when he touched my cheeks using the back of his long and slender fingers before whispering something that brings shiver down to my spine. "Don't worry, I won't bite..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD