Things Change

2748 Words
It has been weeks since the last time we were in the hospital. Sa totoo lang, I fear for my mom. Mejo nanlamig ako kay dad. I was looking up to him. Hindi sana ganito had it not had been proven na anak nga niya yung anak ni Bernadette. But, dad did not also know na anak niya yun kahit pinagpipilitan ng Bernadette na yun na anak nga ni dad whose name was Alexander Gabriel. He had asked for his close friend to get the DNA nung guy as soon as nakita niya ulit silang mag ina. Those people had the decency to visit him sa hotel, sinamantala nila ang pagkakataon habang di pa na aapprove yung retraining order. Now I know why my mom had tried to kill herself. Hindi niya lubos maisip na si Dad ay magkakaroon nang ibang anak maliban samin. Sino ang mag aakala na ganun ang gagawin niya? He loves mommy too much, sabi pa niya halos mabaliw siya kakahanap sa kanya nung nawala siya. But, some things are unexpected. Matagal na palang sinabi nung babaeng yun about sa anak nila before my parents were even married. That was also the reason bakit daw biglang nawala si Mommy. Mommy does not believe in love but Dad changed it. Kaya ganun nalang ang dinamang sakit ni Mommy nang malamang nakabuntis siya and that was daw nung sila pa. Nalilito ako minsan. Pero isa lang ang nakikita kong root cause, ang pagkakaroon ni Dad ng anak sa iba. I then decided na pagkatapos kung mag aral, I will take Mom with me. Isasama ko siya sa States. Di ko hahayaang nandito siya at nakikita ang pagkakamali ni Dad. Yes, it was a deal they have made. Aakuin ni dad si Alex, pero hindi ang babae. Yun lang naman daw ang hiniling niya kay Dad. Sinabi ni ninong na baka niya pina ako si Alex para makakuha siya ng mana o kahit isang business na pwede niyang ipagkatiwala sa anak. But dad said he already had assigned each of us, kaming anak niya kay Mommy, kung saan kami sa mga business niya. So wala siyang maibibigay. Maybe daw monetary but he will only get it pag may napatunayan na siya. I was sad for him but at the same time mad. They hurt my Mom, kahit na wala siyang kasalanan pero tinulungan niya ang ina niya na guluhin kami so he is also part of it. Ayaw na ayaw ko na masasaktan si Mom. At first, she told me not to tell my siblings about it. Pero nung magkausap na silang lahat, sinabi na ni Mom na pwede ko nang masabi sa mga kapatid ko. But I declined,  I told her na si Dad ang magsabi para siya na din ang mag explain sa nangyari. I saw in my Mom’s eyes how she was getting hurt, ayoko pero wala akong nagawa kundi mapatango. I told them to meet me up sa study room. I was going to talk to them. Maya’t maya I heard them knocking the door. I let them in and they sat at the couch. Isa isa ko silang tinignan bago ako mapabuntong hininga. Mom was upstairs, but I know she will not put herself in danger. Mas naliwanagan na siya, we need her. Dad was out with Ninong sa office. I saw curiosity in their eyes and wala na akong nagawa but to tell them what was happening. I sat on the lone seat na nakaharap sa kanila. I saw how their eyes watch me.   “May sasabihin ako sa inyo. This may change how you will see Dad and even between our relationships. Pero pakinggan niyo muna ang explanation ni Daddy. Okay?” I started with a cold tone. “Kuya bakit? What happened?” tanong ni Therese. “We have… another sibling. He is older than I am but they say its just months.” Seryoso kong sabi. Nakita kong napadilat silang lahat at kapwa nagtinginan bago ulit nila ako tignan. “Kuya please don’t joke around.” Sambit ni Tiffany. I just look at her. “Kuya does not joke around, Tiff. You know that.” Sagot naman ni Cristoff. May namuong luha sa mga mata ni Tiff. “But, but… does that mean, niloko ni Daddy si Mommy? May other wife siya?” niyakap naman ni Therese si Tiff na siya naman ngaun ay may namumuong luha. “Kuya, kaya ba ganun ang ginawa ni Mommy?” Therese asked and I just nodded. “Nauna ba siya kesa kay Mommy, kuya? Did they have a relationship with dad?” tanong ni Cristoff. I sighed and held my face with my hands na nakapatong sa tuhod ko. “No. Sabi ni Ninong, it was just a party na nattendan nila. They got Dad drank and the next thing they knew, he was with this woman. Ang sabi naman ni Dad, walang nangyari sa kanila. But nung nagpatest na ulit siya sa DNA, it was proven na kay Daddy anak yung anak nung babae.” I said not looking at them kasi nakayuko na ako. “Dati pang sinabi nung babaeng yun na buntis siya kay Mommy nung ikakasal na sila, nagpakita pa ito nang ultrasound, pero ipinilit daw nila na ang nakabuntis sa kanya ay yung isa nilang kaibigan. Kaya daw nagkaroon sila nang away kasi kinampihan nung kaibigan nila ang babaeng yun. Siya nga daw umako sa dapat responsibilidad ni Daddy.” I added.   Napatahimik kaming lahat until Therese broke the silence.   “What will happen, Kuya?” tanong niya na nakapag pa angat sa ulo ko. “They had a deal. That guy will live here. I know maninibago tayong lahat especially si Mommy. She asks us to treat him well.” I said. But I wasn’t one to just heed easily. But for my mom, I will treat him civil. “K-kuya, how’s mom and dad?”Tanong ni Tiff. “To be honest, di ko alam. I barely can look dad in the eye. It may take a while. If you have more questions kay mommy or kay daddy kayo magtanong. Mom just told me to tell you kung anong mangyayari.” I said. “Kuya, tuloy pa din ba ang pagpunta mo sa States?” tanong ni Cristoff. Tumango ako, mas lalo pa ngayon. “Yes, and I will bring Mommy with me.” Bigla namang nagsinghapan sila. “P-pero pano kami, kuya?” Si Therese. “Dad is still around. Gusto ko munang ilayo si Mommy dito, I can see and feel how hurt she is.” Mas umiyak lalo si Tiffany. Napatango naman si Cristoff and Therese. Biglang lumabas si Tiffany. “I’ll talk to her.” Sabi ni Therese saka niya hinabol si Tiff. Naiwan kami ni Cristoff. “Kuya, kelan siya lilipat dito?” tanong niya. “I guess, after ng birthday ko.” I said at tumango siya. “You have to do good, Cristoff. Pag umalis ako, ikaw nalang ang lalaki sa ating apat na andito sa mansyon.” Tumango siya. “Don’t worry, Kuya. You can count on me.” Sabi niya saka tumayo at lumabas ng kwarto.   Napahinga ako ng malalim. Sinabunot ko ang aking buhok saka ginulo ito. I went out at umakyat na din ako sa kwarto. I saw our parent’s room na open. I walked there and mejo naka open ang pinto. I saw Mom from their terrace na paharap sa labas. Ilang araw na niyang inaasahan na uuwi si Daddy at makakausap niya. Dad has been going to the office early and comes home late. Sabi ni Ninong, madami itong ginagawa sa company. Gusto niyang tinatapos ang trabaho lalo na ngayon. Ayaw niyang makita na umiiyak si Mommy nor makita ang mga mata daw nito. Nakokonsensya siya sa nagawa niya. At nag aalangan na siyang makita kami, alam niyang madidisappoint kami pag nalaman na namin. Nakita niya kung pano ko siya harapin na parang kaharap ko lang ang mga taong nag aasam na mapansin ko. I barely talk to him. He can’t even approach me kahit na about sa office ang itatanong. Ni di niya ako makumusta. I was hurt. Isa sa mga taong tinitingala ko ang gagawa samin ng isang bagay na ika iiba ng pagtingin namin sa kanya. Di na din nakakayanan ni Mommy mag antay di tulad ng dati. Nakakatulog nalang ito sa kakaiyak. Kung kaya’t di niya naabutan si Daddy na uuwi. It was gone, gone are the days na nakikita ko silang sobrang maglambing, sobrang magmahal. Nasasaktan ako para kay Mommy lalo pag nakikita kong pati ang mga mata niya ay malulungkot at nasasaktan. Binuksan ko ang kwarto nila at inilang hakbang ang patungo sa kinatatayuan ng Mommy ko. She must have heard my footsteps dahilan para mapabaling siya sakin. She smiled, yung pilit at saka lumingon sa labas.   “What are you doing here, mom? Dumidilim na, pumasok ka na. Malamig sa labas.” I said. “I’m fine, babe. Inaabangan ko ang Daddy mo.” Bumaling siya sakin saka tipid na ngumiti. I still saw the pain in her eyes. “Mom, mamaya pa uuwi si Dad.” Sabi ko. “Babe…. Are you still angry sa daddy mo?” tanong niya saka siya humarap sakin. I stared at her at wala akong nasagot. She just saw me clench my fist and sighed. “Baby, matagal na yung nangyari. Di naman nagbago ang daddy mo sakin. Alam kong nasasaktan din siya ngayon. Baby, tayo yung inaasahan niyang yayakap sa kanya dahil nagkamali siya. Inamin naman niya diba?” umiiyak na sabi ni Mommy. “Please forgive your Dad, alam kong nasasaktan siya lalo pa’t ikaw ang tinuturing niyang panganay niya. You have no idea kung pano niya itinaboy noon ang babaeng yun para satin.” She said through her tears. May namumuong luha sa mata ko pero inangat ko alng ang mukha ko para mapigilan itong bumagsak. “Matt, baby… find it in your heart to forgive, anak. Kahit para kay Mommy. Di ko kayang mawalay sa Daddy mo. Alam kong iniiwasan niya tayo. Alam kong mas nahihiya siya sa inyo.” Usal niya at humawak sa kamay ko.   Hindi ko na natigil ang luha na bumagsak habang nakatitig sa mga mata ni Mommy. I hugged her tight and kissed her forehead.   “You’re coming with me. Pag alis ko sasabay ka sakin.” I said with finality. Bigla namang napa atras si Mommy. “B-bakit baby? Di ko kaya mawalay sa Daddy mo. Pano naman mga kapatid mo? Kailangan din nila ako.” “Kailangan din kita. Mommy naman, di ko kakayaning nakikita kang ganito habang nakikita mo ang kasalanan na nagawa ni Daddy. My siblings can take care of themselves. Let’s go to the US, isama nalang natin si Tiff, dun na siya mag college.” “Pano ang daddy mo? Malulungkot din yun pag wala ako dito.” “He can visit us. It’s easy for him to do that mom.” Bigla itong natahimik. Nag iisip pa siya siguro. “Mom, I won’t leave you here enduring what you will see every day. Aalis tayo after my birthday.”   Napatingin siya sakin. I stared at her and cup her cheeks.   “Mommy, hindi ko hahayaang saktan kapa nila ulit. Hindi ko hahayaang may gawin ka ulit. If you won’t come with me, you’ll never see me again.” “Matt… please.” Iyak ni Mommy as I cup her face. I eventually let go. “It’s really up to you, Mom. I am giving you a choice.” Napamulsa ako at handa nang umalis nang hawakan niya ang braso ko. “Let me just talk to your dad.” Pakiusap niya. “Kayo pong bahala. Sana makapag desisyon na po kayo before my birthday comes.” Saka ako nagpatuloy nang mapa bitaw na si Mommy.   I went to my room. Naligo saka nahiga na, I am tired just by thinking. I had a tiring weekend, tired as ever. Saka ko naramdamang nakatulog na pala ako.     Kinabukasan, I heard a knock on my door. Napa bangon ako at nakita kong si Manang pala yon. “Sir, may dumating pong regalo sa inyo galing sa Ninong niyo. Eto po yung susi.” Saka binigay ang susi. I stared at it first before ko kinuha. I went back  inside nang maka alis na si Manang. I washed my face and brushed my teeth. Pagkababa ko, wala na si Cristoff and Tiffany. Si Therese nalang. She was eating her breakfast nang mapatingin ito sakin.   “Wow, kuya, napa aga ata ang regalo mo sa Ninong mo.” She said, smiling. Nagkibit balikat lang ako saka lumabas ng bahay. Outside nakita kong may kotse na nakapark, it was shining at agaw pansin. I recognize the model, it was a BMW X5, may note pang nakaipit sa may windshield. It states na ito ang gamitin ko pag mag practice na akong mag drive. I eyed the exterior ng car, it was not just something na pang practice. But who am I kidding, mura lang to kay Ninong. He can get the latest model ng Tesla, this was nothing to him. Nakita ko si Mang Isko sa gilid ng aking mata.   “Mang Isko, kelan po to nandito?” tanong ko sa kanya. “Ahy, senorito… kanina pong madaling araw inihatid nung driver ng ninong niyo. Ang sabi kong kailangan mo na daw mga practice, turuan kita.” Sagot niya. Napatango naman ako. “I would like to practice today, wala naman po akong pasok.” Saad ko. “Sige po, sabihin niyo lamg po kung anong oras para mahanda ko po yung sasakyan.” “Mamaya, magbibihis lang ako.” Saka ako pumasok ng bahay. I saw Therese at mukhang papasok na siya. “What time is your class?” tanong ko. “Ngaung 10 kuya, maaga pa naman. Its just 9 pero kasi may gagawin pa ako.” “Sige, antayin mo ko. Ihahatid ka nalang namin sa kotse ko.” Nanlaki ang mata niya. “Kotse mo yun kuya? Wow. Sige, mag aantay ako.” “Si Mommy?” “Nakapag almusal na. Siya ang naghanda, pero after kumain nung dalawa, pumasok na siya sa room nila.” “And Daddy?” “Uhm, maaga daw umalis. 4 am palang ata. Ninong mo nga sumundo, saka after nila umalis, dumating naman yung regalo daw sayo. Di ko nga nakita yun eh, kotse pala. Naks naman kuya.”   Tumango lang ako saka umakyat na sa kwarto. Naligo lang ako ng mabilis saka naghanda na. Pagbaba ko nakabusangot na si Therese.   “Ang bagal mo naman magbihis!” ungot niya. “Naligo pa ako.” Simpleng sagot. “Grrr, sabi mo magbibihis ka lang.”   I did not mind her. Lumabas na ako ng pinto habang siya ay nakasunod. Napadilat nanaman siya nang makita yung kotse.   “OMG. Sayo to kuya?” tanong niya and I just nodded. Pumasok na ako sa passenger seat habang si Manong Isko ay sa driver’s seat. Napatingin ako kay Therese na humahanga pa din sa sasakyan. “Get in.” nahimasmasan naman siya saka pumasok sa backseat. “s**t ang gara!” sambit niya. “Therese,” I called her because of what she said. “Ahy sorry naman, hinahangaan ko lang kotse mo kuya. Kuya, sabay na kami sayo ha, pagpapasok?” ngiti niya “Whatever.” yun na lang sinabi ko saka pina andar na ni Mang Isko ang sasakyan.   Pagkadating namin sa school, bumaling ang mga estudyante sa sasakyang gamit namin. Ang iba ay nagbubulungan pa. Mejo tinted yung kotse kaya di kami kita sa loob. From where we are, nakita ko siya na papasok na din. Napatingin din siya sa kotse nang ituro kami ng kasama niya. Nang nakita na niyang bumaba si Therese, napadilat siya. Nakita kong parang inangat pa niya ang tingin niya na parang may hinahanap. Was she looking for me? I thought. Pero after makapasok ni Therese ilang minuto na, she started walking with her friends. Pero nakikita ko tong paminsan minsan ay dumudungaw sa position namin. I sighed thinking na I have to set my priority straight. Sinabi ko na kay Mang Isko na pwede na kaming umalis. So he drove out of the school. As I rest my back sa upuan ko, na alala ko ang mukha niyang parang may hinahanap sa posisyon namin. Umiling lang ako, ah baka nagkakamali lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD