6 - Jealous Denver

2247 Words
Sasha's POV Unti-unti kong naidilat ang aking mga mata atsaka ito kinusot bago ko tinignan ang isang lalakeng nasa kabilang parte ng kamang hinihigaan ko. Nanaginip pa ba ako hanggang ngayon? O baka nasa langit na ako dahil isang napakagwapong anghel ang nakikita ko ngayon. Denver is sleeping soundly with a thick white comforter covering his masculine body. Pinagmasdan ko siya habang nakaharap sa kanya at hindi ko maiwasang mapangiti. Aabutin ko sana ang kanyang mukha at hawiin ang ilang hibla ng kanyang buhok nang bigla itong magsalita. "Am I a good sight to watch?" Kaagad niyang binuksan ang kanyang mga singkit na mata atsaka ako tinignan ng deretso. Napatigil sa ere ang aking kamay atsaka bumilog ang aking mga kamay sa kahihiyan. "G-Gising ka na?" Nauutal kong wika. "Oo, kanina lang." Kanina lang?! So alam niyang kanina pa akong nakamasid sa kanya na parang baliw na nakangiti?! Nakakahiya! Bigla siyang bumangon atsaka tumayo bago naglakad papalapit sa couch at kumuha ng bagong damit. Sinundan ko lang siya ng tingin na ngayon ay may suot ng hoodie at isa pang jacket. Kaagad akong umupo sa kama atsaka napakapit ng mahigpit sa puting comforter upang takpan ang aking sarili. "A-Ano kasi Denver, yung kagabi..." nakita ko siyang napatigil sa pagkabit ng zipper ng kanyang jacket bago ako nilingon. Mas lalo akong napahawak ng mahigpit sa kumot nang tignan niya ako ng deretso sa mukha. "Wag kang mag-alala, walang nangyari kagabi," aniya atsaka tuluyan ng sinara ang zipper sa kanyang jacket. "We just made out," he said casually before shrugging his shoulders like it was just nothing. Hindi na ako umimik atsaka yumuko na lang bago tumango sa kanya. I'm not fully naked and so he is. May suot pa naman siyang pants at ganon din ako, t-tsaka wala naman akong naramdaman na masakit sa katawan. Pero hindi parin maialis sa aking isipan na hinayaan niya lang akong halikan siya. Parang napakaimmoral para sa akin ang ginawa ko kagabi, parang nagkasala ako at kinailangan akong parusahan dahil sa maling nagawa ko. Ang nakakainis pa ay pakiramdam ko hindi ako nanghinayang na hinalikan ko siya kagabi. Madiin akong napapikit dahil sa takbo ng aking isipan. Bakit ako ganito kung mag-isip ngayon? Andito ako sa Baguio para pagbatiin silang dalawa ng ex-girlfriend niya at magkabalikan na, pero heto ako ngayon parang sinusulit pa ang pagkakataon na magkasama kaming dalawa ni Denver. "Hindi ka pa ba magbibihis? Kakain na tayo ng agahan sa ibaba." Rinig kong sambit niya dahilan upang mapatingin ako sa kanyang direksyon. Nasa tapat ko na siya nakatayo at nakatingin ng deretso sa akin. Umupo si Denver sa gilid ng kama atsaka ako pinagmasdan bago magsalita. "Nagiguilty ka ba sa ginawa natin kagabi?" "P-Pasensya na po talaga. H-Hindi dapat 'yon mangyari. Hindi po dapat kita hinalika--" hindi na natapos ang gusto kong sabihin nang hawakan niya ang baba ko atsaka pinatingin sa kanya ng deretso. "It's my command, you just followed." Napalunok ako nang sabihin niya 'yon. "Just keep being obedient kitten and we're good." Dagdag pa niya habang hindi kumukurap na nakatingin sa akin. "Alam mo? Dapat binasa mo ang kontratang pinapirma ko sa'yo, pero buti na lang at masunurin ka. 'Yan ang gusto ko sa'yo," aniya atsaka ako hinalikan ng mabilis sa labi na ikinagulat ko. "Wear something before you leave this room, okay? Maghihintay ako sa'yo sa labas." 'Yon lang ang narinig ko mula sa kanya bago siya tuluyang tumayo atsaka lumabas ng kwarto. Denver left me dumbfounded inside this room. Hindi ko na alam kung saan papunta ang kasunduan namin, nagsisimula na akong malito sa mga kinikilos niya simula kagabi. It was odd, very odd. Dapat ngayon nagtatatalon na ako sa tuwa dahil siya mismo ang humalik sa akin, he initiated first. Pero bakit ganon? Parang may nagsasabi sa akin na dapat kong itigil ang kahibangang nangyayari ngayon, pero may parte rin sa akin na ginugusto ang sitwasyon na meron ako ngayon. Bigla kong naalala ang kontrata, kailangan kong basahin 'yon ulit at tignan kung ano ba talaga ang meron sa kontratang 'yon. Ang hindi pagbasa non ang isa sa mga pagkakamaling nagawa ko. Minadali ko na lang ang pagbihis ng desenteng damit bago ako pumasok sa loob ng banyo upang maghilamos. Napatingin ako sa harap ng salamin at halos manglaki ang aking mga mata nang may makita akong pulang marka sa aking leeg. "N-Nalintikan na!" May hickey ako! Dali-dali kong kinuha ang maliit kong pouch sa loob ng aking bag at kinuha ang paubos kong concealer. Sinimot ko ang laman atsaka kaagad na tinakpan ang marka sa aking leeg bago tuluyang lumabas sa kwarto. "What took you so long?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Denver sa gilid ng pinto dito sa labas. "M-May tinakpan lang ako," wika ko sa kanya. Bigla niyang kinuha ang baba ko atsaka pinatingin sa gilid. "Ah, yung marka ko kagabi?" Kaagad na uminit ang aking pisngi dahil sa sinabi niya. Tumawa siya nang makita ang aking reaksyon bago naglakad papunta sa elevator. Nakatingin lang ako sa kanyang likuran habang nakasunod sa kanya. Alam niyang may marka ako sa leeg pero hindi man lang siya nag-abalang sabihin sa akin ang tungkol don. Kanina ay bigla-bigla niya lang akong hinalikan sa labi na parang wala lang. Alam niyang may gusto ako sa kanya, pero bakit ginagawa niya sa'kin ang mga bagay na 'to kung si Parise naman talaga ang habol niya? Is he trying to play with my feelings? I shrugged my thoughts away. Hindi gagawin ni Denver 'yon dahil hindi siya ganong klaseng tao. He's a man with discipline, at least that's how I know him. MABILIS lang natapos ang agahan namin at kaagad din kaming gumawa ng hakbang para makita niya si Parise ngayon. Sinabi sa akin ni Denver ang lugar kung saan niya makikita si Parise pero hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin sa pagkakataong ito. "Should I bring some flowers? Chocolates? O baka dapat yung giant teddy bear?" Nasa isang gift shop kami ngayon at abala siya sa kakatingin ng mga bagay na maibibigay niya kay Parise. "Ano ba ang gusto niya?" Tanong ko sa kanya. Siguro naman may alam siya tungkol don dahil may pinagsamahan din silang dalawa. Nakita ko kung paano natigilan si Denver sa kanyang kinatatayuan bago ako nilingon atsaka napakibit-balikat. Ako naman ang nabato sa aking kinatatayuan nang makita kong wala talaga siyang alam sa gusto ng ex-girlfriend niya. S-Seryoso ba 'to?! "Talaga bang girlfriend mo siya? Dapat alam mo ang tungkol dito." Ito pa naman ang pinakabasic sa isang magkarelasyon. Nakakagulat na walang alam si Denver sa gusto ni Parise. "Hmm... She likes wine and lobsters." Napatingin ako sa kanya ng deretso nang sabihin niya 'yon. Salubong ang kanyang kilay at nasa baba ang kanyang isang kamay na tila nag-iisip at pinipiga ang utak. "Dapat bang sa palengke tayo pumunta? O grocery store?" Napaawang ang aking bibig nang makita ko ang kanyang mukhang naguguluhan. "Excuse me, miss?" tawag niya sa isang babaeng nagtatrabaho rito sa loob ng gift shop. Kaagad naman siyang hinarap ng babae at tinanong kung ano ang kailangan niya. "Bumabalot ba kayo ng lobsters dito?" "S-Sir?" Salubong ang kilay ng babae habang nakatingin ng deretso kay Denver habang naguguluhan. Walang pagdadalawang-isip na kinuha ko ang isang braso ni Denver atsaka pinalayo sa babae. Humingi na lang ako ng despensa sa babae bago kami tuluyang lumabas sa gift shop. "Anong klaseng tanong 'yon?" Hindi makapaniwalang saad ko sa kanya nang nasa labas na kami. Mukhang wala nga talagang kaalam-alam si Denver tungkol sa bagay na 'to. We settled everything in a more romantic and sweet way. HIndi yung reregaluhan niya ng lobsters si Parise sa gitna ng set! Ano ba naman 'yan?! Napabuga ako ng hangin ng matapos na ang kailangan naming gawin sa pagkakataong ito. Denver brought a fresh set of flowers at ilang mamahaling gamit na rin para sa aktres. Hindi man lang nabahala ang lalakeng kasama ko ngayon sa laki ng nagastos niya. Habang namimili kami kanina ay palagi niya talagang inaalala si Parise, bukambibig niya ang babae at hindi niya hinahayaan na walang rason ang mga gamit na binili niya para dito. He brought him perfumes because he missed her scent and he brought her a new set of jewelry because that's how precious she is. Ewan ko na lang talaga kung aayaw pa si Parise sa magaganda mga bagay na 'to na binili ni Denver para sa kanya. At dahil hindi pwedeng makita si Denver sa set, kumuha ako ng taong pwedeng mag-abot ne'to sa aktres atsaka ito inabutan ng bayad mula kay Denver. "Nag-iwan ka ba ng card don?" Tanong ko sa kanya na kaagad naman niyang ikinatango. Nakadisguise pa si Denver dito, may suot siyang salamin at baseball cap habang may hoodie pa at jacket. Hinahalungkat ko ang aking bag dito sa labas ng parking lot bago nilingon ulit ang direksyon niya, pero ganon na lang ang pagsasalubong ng aking kilay nang hindi ko na siya mahagilap. Nilibot ko ang aking paningin sa buong lugar at nakita ko si Denver na palihim na sumisilip sa set. Bigla akong naalarma dahil baka may makakita sa kanya doon, sabi niya kasi sa akin, yung assisstant at manager ni Parise ay may alam na ang lihim nilang relasyon. Baka mapahamak siya kung sakaling mamukhaan nila si Denver doon. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanyang direksyon dahilan upang madapa ako. Napangiwi kaagad ako nang tumama ang aking tuhod sa ilang maliliit ngunit matulis na mga bato. "Miss, are you okay?" May biglang umalalay sa akin patayo na ikinalingon ko sa kanya. "I suggest not to run in this area. Masyado kasing elevated dito banda kaya sa susunod mag-iingat ka," sabi niya atsaka pinagpag ang aking suot na jeans. "S-Salamat po," wika ko sa kanya. Ang gwapo naman ne'to, taga rito ba 'to? O baka naman isa siya sa nagtatrabaho rito sa set? Hala, baka artista rin 'to! "Sir Collin, your car is ready." Sabay kaming napatingin sa isang lalakeng tumawag sa kanya. Nilingon ulit ako nong lalakeng nagngangalang 'Collin' bago nagpaalam sa akin atsaka nagtungo sa isang itim na van. Biglang pumasok sa isipan ko si Denver kaya dali-dali ko siyang hinanap kaagad. Napamura naman ako nang hindi ko na siya mahagilap sa pwesto niya kanina kung saan ko siya nakita. "Nasan na 'yon?" Bulong ko sa sarili bago pumasok sa building. Nasa likod ng building na'to ang mismong set. Parang tourist attraction ata 'to rito. Palinga-linga ako sa buong paligid, nagbabakasaling makita ko si Denver. Hindi talaga nag-iingat ang lalakeng 'yon ngayon, paano na lang kung makasalubong niya yung mismong assistant o manager ni Parise? Edi bulilyaso plano niya? "Excuse me po, manong may nakita ba kayong matangkad na lalake rito na naka jacket tas may suot na sombrero?" tanong ko sa janitor na nakasalubong ko. "Hindi po ma'am eh, pasensya na po." Nagpasalamat na lang ako sa kanya atsaka tinahak ang isang pasilyro rito. Nang kumanan ako ay may nabangga akong bakla na may dala-dalang ilang papel sa kanyang kamay at may suot pa na headset. Nang makita niya ako ay kaagad niya akong hinawakan sa braso na medyo ikinagulat ko. "Andiyan ka lang pala, pumunta ka na sa set. Kailangan na ng extra don," sambit niya atsaka ako hinatak kung saan. T-Teka lang, anong set?! Hindi naman ako extra eh! "Nagkakamali po kayo, hindi po ako yung taong hinahanap n--" Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin nang marating na namin ang mismong set. Awtomatiko niya akong pinaharap sa kanya at sinabihan sa mga dapat kong gawin bago ako tinulak sa harap. Para akong bato na nakatayo lang sa gilid at hindi alam ang gagawin. Nakita ng aking mga mata si Parise na nasa isang sulok at nakaupo sa parang isang coffee table, nakatutok sa kanya ang camera at ilang mga ilaw para sa dagdag na exposure. "Take 2, and lights, camera... and action!" Napatingin ulit ako sa direksyon nung bakla na pinanlakihan na ako ng mata na tila sinasabihan akong 'kumilos ka diyan kung ayaw mong malintikan!'. Napalunok ako bago naglakad sa isang mesa rito at pasimpleng nililinis ang nilagay nilang props doon. Palihim kong tinignan si Parise na ngayon ay umaarte na. Napakaganda niya at talaga nga namang natural na natural lang, may kausap siyang lalake ngayon at nag-aayaw silang dalawa. Biglang tumayo si Parise at aalis na sana nang biglang kunin nong lalake ang kamay niya bago siya pinaharap sa kanya. At sa isang idlap lang ay hinalikan siya nong lalake. Kita ang pagkagulat sa mukha ni Parise ngunit kalaunan ay pinikit niya rin ang kanyang mga mata atsaka hinalikan pabalik ang lalake. May kung ano akong nahagilap sa gilid ng aking mga mata at don ko nakita si Denver na nakatayo sa gilid at nakatingin ng deretso kay Parise na may kahalikang iba. Kitang-kita ang pag-iiba ng reaksyon ni Denver sa kanyang mukha bago yumuko atsaka sinuot ulit ang kanyang salamin. "And cut! That's a wrap! I'm impressed!" Nagpalakpakan at naghiyawan ang ilang tao na andito sa set. Kaagad naman akong umalis sa mismong scene atsaka hinabol si Denver nang bigla na lang itong tumalikod at mabilis na umalis. "Denver! Sandali lang!" tawag ko sa kanya nang makalabas na ako. Dali-dali siyang pumasok sa kanyang kotse atsaka nagdrive paalis. "Hoy, Denver!" Napaawang ang aking bibig nang tuluyan itong makaalis. Napasuklay ako sa aking buhok habang pinagmamasdana ng likod ng sasakyan niyang unti-unting lumilitt sa aking paningin. Punyeta! Iniwan ako ng mokong dito nang walang pera!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD