Understand and Go with it

2051 Words
Irish POV Pinapasok ko siya sa loob ng bahay makalipas ang ilang minutong kanyang paghihintay. Pinaupo ko lang muna siya sa sofa na nasa sala, habang ako ay dumiretso sa kusina ay nagtimpla ng juice. Panay naman ang tingin ko sa kanya na palingon lingon kabuuan ng bahay mula sa sala. Napa iling nalang ako. Pero di ko maiwasan ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nang matapos kong matimpla ang juice ay nilagyan ko ito ng ice saka dinala sa sala kasabay ang baso. Inilatag ko ito sa mesa saka ako naupo si isang sofa na katapat niya. “Uminom ka muna” saad ko. “Salamat.” Nagsalin ako ng juice sa kanyang baso na kanya namang kinuha. “Bakit na narito? Ano ngayon kung wala ako sa meeting.” Takang tanong ko. “I called the meeting for a purpose.” Sagot niya nang mailatag niya ang baso pabalik at tinitigan ako. Napabaling naman ako sa bintana, iniiwasan ko ang mga titig niya. Para itong nangungusap. “Ano naman ang koneksyon ko dun?” tanong ko. Nakatitig pa din siya sakin. “I wanted to see you kaya inimbitahan ko pati mga kompanyang meron kaming investment.” Sabi nito, nakatutok pa din sakin ang mga mata niya. “Ano ba talaga kailangan mo?” seryoso kong tanong. “Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sayo-“ “Tama na, nakalipas na yun at ayoko nang balikan. Ikakasal kana di ba?” may namumuong luha sa mga mata ko na tinignan ko siya. “Irish, let me explain please—“ “Ngayon ka mag eexplain? So, wala kang time mag explain sa nakalipas na mga taon matapos mo akong biglang iwan sa ere?” “It’s not that simple, Irish. Kung ako lang –“ “Ano? Na di ka titigil makipag communicate sakin? Na di ako magmumukhang tanga?” masikip na ang dibdib ko. “Irish, please… Ikaw ang laging nasa isip ko makalipas ang ilang taon na to…” Napatawa naman ako ng sarkastiko. “Talaga? Kaya ba kahit pag papa alam wala akong nakuha? Kahit sorry? Tapos malalaman kong umuwi ka na tapos ikakasal na? Ang galing naman. Ako naman itong uto uto, palagi lang iniisip na baka nabusy ka na, may nangyari o ano pa. Ang sarap sa feeling tapos babalikan nalang ng ganito. Ang swerte ko naman mapaglaruan ng isang Matthew Montecillo. Masaya ka na ba?” Nahihikbi kong sabi. Hindi ko na napigilang lumuha. Ilang taong pagtitiis. “Irish, gusto kong bawiin ang mga oras na sinayang ko. Please, hear me out.” “Hear you out? Wow. Wala kang narinig sakin nung ipakilala ang babaeng ipapakasal sayo kaya wag kang umasa na may pakikinggan ako. Umalis ka na habang may natitira pa akong respeto sating dalawa.” Binuksan ko ang pinto. Hindi ko tinignan ang mukha niyang parang dismayado pero bigla namang nawalan ng emosyon. “Aalis ako ngayon, Irish. Pero tandaan mong akin ka lang. Gagawin ko lahat makuha ka ulit.” Sabi niya bago lumabas ng pinto. Napasandig ako sa pintuan matapos ko itong masara.   Ano bang ginagawa niya? Naisip ko. Napabuntong hininga nalang ako saka tumayo at niligpit ang baso niya at ang napag timplahan ko ng juice. Hindi siya nagtagal sa bahay. Ako naman din ay nakapagdesisyong umalis muna at magliwaliw sa mall. Lalong nanikip ang dibdib ko sa paghaharap namin. Eksaktong dumating naman si Elaine, ang teacher na kasama ko sa bahay. Inaya ko siyang magmall lang muna. Pumayag naman ito, mamaya nalang daw niya tatapusin mga gagawin niya. Nagpasalamat naman ako dahil di na ako nag iisa. Sa totoo lang, gusto kong pumunta sa isang lugar na tahimik saka magsisigaw. Gusto kong ilabas yung sama ng loob ko pero takot naman akong mapag isa lalo at pagabi na. Kung kaya’t minabuti ko na sa mall nalang ako. Buti nga at may kasama ako. Nag aya naman si Elaine na pumasok kami sa isang boutique. Magaganda ang mga disenyo ng boutique na ito. Magaganda at mura pa, may rack naman kung nasaan ang mga may kamahalan at may rack kung saan ay may sale at abot kaya. Habang namimili kami, may nakita akong babaeng mukhang nakikilala ko. Nung humarap ito sakin ay napalaki ang mata nito saka ngumiti. “Irish?” “A-ah, hi Therese” “OMG, tagal kitang di nakita ah. Diba graduate ka na?” “Oo, nung Marso lang.” “Nagkita na ba kayo ni Kuya Matt?” Nawala ang ngiti ko. “A-Uhmm, Oo… Nung party.” Sabi ko, hindi ko binanggit na pinuntahan niya ako sa apartment. Teka? Napaisip bigla ako, paano niya nalaman kung saan ako nakatira. “Ah ganun ba? Nako, wag mong masyado isipin ang mga sinabi doon. Maniwala ka kay Kuya, Okay?” ngumiti naman ito na nagpakunot ng noo ko. “Anong ibig mong sabihin?” bigla naman may tumawag sa kanya sa loob. “Pasensiya na, Can’t talk more, tinatawag na ako eh. Next time nalang, Happy Shopping!” saka ito tumalikod. “Sandali Therese, may tanong pa ako.” Pero hindi na ito lumingon kaya napa buga nalang ako ng hangin. Bigla namang lumapit si Elaine. “Sino yun?” tanong niya. “Kakilala ko sa school. Kapatid ng investor namin.” Tumango naman ito “May napili akong blouses, sukat ko lang tapos bayaran ko ha?” tumango ako saka tinignan ang iba pang damit.   Nang matapos siya, nakita kong may dala dala na siyang paper bag galing sa boutique, magaganda daw kahit mura kaya nabili nalang niya. Matapos nun ay nanood kami ng sine, yung bagong pinalabas pero isang week na ata itong on screen kaya mejo kulang na  sa tao sa sinehan. Mas mabuti yun, di masyadong matao. Habang nanonood kami, ang utak ko naman ay nasa ibang planeta. Iniisip ko paano nalaman ni Matt saan ako nakatira at anong gagawin niya. Hindi ko namalayan na tapos na pala at nag aaya na si Elaine na umuwi. “Uy, kanina ka pa tulala ah, anong nangyari ba?” tanong niya. “Wala, madami lang akong iniisip sa trabaho.” Sabi ko saka tumayo at naglakad na, sumunod naman si Elaine sakin palabas. Mukhang hindi ito kumbinsido dahil hinigit niya ang braso ko nang makalabas na kami. “Sabihin mo nga, may rason ka kaya nakipagmall ka ngayon no?” “Haay, gusto ko lang lumabas. Yun lang.” Aalis na sana ako ng higitin niya uli asko pabalik. “Mali, nauna kang nasa bahay na di nangyayari ni minsan. Always kang umuwi past 6 na. Anong oras palang, 5 palang pero nakabihis ka kanina na aalis ka? Ni hindi ka naka uniporme, casual lang? May tinatago ka ba? Irish, ilang buwan palang tayo magkasama sa bahay pero nakakabisado ko na mga galaw mo.” Pag oobesserba niya sakin. “Guro ka nga, dami mong alam..” natawa na lang ako. “Fine, di ako magpipilit na sumagot ka, pero sana malaman mo na pwede mo akong makausap.” “Umandar nanaman pagkapsychologist mo sakin.” Sa totoo lang secondary na nito ang pagtuturo. “Tara na nga!” hinawakan na niya ang braso ko saka naglakad palabas ng mall habang hawak hawak ako.   Nang marating namin ang bahay, andun na si Grace at si Sarah. Kaming apat lang sa bahay kaya parang mas nakikilala namin ang isa’t isa. Pagkapasok namin ay nag good night ako kaagad sabay pasok sa kwarto. Nakita kong nagtext na si Sir Jake at kailangan niya daw ako early morning bukas. May lakad daw kami sa Batangas for the weekend kaya magdala nalang daw ako ng pampalit. Mukhang di ako makakauwi ng bahay namin. Tumawag nalang ako kina nanay para ikumusta sila at sabihan na di ako makaka uwi ngayong sabado at linggo. Sinabihan kong aalis kami, out of town, kaya di ako makaka uwi. Umokay naman si Nanay at sinabing maayos naman ang lagay nila at nabibili naman ang kanyang mga gamot. Napanatag naman ang loob ko. Buti naman at kahit paano nakakatulong na ako. Nang ibaba ko na ang phone ko, may nagtext nanaman ulit sakin pero uknown number ito.   Unknown number I’m excited to see you tomorrow, mahal ko. I miss you so much. -Matt   Napasinghap ako, saan niya nakuha number ko. At ano tong tawag niya sakin? Na wrong send ba siya? Nirepliyan ko siya na nagkamali ata siya ng napag texan, agad naman itong nagreply.   Unknown number Nope. Para sayo ang mensaheng yon. I’ll see you tomorrow. Sleep tight. -Matt   Nanlaki ang mga mata ko sa reply niya. Ano bang nangyayari, akala ko ba ikakasal na siya? Ano ba tong ginagawa niya? Inilapag ko nalang ang phone ko sa mesa ko saka humiga, pinaglololoko nanaman ako nang taong to. Siguro hanggang ngayon, iniisip niyang pampalipas oras ako at  ma uuto nanaman. Nagkakamali ka Montecillo. Matagal ko nang binura ang nararamdaman ko sayo kaya tumigil ka. Ayoko maging kabit mo. Hindi ganun kababa ang tingin ko sa sarili ko. Natulog nalang ako dahil maaga pa akong maghahanda bukas.   Angeline POV Pumunta ako ng office para sana sorpresahin si Matt. Pero nang makarating ako doon, sinabi ng sekretarya niya na umalis ito pa out of town for the weekend. Nagplano pa naman akong bisitahin namin ang lolo niya. Naghihimutok akong umuwi na nakita naman ni Daddy. Pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy akong umakyat sa taas. Nang makarating ako sa kwarto ay kinuha ko ang phone ko para sana tawagan si Matt pero palagi niya itong kinakansela. Nang gigigil akong ibinato ko ang phone sa dingding. Iniinis niya talaga ako. Akala niya pakakawalan ko na siya pag unuwi siya ng Pilipinas? Alam kong kating kati siya makauwi siya rito para hindi na siya matali sakin. I know about the deal, I asked it from my parents na sinang ayunan naman ng lolo niya. Alam kong kahinaan niya si Irish so I used her as my bait. Buti nalang ay napa oo ko ito nung nasa US kami. Talagang sinundan ko siya roon. I continued my studies sa States, kasama niya. I was there so ako ang dapat makasama niya habang buhay, hindi ang basurang yun. May kumatok sa pintuan ko at binuksan. It was my Mom. “Anak, anong nangyari?” pumasok na siya sa loob ng kwarto. “Si Matt, he is really avoiding me. Out of Town siya, we were supposed to visit his lolo this weekend.” “Anak, baka magsawa na si Matt sa kakasunod mo sa kanya. Take it slow. Total, enggaged na kayo.” “Mom, it was just a deal. The moment na mawala ang lolo ni Matt, sigurado akong mawawala na siya sakin, I have to be sure that old man still lives until we’re married.” “Anak, sa ginagawa mo, parang di na kita kilala.” “You should blame Matt for this. Simpleng pagkakaibigan hindi niya magawang ibigay sa akin noon hanggang ngayon. He made me a monster.” “Anak, di ka naman nag explain sa kanya bakit tayo biglaan umalis noon.” “Because he did not let me. Ang iniisip nya, iniwan ko siya. Na wala akong kwentang kaibigan. He was my only friend. Kung sana natatanggap niya ang mga sulat at regalo ko noon, di sana alam niyang di ko gustong umalis.” Naluluha kong sabi. “Ma, mahal ko lang naman siya noon hanggang ngayon. Pero di niya yon makita kasi nabulag siya sa galit sakin. Gusto ko magpaliwanag pero ang mabanggit yon ay parang sasabog na siya. He doesn’t even want to see me in my eyes.” Umiiyak kong sabi. “I just want his love or even just the friendship.” Dagdag ko bago tuluyang naiyak sa yakap ng aking ina. “Don’t lose yourself anak, stop hurting yourself too. Kung mahal mo siya at alam mo kung sino magpapaligaya sa kanya, let him go.”  Parang sinampal ako sa sinabi ng Mommy ko. “No. Never. Matt is mine, noon hanggang ngayon.” Sabi ko nang napatayo ako sa sinabi niya. I went out of my room and stormed towards our parking. Minaneho ko ang kotse ko kahit na bakas ang aking pag iyak. I went to him. To that one person who will let me forget everything. His half-brother. Alexander.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD