Irish POV
Nasa kalagitnaan na kami ng linggo at nasa pangatlong buwan ko na sa bago kong pinapasukang paaralan. Para lang akong ghost dito. Iisa lang ang kakilala at iisa lang din ang kaibigan. Si Irene. Hindi naman sa loner ako pero mas mabuti nayun.
Si Irene ay nag iisang anak ng mga magulang niya. Wala siyang kaagaw habang kami, lima na sa aming ina. Ang aking ama ay maagang nawala. Sabi ni nanay, namatay si tatay sa trabaho. Sabi naman ng iba, sumama sa iba kasi sobrang hirap na daw ng buhay namin.
Pinaniwalaan ko si Nanay kasi di naman siya magsisinungaling samin. Nasa school ako, nag aaral sa library. Pag walang pasok, andito lang ako para gumawa nadin ng assignment. Para mamaya pag uwi, makasama ko si nanay sa paglalako ng isda sa barangay namin.
Saktong natapos ako ay siya ding pagbell simbolo na natapos na ang klase sa hapong yun. May 15 minutes ako para mapuntahan ang silid ko. Nakayuko akong naglalakad sa hallway habang hinahanap ang notebook para sa susunod na klase.
Bigla akong may nabundol, sinapo ko ang ulo ko nang maramdaman ko ang sakit dahil sa pagbundol. Pag angat ko ng tingin, nasorpresa ako sa nakita. Siya nanaman. Nag isang linya ang bibig niya saka tumingin ng napakalamig.
“Kailan ka matututong mag-ingat?” malamig niyang sabi.
“S-sorry po, di ko po sinasadya.” Napayuko ako, pinipigilan kong maiyak sa titig niya.
“Palagi nalang. Will you please be careful?!” singhal niya at tumalikod na.
Narinig ko namang nagtatawanan yung mga babae sa gilid. Hinayaan ko na. Pagkapasok ko sa room ay diretso ako nang upo. Hinalungkat ko gamit ko at inantay ang prof namin. Tumingin ako sa labas at napahinga ng malalim.
‘Ganun ba talaga ako kamalas’ bulong ko sa sarili ko. Nakita ko si Matt na naglalakad papunta sa upuan na may bench. Umupo siya sa bakanteng mesa at inihiga ang ulo niya sa kanyang mga bisig. Palagay ko, wala pa siyang pasok at natulog muna.
Sakto namang pumasok na ang prof namin at nagsimula nang magdisscuss. Habang may sinasabi ang prof namin ay napalingon ako sa kanyang direksyon at nakitang may tatabi sana sa kanya. Pero napatawa ako nang makitang tumayo ito at umalis.
Si Matt naman ay tila nagising nang dahil sa ginawa ng babae kaya siya napatayo at umalis. Narinig nang guro ang tawa ko dahil tanging boses lang ng prof ang naririnig sa room.
“What’s funny, Ms. Arandia?” tanong ng striktong prof.
“A-ah wala po. S-sorry po” paumanhin niya.
“Listen if you want to pass on my next quiz.”
“Opo, sorry po”
At natapos ang klase na nakikinig ako ng maigi. Pero di nakatakas sa akin ang pag irap ng mga babaeng kaklase.
‘Nung problema nila’ bulong ko. Tinignan ko ang pwesto ni Matt kanina, pero wala na siya dun. Siguro nasa klase na. Huminga ako ng malalim bago tumayo at umalis na sa room.
Isang klase nalang meron ako saka uwian na namin. Nakita kong nagkukumpulan yung mga kaklase kong babae. May isa akong kilala kaya nagtanong ako kung anong meron.
Sinabihan niya ako na dito daw sa labas gaganapin ang PE namin kaya pinaghahanda na kaming mag PE Uniform. Tumango ako saka kinuha yung uniform ko.
Nagpunta ako sa Women’s CR at doon nagpalit. Saka bumalik sa field. Naupo ako katabi nung isang kaklase ko.
Ang gagawin pala nila ay female football. Nagdiscuss muna ang kanilang PE Instructor bago kami magsimula mag laro. Sanay na ako dito kasi yun naman ang laging nalalaro ng kabataan samin. Kahit babae ako, game ako sa kahit anong larong kaya niya.
Sa di kalayuan, parang natanaw kong taong nakamasid sa amin. Di ko na din ito pinansin kasi di naman din ako sigurado. Hanggang sa grupo na namin ang tinawag.
“START” sigaw ng instructor namin.
At kami'y nagsimula nang maglaro.
Angeline POV
Papunta na ako sa second to the last subject ko nang matanaw ko si Matt, nakaupo at parang may pinagmamasdan. Napa ngiti naman ako. Sinundan ko ang direksyon ng mga mata niya at nakita kong nanunuod siya sa mga naglalaro.
Lalapit na sana ako nang bigla itong tumayo at lumipat sa ibang upuan. Nakamasid pa din siya sa dalawang grupo na naglalaro. Siguro PE na nung mga estudyante nun. Pero nakita ko ang pagkakatitig niya.
Para siyang may binabantayan. Parang iisang tao lang ang pinagmamasdan. Nakita kong may humiwalay na babae dun saka ko tinignan si Matt. Sinundan niya ito ng tingin.
Sino ba yung babaeng yun? Bakit parang nakamasid sa kanya si Matt. Akmang lalapitan ko na siya nang bigla niyang sinundan yung babae. Sumunod ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatingin sa babae habang nakatago siya sa pillar ng hallway.
Napalunok ako. Siya ba ang gustong babae ni Matt? Pero, mukha naman itong bago, at kung ikokompara naman siya sa babaeng yun, parang may mas class pa siya. Nagiging makasalanan ang utak niya. Hindi siya lumaking ganun.
Kung kaya’t minabuti niyang umalis at magtungo nalang sa klase niya. Pagkarating niya ng room ay wala pa naman ang prof nila. Hindi siya maka imik hanggang sa naka upo nalang siya.
Hindi, baka nagkakamali lang din ako. Napatawa siya sa naisip saka umiling iling. Nakita naman siya nang mga kaklase.
“Uy, okay ka lang ba?”
“H-ha? O-oo naman, may naisip lang bigla.”
“ohh if I know, si Matt na naman no?”
“H-hindi ah.” Pagtatanggi niya.
“Bakit? Anong meron?”
“W-wala nga. May naisip lang.”
“Sabi mo eh.”
Saka nag iba ng kausap ang kaklase niya. s**t, bakit ba ako ganito? Tanong niya sa isip niya. Nabuntong hininga nalang siya at binuklat ang kanyang aklat. Magbabasa muna siya habang wala pa ang prof nila.
Pagdating ng prof nila ilang minuto ang nakalipas, nagsimula na itong magbigay kaagad ng pop quiz, pasalamat naman siyang nakapag basa siya kahit konti. Napangiti naman siya.
Kailangan niya din malaman sino ang babaeng yun. Natatakot siya na magkaroon si Matt ng interes sa kanya. Magmula nung ignorahin siya ni Matt, naging selfish siya sa atensiyon nito. Baka dahil, ni minsan di niya naranasang maging mabait ito sa kanya magmula nang bumalik siya.
Ako lang ang kaibigan na kailangan ni Matt. Ako lang. Ayaw man niyang humantong sa ganito ang pag uugali niya, nararamdaman niyang kelangan may gawin siya para mabalik ang dating pagtitinginan nila bago pa siya naka alis nuon.
“Matt is mine. Hindi ko siya maibibigay sa iba. Sorry, he made me selfish.” Bulong niya.
Matt POV
Nasa field lang ako, sa bandang may bench at mesa. I was trying to nap nang may napansin akong lumapit at hinagod ang buhok ko saka hinaplos ang pisngi ko.
“Get the f**k away from me. I’m trying to sleep.” Galit kong saad habang naka pikit.
Napansin ko namang biglang umalis yung taong yun saka ako napamulat nang mata at umiba ng pwesto. Ilang oras pa may narinig akong boses ng ibang estudyante na papuntang field.
Napamulat nanaman ako, nagkukumpulan ito. I sighed and just woke up. Its been 2 hours naman din. I didn’t have class anymore, kaya lang kailangan kong hintayin ang mga kapatid ko para sa sundo.
So I just sat there, watching them. Nakita ko siyang papalapit sa mga yun.
‘So, its her class huh?’ bulong ko.
Nakita kong umalis siya doon dala dala ang damit na siguro ay isusuot niya. It took her 10 minutes bago bumalik sa klase niya. She sat with them.
Maglalaro sila. Nanuod lang ako. I was watching her play. Nakita kong muntik na siyang matumba. I changed my seat, at patuloy sa panunuod. Nanlaki mata ko nang makita siyang natumba at siguro’y nagalusan.
Natapos ang laro nila after a few minutes then, lumayo siya. Naglakad siya papuntang fountain at uminom ng tubig. I followed her and watched her from the pillars ng hallway. Naghugas din siya ng kamay at pati yung siko niya na nagalusan.
I was about to give help nang mapagtanto kong di niya ako kilala. So I just watched her. Natapos yun saka bumalik siya sa field para kunin ang gamit niya. She left there and I think uuwi na siya.
I followed her until nasa gate na siya. I was right, pauwi na siya. I then walked towards the parking. It was 5 and I know nandiyan na si manong with my siblings.
And I was right, nasa loob na sila ng sasakyan. Binati naman ako ni mang Isko.
“Good afternoon ho, sir!” I nodded and greeted him back.
“Good afternoon din po, nasa loob na po silang lahat?” I asked.
“Opo, kanina pa pong 4.45 sir.”
“Sige ho, tara na!” sabi ko.
Pagkapasok ko sa loob ay tatlong sigaw ang narinig ko.
“Kuya, san ka galing?” Tanong nung tatlo kong kapatid.
--
Nasa Mansion lang ako buong maghapon, nagbabasa. Minsan naman tumatawag si Daddy but its just to tell me that updates na baka kasi mag out of town siya dahil sa client niyang pa iba iba ng desisyon. I nodded and told him na I will take care of Mommy and sa mga Kapatid ko while he’s out. As I do always.
Madami akong gusto pang gawin after I graduate to be honest. Gusto ko magcontinue abroad for my masteral sa business. I already told my parents about it and they were supportive. Ngayon palang, pinagsasabihan ko na mga kapatid ko, lalong lalo sa parte kay Mommy.
I don’t want to hear na nasstress si Mommy sa kanila. Mommy developed a weakness in her heart, na namana niya sa side nina lolo, her father. At bilang pangalawang panganay, I told Therese about my plans and what she should do. I know I have one year more and papalipit na din yun. I want everything to be ready before I depart.
Ayoko mahirapan si Daddy or Mommy sa mga kapatid ko. I love them both but I love my Mommy more. Oo, aaminin ko, it's kinda weird for me to be called Mama’s boy pero I love my Mom so much.
Bumaba ako matapos akong tawagin ng katulong kasi kakain na. Mom was preparing na she cooked herself for us, as usual. Then pinaghain niya pa kami ng pagkain. She takes care on a lot of us so mamimiss ko siya ng sobra when I live alone sa mansion namin sa states. I will miss her home cooked meals, yung mga lambing niya and her sweet smile. Sana makatagpo ako ng babaeng ganun.
But I seem to just be acquainted with w****s. Mga babaeng kayang gawin lahat makita o mapansin lang sila ng lalake. Anyway, I will try to find the one for me pag nakatapos na ako. I swore to Dad ako ang magmamana sa mga maiiwan niya. Well half it maybe, kasi si Cristoff ang gusto niyang mamahala sa mall na pinatayo niya.
I sighed watching my Mom. I sat on my usual seat and ate the food na pinepare niya sakin. She always cooked something na bago sa panlasa namin pero yung magugustuhan naman. Today, she cooked another pasta recipe.
“How is it kids?” she asked smiling.
“Masarap, mommy. As always, alam mo talaga mga tastes namin.” Sabi ni bunso.
“Nga naman, Mommy. Thumbs up.” Sabi ni Cristoff.
“Ugh. Sira nanaman diet ko nito, Mommy.” Maktol ni Therese habang nakaka dalawang plato na sa pasta.
“You baby Matt, masarap ba?” she asked, hope was in her eyes so I nodded.
“As always, mom. I will surely miss your cooking.” Na agad namang ikinasimangot ni Mommy at kapwa nakatingin sa isa’t isa sina Cristoff at Tiffany.
“Can’t you do your masteral here, Anak? I will surely miss you too.” Mommy said.
“What? Mag aabroad ka ba kuya?” nanlaki ang mata ni Cristoff, at agad ko namang tinanguan.
“I will talk to the two of you soon, kakatapos ko palang sa ate niyo.” Napatingin naman sila kay Therese.
“What? Kumakain ako wag niyo kong istorbohin.” Simangot niya at binalingan ang dalawa.
“I need this, Mom. I promise, just 2 years. I will be back” sabi ko kay Mommy.
“I know. But I will miss you a lot. Malalayo ka na sa akin.” She said and hugged me.
“I promise to take good care of myself.” I hugged her back tightly. She nodded and sniffed. Napaluha na pala siya.
“We will wait, Anak” she said
“Hala kuya, mamimiss kita” sabay yumakap ang bunso namin at hinalikan ako sa pisngi.
“Kahit na kasi strikto ka alam ko mahal mo kami.” Dagdag pa niya.
“Ikaw, magpaka bait ka na lalo sa mga grades mo.”
“Yes po” sagot niya.
“O siya, matapos kayong kumain ng lunch, magbihis kayo. Let’s go out muna, tatawagan ko nalang daddy niyo.” Sabi ni mommy na ikinatuwa ng dalawa.
“Mommy. Dad just called me and might go out of town dahil sa client.” I told her.
“Ganun ba? Edi tayo nalang. Cmon.” Tumayo na siya at akmang aakyat na nang tawagin siya nang katulong.
“Ma'am, may naghahanap po sa inyo.”
“Sino manang?” tanong ko.
“Ang sabi si… Bernadette po ata, di ko po sure kung yun na nga.”
Recognition was on my mom’s face. I could visibly see how she stiffened and went hard like a rock. Does she know this person?
“May kasama po siyang lalake na mukhang mas matanda pa kay sir Matt.”
“Let them in.” sabi ni Mommy.
“Mom?” napatanong ako.
“it's okay baby, let them come to the office.”
Saka umalis ang katulong para makapasok yung bisita sa office. Nang makita ko sila, napa nganga ako. It was them, yung mga nakita ko sa hotel nung isang araw. They looked at me but there was no surprise in their eyes. It was as if they know me.
Nandoon lang sila sa office, di namin marinig ang pinag uusapan nila kasi we were outside and the room was sound proof. Ganoon pinagawa yun ni daddy kasi him and mom had their so called “sexy time” in there minsan.
It frustrates me. Sino sila and why were they at the hotel at ngayon naman sa bahay namin? It was quite a while, took them more than an hour before they went out. Ang pinag ibahan lang, the woman had her eyes bloodshot so as Mom.
Pinasamahan ni Mommy sila sa labas. I watched how mom went up the stairs and locked in their room. Napa buntong hininga ako and told my siblings to stay at their room hanggang mag dinner. I know Mom will come out to cook for us.
So instead of forcing it out of her, I will wait till she can tell me. Pero nag 7 na ng gabi, No Mom cooked our dinner, si Manang nalang. Hanggang sa mag 8 nalang at kakain na kami, Mom did not want to eat.
“What happened, kuya?’ natatakot na nagtanong si Tiffany. I furrowed my brows.
“I don’t know.” I whispered. “Let’s just eat.” Sabi ko para mawala ang tension, pero nadala din namin ito sa dinner.
Natapos na kaming magdinner at dumating si Daddy. He was done with his dinner so di na siya kumain. Aakyat na sana siya nang sabihin ko ang nangyari. His eyes went wide and quickly went to their room.
He knocked countless times till he had to ask manang for the keys. I did not want to panic yet but when he went inside, he shouted to ready the car while carrying my lifeless mother. My eyes went wide and shouted for Manong Isko, our driver.
Sabay din nagsilabasan ang mga kapatid ko. I told Therese to take care of them muna. I followed dad and saw him still carrying Mom as he waits for the car, mas lalo akong nagimbal nang makita kong may dugo sa palapulsuhan niya.
“What the f**k?!” yun na lang ang nasabi ko nang makita ko si Mommy. My eyes were pooling with tears. Nang marinig ni Daddy ang sinabi ko, he looked at me and asked to call Ninong.
I nodded and called Ninong telling him na papunta kaming ospital. Finally, the car came, I ended the call and run towards it and opened the backseat para makapasok sina daddy. I sat on the passenger seat beside the driver seat.
Nang maabot na namin ang hospital, dali dali kaming nagpunta sa emergency room. Na assist naman kami kaagad and nadala si Mommy sa operating room. We sat on the bench outside the room, waiting. Sakto lang na dumating si Ninong at nilapitan si Daddy.
“Pre, okay kalang? What happened?” tanong niya kay Daddy pero si Daddy nakayuko lang with his hands on his head.
“May dumating sa bahay at nag usap sila ni Mommy, her name was Bernadette, the one I saw in the hotel.” I told him
“s**t. What did she say to your Mom? Puta sira ulong babaeng yun ah.” Sabi ni Ninong at nashock ako since that was the first time I heard him curse. Napa angat naman ng ulo si Daddy at sinaway si Ninong.
“Hey, stop cursing.”
"What? Napapamura ako sa babaeng yan eh. Di na talaga kayo titigilan. At ang pupuntiryahin talaga niya ang asawa mo.”
"I think she badly needs help. I heard nabankcrupt si Mikael so maybe she is trying to find ways mabalik lang ang nawala sa kanya.”
“Dapat talaga di na pinatulan ng gagong yun si Bernadette. Look at what she’s done to you and still doing to you.” Galit na saad ni ninong, I was just watching them but I was getting confused.
“Did she try to kill my Mom? Did she?” mas lalong lumakas ang boses ko na ikinalingon nilang dalawa.
“It’s not that way son.” Sabi ni Dad but I was already shivering in madness and fear.
“Bakit? Kung hindi ganun, bakit ang Mommy ko, duguan?” I was shouting, already crying. I cannot lose my Mom.
My dad was trying to console me but I swatted his hands. I looked at him.
“Is she someone in your life dad? Was that boy yours too?” I asked him na ikinalaki nang kanyang mata.
“No. My children are only from your Mom’s. I will never cheat on her. Bernadette indeed tried to seduce me and thought I impregnate her. Pero di ko kayang saktang ang Mommy mo nang ganyan. Halos mabaliw ako nung nawala siya. Bernadette f****d my friend at yun ang ikinasira namin. I told her countless times na wala akong anak sa kanya.” He explained and that made the tears drop my eyes.
“I just want my Mommy, safe. Hindi ko kakayanin may mangyari sa kanya. I love her so much.” I said. Ang sakit sa puso na si Mommy ay nasa hospital dahil tinsangka niyang magpakamatay.
“I know son, I know.” Dad said and embraced me.
“We all want your Mommy safe, we all want her alive.”