Matt POV
It’s been days since I got my car and had learned how to drive. Ako na din ang nagddrive sa mga kapatid ko papasok and papauwi. I was in school at the library reading some books when I received a message from Mom.
Sa kanya ko nalaman na sa makalawa na pala dadating yung anak ni dad sa iba. I was shocked, akala ko it wasn’t till after my birthday. Agad akong umalis at nagdrive pauwi. Nakita ko nalang si Mommy sa salas na naka upo hawak ang kanyang phone.
Napatingin siya sa akin saka tumayo at lumapit. I went to her and stare at her eyes bago ako nagsalita.
“Why in a hurry?” I said in a cold tone.
“Baby, sina Bernadette… pina alis na sa kanilang bahay. They decided to leave the country pero di nila masama si Alex kasi they will live sa mga magulang ni Mikael. Hindi nila tanggap si Alex.” Hinaplos ni Mommy ang aking pisngi. I watched her at nandun ang takot sa kanyang mga mata.
“Are you ready to welcome him in our house, mom?” I asked, grabbing her arms.
“Hindi ko alam, Matt. I feel like makikita ko yung taong bunga ng kasalanan nila. Yes, I forgave them. Pero, di pa rin maalis sa isip at damdamin ko na magiging parte na siya ng buhay natin. I still need more time, anak.”
I hugged her and kissed my mom’s forehead. Inakay ko si Mommy papuntang room niya. I asked manang na dalhan siya ng paborito niyang tea. Nang andun na kami sa kwarto ay pinahiga ko ito. May mga paunti unting luha sa mga mata niya.
“We’ll leave the day he will be coming. I will arrange my school stuff.”
“But baby… mapuputol yung pag aaral mo, plus I can’t leave your siblings alone yet.”
“Lolo has some connections, tatawagan ko nalang siya pag andun na tayo. We will take Tiffany with us. Para kasama pa din ni Daddy sina Therese and Cristoff.”
“Anak…”
“Mommy, it's just a short time for a space you need. By then, if you’re ready to face them, I will let you come back home.” Humagulhol na si Mommy.
“I won’t take no for an answer so you should tell Dad. I will not leave you here.”
Saka pumasok si Manang at inilagay ang tea sa side table niya. I let her drink it saka pinatulog ko muna. Gusto kong magmura at sumigaw pero ano pang magagawa nito. Things have happened. Yung mga plano ko lahat nawasak, napilitang palitan.
When mom was breathing evenly I knew she was asleep. So tumayo na ako at lumabas. Sinabihan ko si Manang na maghanda nalang ng pagkain para kay Mom mamaya. Saka ako bumalik sa sasakyan at nagdrive pa school.
Nang makarating ako sa school. Una kong pinuntahan ang registrar. I told them I had to drop out at ikinabigla ito nang lahat sa office. I told them magpapatuloy ako sa States. Agad namang inasikaso ang request ko.
Sinabihan nalang ako to sit by the lounge nila at ibibigay nalang ang kelangan ko. It’s been an hour before may lumapit sakin. Dala dala niya ang envelope na kailangan ko. Napatayo ako saka tinignan siya.
“A-alis ka na dito?” tanong niya. Somehow it made me smile a bit, she was kind of sad.
“I have to. But I will be back, I have to manage Dad’s business din.” I answered.
“O-okay, uhm eto na pala kailangan mong documents.” Ibinigay niya sakin yung envelope na tinanggap ko naman.
“Thanks.” Simpleng sagot ko habang tinititigan ko siya. She is beautiful kahit alam kong di siya sing yaman ng iba. I got my calling card saka ko ibinigay sa kanya.
“After you graduate, jan ka magtrabaho. I will see you by then.” Tinaggap niya ito at namilog ang kanyang mata saka napatingin sakin.
“N-naku po, wag na po.. D-di na po kailangan.” Ibabalik sana niya yung card pero tinanggihan ko.
“I insist. I want to work with you soon. Sige, mauna na ako. Good luck, Irish.” I smiled saka tumalikod na. That was the first time I smiled sa school.
Hinakbang ko na ang pa high school, I also asked for Tiffany’s school documents then pinuntahan ko na ang teacher niya. I told her about our plan of leaving and to keep it from her muna. I just told her kalian kami aalis.
Nang matapos ako dun, I stayed lang muna sa back ng building. May tumabi sakin saka nag offer ng juice sa isang pack, I looked at it. It was the same juice na naaalala ko na ibinigay sakin noon. It still is available.
Tinignan ko ito saka sa nagbibigay. She was with smiles, I just stare at her with furrowed brows. Di ba to titigil?
Hindi ko siya matagalan so tumayo ako at umalis sa kina uupuan ko. I did not accept the juice she was offering me. Bahala siya dun. Nang babalik nalang sana ako sa kotse, nakita ko siya na papunta sa gym nila.
I followed her and umupo sa bleachers sa may malayo. PE class nila siguro. They were playing badminton naman today. I watched how she was good at it. Natapos din sila na pinagpapawisan siya. She was left alone kasi nagpahinga muna siya, then pumasok sa girl’s washroom.
Ilang minuto ko siya hinintay bago siya nakalabas na parang bagong ligo. Pa exit na siya nang tawagin ko siya. I ran, hindi naman mabilis parang jog run lang, papunta kung nasaan siya.
“Uuwi ka na o may class ka pa?” tanong ko. Para naman iton nabato nung tinanong ko siya saka umiling iling na parang nagbabalik sa riyalidad.
“Uhmmm, U-uuwi na sana. Tapos na kasi class ko.”
“Can you stay for a while? 4 pm palang naman. Kahit 5 pm, saka kana umuwi.” I asked. Nanlaki naman ang mga mata niya at itinuro ang sarili niya.
“A-ako? Bakit naman po?”
“Stop saying po, magka edad lang ata tayo. I’m just 17.” Sabi ko.
“S-seventeen ka palang!?” bigla siyang napasigaw. I covered my ears saka siya nagsorry.
“Yeah, mag 18 next week.”
“Mas matanda pala ako sayo ng isang taon, 18 na ako eh.”
“That’s alright, age lang yan. But don’t use po on me.”
“Sge po, ahy sorry… Sige.” Napakamot nalang siya sa ulo niya. She is cute, I have to admit.
“Tara, dun tayo sa tambayan niyo.” I said saka hinila yung kamay niya. Hindi ko alintana na may nanunood pala samin.
Angeline POV
I just finished my class and may break kami for 30 minutes. I walked to the canteen at bumili ng juice na paborito ko. They have it here and maybe exclusive lang to sa kanila. I haven’t seen this anywhere kaya akala ko face out na.
Luckily, meron pa pala dito. Pabalik na sana ako ng makita ko si Matt sa dati niyang tambayan. I released a heavy sigh at lumapit sa kanya sabay upo at ioffer yung juice na na offer ko na sa kanya noon pa. I was smiling. Sana kunin niya.
TInignan niya ang juice nang ilang minuto saka sa akin. Ilang minuto din niya ako pinagmasdan saka tumayo at umalis. Sinundan ko nalang siya ng tingin.
Bumalik nalang ako sa room, ilang minuto na rin naman at may klase na ako. Last class ko na to at dalawang oras lang naman. 5 minutes bago ang klase ay tumabi sakin ang kaibigan ko.
“Uy friend, may nakita ako.”
“Ano nanaman yan?” walang interes na tanong ko.
“Si Matt, nakita kong pumasok sa gym.” Agad naman nakuha ang atensyon ko noom. Ang alam ko, nasa kabila silang building ngayon for another class. Mamaya pang 5 ang labas nito.
“Anong ginagawa?” kuryosong tanong.
“Ewan, pero may isang klase dun. Baka andun class nila.” Hindi nalang ako umimik pero di doon ang class niya.
Nang makapasok na ang prof ay di ko na alintana. Nasa iba akong dimension. Iniisip ko kung anong ginagawa niya roon. Gusto kong matapos kaagad ang klase.
Totoo nga ang sabi nila, habang inaantay mo ang oras lalong bumabagal. Kanina pa ako nakatingin sa aking wristwatch, ang tagal.
Hanggang sa nag 4 pm na at labas ko na. Agad ko namang niligpit ang gamit ko kaya lang kinausap pa ako ng prof namin tungkol sa binigay niyang reports. Mejo nagtagal pero nakalabas din ako.
Nasa harapan lang ng building namin ang gym. Palingon lingon ako hanggang sa may nakita akong babae palabas, bigla itong nahinto saka may lumapit.
I saw Matt. Tila nag uusap ang dalawa. Napakuyom ako ng kamay nang makita kong hinila siya ni Matt. Saaan sila pupunta?
I followed them saka ko nakita na pumunta sila sa ilalim ng puno. Anong ginagawa nila dun. I hid among the pillars, parang seryoso silang nag uusap.
Di nagtagal, nakita ko ang di ko akalaing magagawa ni Matt. He kissed her. He kissed her on her lips. Napasinghap ako at parang tinuturok ng kong anong matalim na bagay ang puso ko. Nahinto ang aking paghinga .
Hindi ko kayang makita sila ng ganun ang ginagawa kung kaya’t umalis ako doon. Ang namumuo kong luha ay tuluyan nang bumagsak.
“Matt, ba’t di mo ako makita? Bakit di mo ako mapatawad? Bakit siya? Anong meron siya?” bulong ko sabay nang pagramdam ko sa damdamin ko.
“I will make you suffer. Akin lang si Matt, not anyone’s!” bulong ko ulit hanggang sa makarating ako ng parking.
Irish POV
Nakakuha ako ng trabaho sa office ng registrar dahil sa tulong na din ni Irene. Isang assistant ang ate niya dito na pinsan niya kaya pinatulungan ako makapasok kahit free times ko lang ako nagawi rito. Free ako ngaun ng tatlong oras kaya ako napapunta ng office.
Ilang sandali, tinawag ako. Pinapa bigay sa nagrequst ang envelope. Nakita ko ang pangalan Matthew Renz Montecillo. Oh, siya pala. Yung crush ko. Pero para ano ito? Narinig ko nalang na nagbubulungan yung mga employee sa loob.
“Oo nga. Sayang nga eh. Bakit daw siya mag ddrop out?” tanong nung isa.
“Sa States ata magpapatuloy.” Sagot naman nung isa.
“Iba talaga mga mayayaman no.” hirit nung isa.
Napatingin ako ulit sa envelope. Aalis na siya? Hindi ko na pala siya makikita dito. Malungkot akong lumabas sa office para ibigay yung envelope. Nakita ko siyang nakaupo habang nag cecellphone. Nagbuntong hininga ako at tinitigan siya bago ako lumapit.
Last na, last na to. Kung kausapin ko kaya siya, kakausapin niya ba ako? s**t, nakita na niya ako. Lumapit pa ako sa kanya. Nang mag iisang ruler nalang ang layo ko sa kanya, inilahad ko na ang envelope sa kanya.
Pero dahil last na ito, kinausap ko siya kahit na walang kasiguraduhang sasgot siya. Lihim akong natuwa nang sagutin niya ang mga tanong ko. Ang buong akala ko, itataboy niya ako. Binigyan pa niya ako ng calling card niya, gusto niya akong maka trabaho.
Natuwa ako nang husto nang maka alis na siya. Pero napalitan din ng lungkot ang mga ngiti ko nung na alala ko na aalis siya. Oras na nang pasok ko sa isang subject ko, panghuli ko na.
Magbabadminton kami. Napangiti ako, at least makakalimutan ko nang saglit ang kalungkutan ko. Dalawang oras ang nilaro namin, pawisan ako. Kung kaya’t nung sabihin ng prof namin na bukas next week nalang ulit, nagpahinga muna ako.
Nang makaipas ang ilang minuto, tumayo na ako at nagpunta sa may lockers. Swerte ko naman na may paliguan dito. Mayroon nang shampoo at sabon kaya naligo muna ako nang mabilisan. Katapos ko, saka ako nagpalit ng school uniform ko.
Paglabas ko ng lockers room, may tumawag sakin nang nasa exit na ako. Nang lumingon ako, si Matt ang nakita ko. Nanlaki naman ang aking mga mata.
Tinanong niya kung uuwi na ako at kung pwede bang 5pm na ako umalis.
Hindi ako nakatanggi nang hilahin niya ang palapulsuhan ko sa tambayan namin ni Irene.
Pano niya nalaman na dito kami tumatambay? Naupo siya saka niya ako nginusuan na umupo. Umupo naman ako.
“Paano mo nalaman na dito ako tumatambay?”
“I see you here eating lunch with your friend every day.” Napadilat nanaman ako.
“G-ganun ba? A-anong ginagawa natin d-dito?”
“Masarap palang tumambay dito, no wonder dito kayo laging tumatambay nang kaibigan mo.” Napatingin ako sa kanya, nakapikit siya saka nakatingin sa langit.
“May problema ba?” dumilat siya saka tumingin sakin.
“What made you ask me that?” Umiwas naman ako ng tingin. Masyadong malamig ang mga mata niya.
“S-sorry. N-napansin ko lang, M-malungkot ang m-mga mata mo.” He smiled.
“You’re observant.”
“P-pasensya ka na, n-natanong kita nang ganun.”
“Family matters, kaya ako aalis.”
“G-ganun ba? M-matagal ka ba dun?”
“Why? Are you gonna be sad pag wala na ako dito sa school.” Pinamulahan naman ako saka nayuko. Di nakatakas sakin na mejo napangisi siya.
“So innocent. I love watching you blush. Dun ako magtatapos at magmamasteral. So baka abutin ako ng tatlo o apat na taon. Sakto lang nun, graduate ka na din. Kaya inaasahan kong makakatrabaho kita sa company.”
“P-pero… baka di ako makapasok sa kompanya niyo.”
“You have my calling card, just give it to the people there.”
“S-salamat.” Tinignan ko siya at nakita kong nakatitig siya sakin. Nakailang kurap ako saka yumuko.
“Bakit ang bait mo sakin? Ilang beses na kitang nakita pero parang di ka naman ganito sa kanila.”
“Hmmm… you wanna know why?” napatingin ako sa kanya, umusog siya palapit sakin.
“Maybe because... I like you?” Nanlaki ang mga mata ko saka ko siya tinignan, malapit na pala siya sa mukha ko. Napalunok naman ako.
“b-bakit a-ako?” utal kong tanong.
“I don’t know, I find you interesting.” Mas lalo pa siyang lumapit.
“Pero hindi ako katulad nila hindi ako mayaman.” Sabi ko, isang dangkal nalang ata ang layo ng mga labi namin.
“Exactly, you’re not like them.” Then he kissed me. Halos maramdaman ko na may nagliliparang paruparo sa tiyan ko. Paano na?