My life; my rules

2117 Words
Matt POV After that night nung makita ko siya, I made it very clear na babawiin ko siya. I know it was my fault but I had to do it. Today marks my first-day sa Hotel. Dad and I were able to patch things up while I was in the US. Nakilala ko na din ang Kuya Alex and I have to say, he is quite different sa babaeng halos itakwil siya nung papunta na sila sa States.  Kuya was strong yet I know, he was hurt. Naitatago niya like sa pagiging cold katulad ko. In 2 years time, isa na siya sa mag mamanage sa Mall along with Crisoff. Doon siya inassign ni Daddy. Gusto ni dad na kahit sa ganun man lang may maibigay siya sa kanya. Mom and Dad were good na din, Mom was able to accept his son from another woman. Alam kong magagawa niya yun. Sa sobra niyang bait, kahit ata ilang beses si Daddy magloko, patatawarin niya to. I know Mom loves Dad too much, same as he. Pababa na ako ng staircase when I saw Therese’s room open. Pagtingin ko, she was not inside her room. Might be nakalimutan niya lang isara ang pintuan nung bumaba siya, so I did. Pero bago ko pa yun maisara, tumambad sa akin ang bagong ligo na si Kuya Akex. Napakunot noo ako dahil nakatuwalya lang ito. “Kuya Lex?” “O, sorry.. nakigamit ako ng banyo kay Therese. Nasira nanaman tubo dun sa banyo ko. Eh siya malapit. Late na kasi ako.” Kanyang paliwanag. “I see. Sige, sabihan ko si dad para sa tubero.” “Thanks bro. Una na ko. Magbibihis pa ako.” Tumango ako saka siya nagmadaling pumasok sa kanyang kwarto dala ang gamit niya. Kuya Alex had already grown comfortable samin. Kung dati raw ay mahiyain pa, ngayon naman… Halos pwede ko na silang ipagdikit na apat nina Therese sa kadaldalan. Ang common lang samin ay ang pagiging iwas sa babae. Siya na din ang nagiging driver nina Therese pag papasok na at uuwi. Tiffany remained in the US with our other family. Doon nalang daw siya magtatapos. Mukhang naenjoy na ang States masyado. Ang sabi ni Dad, pinagmanahan niya si Tita Grace. Nakababa na ako and saw Mom, Dad, Therese and Cristoff sa hapag kainan. They were already eating. Naupo na din ako after I greeted them. “Dad, kailangan mo nang ipa ayos o papalitan ang tubo sa CR ni Kuya Alex. Di naman pwede araw araw kay Therese siya makiki CR.” “Yes, tumawag na ako ng tobero and they are gonna work on that tomorrow. Dun lang muna ang Kuya niyo sa isang guest room.” “Kuya, pacompany kna?” tanong ni Therese. Tumango naman ako. “Yes, why?” “Ahh wala lang, akala ko dadaan ka sa school.” “Nope. Wala naman akong dadaanan don.” Tumango lang siya. We started eating breakfast. Mommy kept giving me the food I had missed nung andun pako sa States. She told me na kahit niluluto niya yun doon, she knows na hinahanap hanap ko yun lalo pag andito na sa Pinas. “Babe, kalian daw pupunta dito si Angeline?” Bigla naman sumama ang mukha ko. “Please don’t ask me about her. We had a deal and it’s now over. I want to live my life the way I want it to.” “Son, mukhang matagal tagal mo pang pagtitiisan yan. I heard your lolo is getting better.” Sabi ni Dad. Binagsak ko ang kutsara at kobyertos ko saka napapikit. I was getting mad. “The deal was to pretend that we are getting married for Lolo's sake while we are in States. We are now in the Philippines, and it is still not void?” “Babe, please… you know your lolo just wants that our two families will stay intact. Na magkaibigan pa din.” “At my expense?!” napasigaw ako at napatayo na ako sa hapag kainan. “M-matt…” sambit ni Mommy. “f**k” lumakad nalang ako paalis. I can’t be mad at her. Umalis na ako sa bahay dala ang dati kong kotse. Therese gave the keys back to me. I drove to her apartment. I know she was just renting during weekdays and goes home during weekends. Kahit halos ilang taon akong parang di na nakipag communicate sa kanya, I always keep tabs of her. Kinaibigan ko si Irene nung College siya and now, I had to keep her watched with my men. That night nung nakita ko siya doon, hindi na ako nagtaka. I know Jake was going to take her as a date. That’s why I sent an invitation. Nanghihina akong makita siyang umiiyak habang inaanounce ang pangalan ng babaeng yun na siya kong pakakasalan I had to be strong. Kahit na halos gusto kong itakbo ang distansya namin mapahid ko lang ang mga luha niya. Hindi ko nagawang makipag communicate sa kanya noon dahil kay lolo. He asked me to marry that woman as his last wish. Angeline gave me her word na hanggang sa States lang ito. That it would end the moment we reach the Philippines na di alam ni lolo, kung umayaw naman ako, mapapahamak si Irish dito. Ayaw man ni lolo na gawin to pero mas matimbang ang pagiging investor ng pamilya ni Angeline kaysa sa nararamdaman ko. I know that woman asked for this. How many nights have I endured not to call her and hear her voice. Pero alam ko na sa oras na marinig ko ang boses niya, I will give in. I told myself na kakayanin ko. Ilang years nalang naman and I was going to go back dito sa Pinas and even if I don’t want it to happen, Lolo was already getting worse. But now, the news that he was feeling better gave me a mixture of grief and happiness. Lahat ng naplano ko, kailangan ma move lang muna. Sana, hindi pa mawala sa mga kamay ko ang oras na makabawi kay Irish. I know she deserves my explanation. And I will do anything para mapatawad niya lang ako. I let her go that night cause I know I was not ready yet to say anything. But I want her to know na babawiin ko siya kahit sa anong paraan. Madami akong nakilalang babae while I was in the US but none of them can compare to my Irish. She’s my sweet and innocent Irish. Palabas na siya ng apartment nila ng mapansin ko ito. My lips curved into a smile nang makita ko siya. Buti nalang sobrang tinted ng salamin sa kotse ko. I followed her hanggang sa makarating siya sa office. Pagkatapos kong masiguradong nakapasok na siya sa loob, I drove my way sa Hotel. I parked sa may main entrance and asked the valet to park the car for me. Binati ako ng mga empleyado. They knew me since I was 17. I got inside the elevator nang biglang may pumigil sa pagsara nito. I looked at the person and it was no other than the person I hate the most. “What the f**k are you doing here?”Singhal ko nang makasara na ang elevator. “Is that how you greet your fiancé?” nakangisi niyang tanong. “Watch what you’re saying or you might regret it.” I gritted my teeth. “Matt matt, whatever you do, I am your fiancé, remember?” napatawa naman ako ng sarkastiko. “In your dreams. I will never be your fiancé.” Saka bumukas sa floor ko ang elevator at lumabas na ako.     Irish POV Palingon lingon ako pagkapasok ko sa opisina. Para kasing may nagmamatyag sakin. Binilisan ko nalang ang paglakad hanggang sa nasa loob na talaga ako nung opisina. Umupo na ako sa silya ko. Napahinga ng malalim saka iyon ibinuga. Inayos ang mesa saka nagtimpla ng kape. Wala pa naman si Sir Jake kaya makakapag ayos pa ako. Natapos ko na kasi mga gawain ko kahapon pa. So ngayon, mag aantay ako ng mga panibagong utos. Ayaw na ayaw kong wala akong ginagawa. Masyado akong nag iisip, tulad ngayon. Iniisip ko ang nangyari kagabi. Nung sinabi niya na babawiin niya ako ay para akong naestatwa sa harap niya. Nalalaglag pa ang panga ko dahil sa mga sinabi niya. ‘Dadating ang oras na di na ako magpipigilan, for now, please wait for me.’ Yon ang sinabi niya at saka lumabas ng kwarto. Nalilito pa din ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Di ko akalain ganito pa rin ang mararamdaman ko para sa kanya. Diretso kong hinawakan ang dibdib ko, pinakikiramdaman ang puso ko habang iniisip siya. Matt, pinaglalaruan mo nanaman ba ako? Napapikit ako saka uminom ng kape. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya o hindi. Bigla naman nagring ang telepono. “Hello, Good Morning! This is Irish from Garcia Enterprises. How may I help you?” “Miss Arandia.” “O, Miss Santos, How can I help you?” ang aking kausap ay isang secretary ng mga Montecillo. Nakikilala ko ang boses niya sapagkat siya ang nakakausap ko pag may pameeting si Mr. Montecillo noon. Isa kasi siya sa investor namin at malaki ang share niya. “Hello, Setting a schedule nanaman tayo.” Sabi niya na pakanta. Natawa nalang kami. “Sige, kalian ba at saan?” “Same pa din. Sa Hotel at 1pm today, lunch meeting. And yung makakausap ay si Mr. Matthew Montecillo and sina Mr. Alfred Ramos.” Lumaki ng bahagya ang mga mata ko. “M-mr. Montecillo? As in anak ni Mr. Stephen Montecillo?” “Ahh yes. Ito kasi ang unang araw niya kaya gusto niya mameet ang board members saka yung mga nabigyan ng investments ng Hotel.” “A-ah, I see. S-sige iseset ko, sasabihin ko nalang din kay Sir Jake.” “Okay cge, salamat. Yun lang naman. Bye!” “Bye!” saka ko binaba ang telepono. Halos mawalan ako ng hininga sa sikip ng dibdib ko. Makikita ko siya. Gusto ko sana siyang iwasan. Sakto naman na papalapit na si Sir Jake, nakita akong napakapit sa dibdib ko. Dali dali niya akong nilapitan. “Hey, are you okay? God you look pale.” Agad niyang sabi nang mahawakan ako. “O-ok lang po.” “Here, upo ka muna.” Saka niya ako inalalayan para maupo. “May problema ba?” “W-wala po. Mejo masama lang pakiramdam.” “Know what, umuwi kna lang muna. Tignan mo o kung gano ka kaputla. Rest, I will be out naman the whole day.” “P-pero sir…” “No, uwi kna lang muna. Magpahinga ka.” “S-sir, may meeting po kayo mamayang 1pm.” “Sure? Saan?” “Sa Hotel po nina Mr. Montecillo, lunch meeting. And ang anak po niya ang makikipag meeting.” “I see. That’s okay. Lalabas din naman ako. Go home.” Sabi niya. Tumango naman ako.   Pumasok si sir sa kanyang opisina at may kinuha lang saka lumabas. Ako naman ay nakapag ayos ng gamit saka umalis kasabay si Sir Jake. “I will text you nalang if I need anything bukas, Okay?” “Uhm yes po sir.” “Miss Arandia, do take care of yourself.” “Yes po.” Saka kami naghiwalay ni Sir Jake. Pagdating ko ng bahay ay wala akong nakita ni isa. Ako lang pala. Sa bagay, umaga palang at nagsipasok na ang iba. Wala akong ginawa buong maghapon kundi naglaba, manood ng TV, at magbasa. Nasa kusina ako kasalukuyan. It was 3pm, ako lang mag isa pa din sa bahay. Ngayon lang ako ginanahan mag lunch. Nagluto ako ng adobong manok saka gulay. Parang yon ang gusto kong kainin. Pagkatapos kong magluto ay doon ako kumain sa may salas habang nanonood ng tv. Wala pa ang mga kasama ko. May Apat na kwarto dito. Share kami sap ag gamit ng bahay kahit may kanya kanyang kwarto. Kapwa kami may mga trabaho. Yung isa teacher, yung isa nurse habang yung isa sa call center. Wala ito ngayon kasi day off, bumisita muna sa kamag anak. Kaya mag isa ako. Natapos akong kumain saka ko iniligpit ito. Nagpatuloy ako sa panonood, wala pang text si Sir Jake. Biglang may kumatok sa pintuan namin. Agad akong tumayo at pagbubuksan na ang kumakatok. Nag maibukas ko ito ay nabungaran ko ang kanyang pigura, napasinghap ako. Humarap naman ito sakin na may pag alala sa mukha niya. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya. “Are you okay? Di kita nakita sa meeting. I was worried.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD