Sasha's POV Napahilamos ako ng mukha nang makita ko ang likurna ng sasakyan ni Denver ng unti-unti ng lumiliit hanggang sa tuluyan na itong mawala sa aking paningin. Nalintikan na talaga! Ano na ang gagawin ko ngayon? Naikagat ko ang aking ibabang labi atsaka napasuklay sa aking buhok bago napabuga ng hangin. Hindi ako makapaniwala sa sitwayson na meron ako ngayon, nalimutan ako ni Denver dito sa isang lugar kung saan wala akong kakilala ni kahit isa. Paano na ako makakabalik ne'to sa hotel? Hindi ko alam kung ano ang sasakyan ko papunta roon, wala rin akong dalang pera dito sa aking bulsa ngayon. Mas kawawa pa ako sa daga talaga! Napunta ang aking atensyon sa isang itim na van na pumasok sa parking lot atsaka huminto sa aking tapat. Kaagad na bumukas ang pinto ng sasakyan at may isan