And this time, everything will change

2141 Words
Irish POV Maaga pa lamang ay umalis na ako sa office. Ngayon pala yung party na sinasabi ni sir at kahit sinabi nitong wag na ako pumasok ay maaga pa din ako. May naiwan akong trabaho na kailangan tapusin ko ngayon. Hindi naman ito marami pero alam kong mas mabuting matapos ko siya. Nang makarating ako ng office, agad akong nagsimula. Wala pa si sir Jake kaya ginamit ko ang oras na iyon para makapag trabaho nung mga naiwan ko. Nasa gitna ako ng pagttrabaho ng dumating si Sir Jake. Nagulat pa ako nung bigla itong sumandig sa desk ko sa labas ng office niya. Naka ngiti naman ito na binati ako kung kaya’t napangiti na din ako.   “Hey, good morning!” bati niya. “Ah-ahh good morning po sir!” napatayo ako. “Diba, sabi ko take the day off?” nakataas pa ang isang kilay niya. “Sir, ahh kasi may naiwan pa akong trabaho dito. Tatapusin ko muna.” Agad kong sagot. “I see, alright. Have lunch with me then pagkatapos, saka tayo umalis para maka pag paayos. Okay?” “S-sige po sir. Walang problema.”   Lumakad naman ito papuntang office pagkatapos ngumiti sa sagot ko. Agad naman akong bumalik sa ginagawa ko pagkapasok ni sir sa office niya. Halos mag 12 na nang matapos ko yung mga di ko natapos kahapon. Nagtaka akong di man lang humingi ng kape o may pinag utos si sir sakin ngaung umaga. Nagkibit balikat nalang ako saka nag ayos ng gamit. Ilang minuto lang at nagsalita ito sa intercom ko.   “Miss Arandia, are you done? It’s lunchtime. Maglunch muna tayo.”   Yun lang ang sinabi niya saka lumabas ito ilang minuto nakalipas. Agad naman akong napatayo nang makita siyang papalapit na sa akin. Ngumiti ito ng lapad at tinugunan ko naman nang higpit na ngiti. Inaya na niya ako palabas, tumango naman ako saka ngumiti ng pilit. Pinauna ko nalang siya saka ako sumunod. Nang nasa loob na kami ng elevator, dalawa lang kami sa loob. Mejo ilang ako kasi kahit kami lang dalawa, halos magkadikit ang braso namin. Nakita ko ang mukha niya sa repleksyon na salamin. Ngumiti siya nang nakita niyang pinagmamasdan ko siya. Agad ko namang iniba nang direksiyon ang mata ko. Mabuti nalang at agad din kaming nakalabas. Pinauna ko ulit siya. Minsan may driver siya na kasama, pero ngayong araw ata, wala. Naiwan ako sa entrance ng parking. Kinuha ni sir Jake ang kotse niya. Nang lumapit na siya sakin, saka ko sumakay. Huminga ako ng malalim saka iyon ibinuga. Tumingin lang ako sa daan habang siya ay nagmamaneho.   “Saan ka usually naglulunch, Irish?” tanong ni sir Jake. “May baon po ako kaya sa canteen po ako kumakain, ngayon lang po yung wala. Akala ko po kasi pwede akong makauwi pagkatapos ko doon.” Tumango naman ito. “I see. Pinasama na kita maglunch since after nito, papa ayos na kita. Mamaya kasing 6 pm yung event. Syempre alang naman na hindi din kita asikasuhin, ikaw magiging date ko doon.” “Ahm sir, para saan po yung party?” “Sa isang investor natin sa company. Yung current CEO kasi parang bababa na, kasi yung anak na ang magiging bagong CEO. Remember Matthew Montecillo?” napatigil ako sa paghinga nang maabanggit ang pangalan niya. Tumango lang ako. “Siya yun. Nakarating na kasi siya galing US, I heard ikakasal na din siya.” Napalaki naman mga mata ko pero agad naman akong nakabawi. “A-ah g-ganun ba?” yun lang ang aking nasabi saka ako nanahimik. “Yeah. Kaya mejo espesyal din ang party nayun. Ipapakilala kasi doon ang fiancé niya.” Tumango lang ako. Parang bumalik yung sakit na akala ko, nabaon o nalimot ko na. Parang pinira piraso ang puso ko nang madinig na ikakasal na siya. Hindi nga kami, kaya wala akong karapatan na masaktan kahit pa ipinangako niya na babalik siya. Alam kong pampalipas oras lang ako. Parang may namumuong luha sa mga mata ko kaya agad akong napalingon sa gilid ko. Pasekreto kong pinahid ang mga luha ko. Nakita ko nalang na tumigil kami sa isang mamahaling restaurant. Pagkapark niya sa kotse ay bumaba na kami. Papasok palang kami ng binati kami ng isang waiter. Nagpareserve na pala si Sir dito kaya alam nilang paparating kami. Inihatid niya kami sa isang mesa na may sulat na reserved. Naupo kami saka nag order na si sir Jake. Di na din ako tumanggi total siya naman magbabayad. Habang nag aantay kami, kinausap niya ako patungkol kay Matt.   “Siya nga pala, natanong mo sakin about kay Matt noon. Kilala mo ba siya?” nanlaki ang mata ko saka umiling. “H-hindi po. Kilala lang siya noon sa school. Palaging nagtotop diba?” tumango naman ito. “I see, akala ko kilala mo siya ng personal.” Umiling lang ako sabay inom ng tubig na ibinigay ng waiter sa amin bago siya umalis. Hindi ko sinabi sa kanya ang namagitan samin ni Matt. “So, pagkatapos nito, I will drop you sa salon ng kaibigan ko. Siya na bahala sayo pati sa susuutin mo. Susunduin nalang kita ng 5pm para may isang oras tayo sa biyahe. Though maybe it will just take us 30 minutes. Mahirap na, baka matraffic.” Saad niya na ikinatango ko lang naman.   Bumalik na ang waiter kasabay ng order namin. Kumain na kami nang maka alis na ang waiter.   “Nga pala Irish, kumusta na ang nanay mo saka mga kapatid mo?” tanong niya habang kumakain kami. “Okay lang naman po sila. Okay naman din po yung negosyong naibigay sa amin ng tito ko.” Tumango ito. “So nakatira ka pa din sa inyo or may tirahan ka malapit dito?” “Nagrent na po ako ng silid dito, pero umuuwi po ako kada sabado at linggo.” “Good. So nakikita mo pa rin pala ang pamilya mo.” “Opo, kelangan ko din naman po silang tulungan kahit may maliit na negosyo na naipundar si tito samin.” “Ang bait naman pala ng tito mo kung ganyan man.” “Sobra, maliban sa anak na babae” bulong ko. “Ano yon, Irish?” “Wala po, sumang ayon lang po ako sa sinabi niyo tungkol sa tito ko.” Ngumiti ako nang tipid.   Natapos kaming kumain na di na kami nag uusap muli. Nang mabayaran niya ang bill, saka kami lumabas. Sumabay na ako sa paglakad papunta sa sasakyan niya. Pumasok ako kasabay niya. Hindi nagtagal, nagdrive na siya patungong salon. Nang makarating kami, tinignan ko yung salon, parang mejo may masasabi ang salon na iyon. Pagkapasok naming ay palinga linga ako habang si sir ay may nilapitan. Lumapit naman sila sa akin at ipinakilala na ako.  “She’s the girl you’re going to dress up for tonight.” Turo ni sir sa akin. “Oh my, a beauty. GF mo na ba ito ha Jake?” “She’s my secretary, and my date tonight. So make her beautiful.” “She’s already beautiful, mas I-eenhance lang natin.” Sabi ng bakla niyang kaibigan. Natawa nalang si Sir saka nagpa alam at lumabas na nang salon pagkatapos niyang sabihin na susunduin niya ako by 5 PM. “Halika miss. Mas pagagandahin kita.” Inakay niya ako pataas ng hagdanan. Nakita kong may pan isahan na vanity mirror doon saka mesa na may sangkatutak na make up. “Dito ko dinadala mga VIP ko. Bibihisan din kita kaya mamili ka muna nag susuutin mo.” Sabi niya.   Inilahad niya sa akin ang mga naggagandahang gown. Mukhang mga mamahalin ito kaya napangiwi ako na tumingin sa kanya.   “Wag kang mag alala, sagot nayan ni Jake. Di ka dapat tumanggi kasi masasayang nabayad niya. Bayad nayan eh, mamimili kna lang. I heard masquerade ang party na pupuntahan niyo?” tumango ako. “Well then, pili ka na ng gown mo para mahanapan natin ng mask na pwedeng ipartner.” Pumili naman ako sa mga nakahilera, ilang beses akong nagpapasok labas sa dressing room hanggang sa sinabi na nung bakla na maganda daw sakin yung gown. Pinahubad niya muna ito saka ako pinaupo. Minemake upan nako sabay linis sa mga kuko ko. Nang matapos na sila sa ginagawa nila ay eksaktong 20 minutes nalang para dumating si Sir Jake. Tinulungan na nila akong makapag damit saka pinilian ng high heels. Medyo hindi ako sanay kasi naman kahit minsan hindi ako umattend sa party ng skwelahan ko. Ayokong mapa gastos kaya’t nag aaral nalang ako. Nang matapos na silang lahat ay ibinigay na ang mascara sa akin. Kulay black ang gown ko na naka kapit sa kurba ng katawan ko kung kaya’t sobrang nakikita ang maliit kong katawan. Hindi naman ako nagkulang sa dibdib na parte, kahit hindi kalakihan pero nakikita naman. Bumaba na kami sa tulong ng mga kaibigan ng bakla. Nakita kong nag aantay na si Sir Jake sa may pintuan, kausap ang bakla at nakatalikod sakin. Nung itinuro na ako nung kausap niya, saka siya pumihit at tinignan ako. Nakita kong napa awang ang mga labi ni Sir kung kaya’t namula ako.   “Masama po bang tignan?” napangiwi ako. Bigla naman itong umiling. “N-No. Damn you look gorgeous.” Nautal naman siya na ikinatawa ko. “I told you.” Sabi nung kaibigan niya. “Yeah, I guess what I paid is all worth it.” Sagot niya sa bakla habang naka titig sakin. “Uhm, let’s go po?” sabi ko “Ahh yeah, sure. Come.” Inilahad niya ang kanyang braso para mahawakan ko. Hindi naman ako tumanggi.   Umalis kami na maka lingkis ang braso. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa likod. May driver pala siya, saka sumakay na din siya.   “You are stunning Miss Arandia.” “Thank you po.” Namula naman ako. He just smiled. Ang sarap tignan ng ngiti niya, mapuputi ang kanyang ipin saka ang gandang pagmasdan ang ngiti niya. Napangiti na din ako. Totoo nga ang sabi niya, matraffic nga. Buti na lang isang oras ang inilaan namin para sa biyahe. !5 minutes bago mag 6 PM andun na kami. Muntik pa kaming malate. Pagkapasok namin, mahahalatang mayayaman nga ang andito. Pumasok muna kami para maka upo sa table. Nung nakita namin ang table namin, naupo muna kami. Maya maya lang ay nagsimula na ang Party. Ang emcee ng party ay nagsimula nang magsalita. Nanood lang ako hanggang sa tinawag na nito ang kasalukuyang CEO ng kompanya. Nagbigay siya ng speech bago niya ipakilala ang susunod na CEO doon. Napahinto ako ng hininga nang umakyat na siya ng stage at ipinakilala bilang bago nilang CEO. Namuo ang mga luha ko. Kahit wala naman kami, may namagitan samin na pipilitin ko na lang kalimutan. Napangiti ako nag tipid nang makita ko siyang nakatayo sa stage. Mahaba habang buhok, matangkad, halos kapareho ng ama niya, Mas malalaking katawan na animoy modelo sa gym, at higit sa lahat ang kanyang tindig na akala mo ay isang Diyos sa kakisigan. Nasa front kami kaya kitang kita ang stage sa table namin. Maya maya ay may tinawag pa sila, siya naman ay tumahimik na sa likod at parang wala nang emosyon na nakatayo. Ipinakilala na sa mga tao doon ay isang babae na sobrang napaka sopistikada at parang ang taas ng tingin sa sarili. Nakapula siya na halos iluwa na ang kanyang dibdib. Nung nasa harapan na siya ay inanusyo na siya ang babaeng pakakasalan ni Matt. Napatayo naman sa tabi nito si Matt na dati ay nasa likuran lang. Hindi ko na napigilang mapatulo ang luha ko lalo na nang magtama ang mga mata namin. Walang pa rin iniba ang kanyang mga mata, walang emosyon. Wala ding emosyon akong nakita nung magtama ang mga mata namin kahit may mga luha na ito. Napayuko ako saka nagexcuse na mag CCR muna, tumango naman si Sir Jake kahit mukhang nagtataka. Dali dali akong pumunta ng CR, nagkulong muna ako sa cubicle at hinayaang umagos ang mga luha ko ng tahimik. Nung mahimasmasan na ako ay pinahid ko ang aking mga luha ng tissue saka lumabas. Tumingin muna ako sa salamin para ayusin ang sarili ko. Inilagay ko ulit ang maskarang kinuha ko. Kahit parang nanginginig pa din ako ay lumabas na ako. Habang papalakad ako ng hallway papuntang venue, may biglang humigit sa braso ko saka dinala ako sa isang kwarto na halos walang tao. Nang maka ayos na ako ng pagkakatayo ay tinignan ko kung sino yun. Napasinghap ako nang makita kong ang di inaasahang tao ang makikita ko. Nakatitig lang ako sa mukha niyang may mascara na nakatitig sakin.   “A-anong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya. Napangisi lang ito saka tinanggal ang mascara niya. . . . . . “I’m taking back what’s mine.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD