Irish POV
Nasa loob ako nang Registrar office ngayong umaga, may kalahating araw ako na pwedeng itrabaho ngayon kasi mamaya pa ang klase ko. Habang nagwawalis ako sa sahig, bigla kong na alala yung halik namin kahapon.
Napangiti ako sa kilig. Sinabi niyang antayin ko siya matapos niya akong halikan. Sinabi niyang dapat doon ako sa company nila magtrabaho para magkita kami. Hindi ko alam na ganitong kilig ang mararamdaman ko. Hindi ko akalain na gusto din niya pala ako.
FLASHBACK
Humiwalay siya nang kaunti matapos niyang masakop yung mga labi ko. Ako naman ay napakurap ng ilang beses bago ko siya natitigan.
“You’re not like them.” Sabi niya. Kumurap kurap naman ako habang ang mukha ko ay nakakulong pa sa kanyang mga kamay.
“P-pero, d-di ako maganda o m-matalino.” Sabi ko ng pautal. Napatawa lang siya.
“I can be that, just be yourself. Sapat na yun.” Napatawa naman niyang sagot. Napanguso ako.
“Stop pouting. I’ll kiss you again.” Napakagat tuloy ako sa aking mga labi.
“Just make sure na walang ibang lalake na aaligid sayo. And pag mag graduate ka na, sa Hotel ka magtrabaho.” Sambit niya.
“P-pero…” rarason pa sana ako. Kaya lang naunahan na niya ako.
“Walang pero pero. Dun mo ako hintayin, dun tayo magkikita ulit.” Sabi naman niya. Tumango nalang ako ng nakanguso.
“Gusto mo pa talaga…” sabay sunggab sa mga labi ko. Hinalikan nanaman niya ako, na alala kong nakanguso pala ako.. Di ko namalayan… Nagpadala naman ako sa halik niya.
Napangiti ako at parang naiihi sa kilig. Siya ang unang nakakuha ng halik ko. Napakagat labi ako habang nakangiti. Di ko namalayan na pinagmamasdan na pala ako ng mga empleyado na bagong dating.
“Mukhang maganda gising natin ah.” Sambit ni Ate Corrine.
“H-ha? W-wala po.” Napatawang sagot ko na ikinatawa naman nila.
Nagpatuloy na ako sa paglinis ng sahig. Di naman masyadong marami ang pinagawa sakin nang kalahating araw. Nang matapos na ang shift ko doon, agad ako nagpa alam na aalis na ako para maglunch.
Nangako ako kay Irene na kikitain ko siya sa tambayan. Pagdating ko ay siya ring pagdating nito. Napangiti naman kami sa isa’t isa.
“Hello, ano ulam mo ngayong araw?” tanong ni Irene.
“Gaya ng request mo, binagoongan na karne saka pritong isda.” Masigla kong sagot.
“Wow. Eto naman ang akin, caldereta at saka nagbaon na din ako ng lumpiang gulay.”
“Tara, kain na tayo!” aya ko sa kanya.
Naupo na siya saka namin inilahad ang mga pagkain namin para aming pagsaluhan. Puno kami ng kwento at tawa habang kumakain. Hindi ko nasabi sa kanya ang tungkol sa amin ni Matt. Baka di naman din siya maniwala.
Isa pa, walang klaro kung ano man kami. Basta ang sabi lang niya ay hintayin ko siya saka sa Hotel daw nila ako magtrabaho pag makatapos na ako. At, ayaw nitong may lalake pa sa buhay ko. Natawa nalang ako. Masyadong possessive.
Nang matapos kaming kumain, niligpit na namin ang lunchbox namin saka naghiwalay. Magkaiba nanaman kasi subjects namin ngayong araw. Dalawa lang subjects ko pero ang tatagal nang oras.
Papalakad na ako pasilid nang may biglang humablot saking babae. Marahas niya akong isinandig sa dingding saka sinampal nang malakas. Napahawak ako sa pisngi ko at pinagmasdan siya ng nakasusuklam.
“Ano ba? Anong ginawa ko sayo? Sino ka?”
“Ako? Sino ako? Ako lang naman ang fiancé ng lalakeng kahalikan mo kahapon.” Nanlaki ang mga mata ko.
“A-anong sinasabi mo?”
“That’s right! Fiance ako ni Matt! Pinagkasundo na kami at nakatakda na kami para sa isa’t isa kung kaya’t wag kang umiksena babae ka!”
“H-hindi ako naniniwala sayo.”
“Bakit? Kilala mo na ba ang kinakalantare mong lalake ha babae ka?”
“H-hindi, hindi sasabihin ni Matt na antayin ko siya kung ikakasal na siya.”
“Oh dear, di mo pa nga siya kilala. Pinapaikot ka lang niya. Pag makatapos kami ay saka kami magpapakasal. Yun ang kasunduan ng mga magulang ko sa lolo niya. Kaya nga dito na ako pinag aral instead na sa States.”
“Makinig ka. Hindi ka espesyal para sa kanya. Kung ako sayo, tignan mo muna ang kinalalagyan mo bago ka kumapit sa pinangako niya sayo. Basura!”
Napatulo nalang ang mga luha ko saka siya tumalikod. Hindi, hindi naman gagawin ni Matt yun diba? Pinahid ko ang aking mga luha sa aking mga mata. Pumasok ako sa room. Ilang minuto dumating na din ang prof namin saka nagklase.
Dalawang oras akong akala mo nakikinig pero lumilipad naman ang utak. Puno ang isip ko nang katanungan. Natapos ang klase nang di ko namamalayan. Nagliligpit na ako ng mga gamit ko ng mahagip ng mga mata ko si Matt na nag aantay sa labas ng room.
Napakunot ako ng noo saka napahinga ng malalim. May 30 minutes pa ako bago ang susunod kong klase. Mabagal akong kumilos, pero nang makalabas na ako ay di ko ito pinansin. Diretso lang ako na naglakad palabas.
Pinagtitinginan din siya ng iba kong kaklase, pero ako ay dumiretso lang. Sa gilid ng mata ko, alam kong nakita niya akong lumabas nang di siya pinapansin. Nakababa na ako at pupunta na sana sa isang building nang higitin niya ang braso ko.
Matalim ang kanyang mga mata, napakalamig. Tinignan ko siya nang masama. Di nagtagal, namuo ang mga luha ko saka ito tumulo. Bigla naman naging maamo ang kanyang mga mata saka niya ako niyakap.
“What’s wrong? Tell me.”
“Bakit mo ako pinaglalaruan? Masaya bang pagluruan ang tulad ko?” hikbi ko. Napakunot siya nang noo saka humiwalay ng konti nang di inaalis ang kanyang mga kamay sa braso ko.
“Anong ibig mong sabihin?” Nakatitig siya sa mga mga mata ko.
“Kinausap ako ng fiancé mo. Siya ang nagsabi na pinaglalaruan mo lang ako. Pinapag antay mo ako sa wala.” Iyak ko. Nararamdaman ko naman ang bigat nang hinga nito at ang galit sa mga mata.
“Sino nagsabi niyan?”
“Hindi ko kilala! Basta niya nalang akong sinampal at sinabing fiancé mo siya.” Napapikit ito saka kinalma ang sarili. Ikinulong ang mukha ko sa mga kamay nito.
“Wala akong fiancé. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, sa iyo lang ako nagka interes.”
“Pero sabi niya, pinag kasundo na kayo ng lolo mo at mga magulang niya. Pag maka graduate na kayo ay ikakasal na din kayo.” Bigla naman siyang parang nakuha ang sagot na kailangan niya.
“No, I am not arranged to be married to anyone or so I thought. Pero pag nalaman kong meron nga, di ako papayag. I am never one to get an arranged marriage.”
“Paano tayo?”
“Ganoon pa rin, walang pinagbago. Ganoon pa din ang plano.”
“M-matt, ano ba tayo?” hindi ko maiwasang itanong sa kanya. Bigla itong natahimik saka lang ako tinignan ng mabuti, pinawi niya ang ang mga luha sa pamamagitan ng kanyang hintuturo.
“I don’t do labels. Hindi ako sanay sa ganun. But what I do know, akin ka. At sayo naman ako. Kung gusto mo akong iconsider na boyfriend mo, its fine with me. Basta alam ko lang, akin ka.” Napangiti naman ako saka ko siya niyakap. Niyakap niya ako pabalik.
“Wag kang maniniwala sa sinasabi ng babaeng yun. Hindi siya mapagkakatiwalaan.” Tumango naman ako saka hinigpitan ang yakap sa kanya.
“Cmon, ihahatid na kita sa sunod mong klase.” Humiwalay na ako sa kanya pero kinuha niya ang kamay ko sabay hawak habang naglalakad kami. Pinagtitinginan kami ng ibang estudyante habang naglalakad kami papunta sa susunod kong klase.
Napangiti ako ng palihim nang parang ayaw niyang humiwalay sakin nung nasa pintuan na kami. Hinalikan niya nalang ako sa noo saka binitawan para makapasok na ako.
“Wait for me mamaya, ako na maghahatid sayo. Ihahatid ko lang mga kapatid ko saka babalik ako para sayo. Okay?” tumango ako saka niya uli hinalikan ang tungki ng ilong ko. Napangiti naman ako saka pumasok na ng silid.
Matt POV
Matapos ko siyang ihatid sa klase niya ay hinanap ko si Angeline. Alam kong siya ang nagsabi ng kung ano ano kay Irish. May nalalaman pa tong fiancé ko siya eh ni ayaw kong malapit sa kanya. Nakita ko itong naglalakad sa isang hallway ng kasama ang mga kaibigan niya.
Tinawag ko siya, lumingon naman ito nang may malaking ngiti. Nang makalapit na ako ay kaagad ko din itong sinampal ng malakas. Natumba siya sa lakas nun, at halos mangiyak ngiyak na tumayo at hinarap ako.
Hindi ako pumapatol sa babae, pero ibang usapan kong may sakitan nang nagaganap lal0o na sa mga taong malapit sakin. Lumuha na siya sa harap ko sabay ngisi ko naman.
“Masarap ba ang masampal?” Ikinalaki naman yun ng mga mata nilang tatlo.
“Hoy, Matt. Di porket patay na patay sayo tong kaibigan namin, gaganyan ka na.”
“Shut up, I’m not talking to you!” agad namang napatigil sa pagdepensa sa kaibigan niya ang nagsalita.
“One more try of hurting her, di ako mangingiming saktan ka ulit. May pa fiancé fiancé ka pa? Hindi mo talaga ako titigilan? Matagal ka nang nabura sa buhay ko kung kaya’t wag kanang bumalik.” Iyak naman siya ng iyak sa harap ko.
“M-matt, I just did that, kasi ako naman dapat yun diba?”
“Ang kapal nang mukha mo. Natuto kang umalis pwes matuto kang lahat ay may pinagbabago. Di lahat naka ikot lang sayo.”
I said then left her. Bahala silang magkakaibigan na aluhin si Angeline. I need to calm myself. This was my last day, bukas aalis na kami. Hindi niya ako dapat pinoprovoke.
I went to the gym sa may bleachers, doon ako nagpalamig ng ulo ko saglit. I have to be calm and collected.
It was already 4.50 pm, so umalis na ako doon saka pumunta sa parking. Nandun na si Tiffany.
“Kuya! San ka galing? Kanina pa akong 4.30 dito eh!”
“Sorry, nasa gym kasi ako. Get in the car.” I said tas pinindot ang pang open sa pintuan nito. Di nagtagal, dumating din sina Therese and Cristoff.
“Iddrop ko lang kayo sa bahay. I need to go somewhere pa.” I told them then tumango naman sila. Di ko pa sinasabi na bukas na ang alis namin. Pero Mom said she already pack her stuff, bukas daw ang kay Tiffany.
Nang makarating sa bahay, agad namang nagsilabasan ang tatlo saka ko pinaharurot ang kotse pabalik. Nakita ko si Irish na nakaupo sa bench sa may security. Pagkapark ko ay bumaba muna ako at niyakap siya.
Nararamdaman ko ang pag aalangan niya. Inakay ko siya pa kotse saka ko nakita si Angeline sa may parking. Mejo malayo layo ito at pasakay na sana. Pinakita ko sa kanya gaano ko iningatan si Irish, na hinding hindi niya mararamdaman.
Nakita kong pinahid niya ang kanyang mga luha. I couldn’t care less. Nang maipasok ko na siya sa passenger’s seat, sumakay na ako sa driver’s seat.
Umalis na din kami without looking back. I held her hand na nasa tabi ng kanang kamay ko. I kissed the back of it habang nakatutok sa kalsada. In the corner of my eyes, nakita ko siyang ngumiti.
Angeline POV
I was about to ride the car nung nakita ko ang kotse niya na nagpapark. Nakita ko siyang bumaba saka naglakad pa security. I saw her standing there, mukhang hinihintay niya si Matt. Mas sumakit ang loob ko nang yakapin niya ito.
Sabay silang naglakad pakotse niya. Hindi ko namalayan na may luha na palang tumutulo sa mga mata ko. Nakita niya ako. He was mocking me. Pinakita niya sakin gaano kaingat siyang tratuhin ang basurang yon.
Nagpahid ako ng mga luha ko. Saka hinabol sa tingin ang umaalis niyang sasakyan. You will be mine soon. I know you will be mine.