IRISH POV
Monday. Another start of the week na pinaka aasam ko talaga. Makakapasok na ako. Nakapag enroll din ako sa isang magarang skwelahan salamat sa tito kong inako ang pagpapa aral sakin mai-ahon ko lang sina inay sa kahirapan.
Si tito kasi ang kaisa isang anak nina lolo na nakatapak ng kolehiyo at nakapag trabaho abroad. Tapos na din ang panganay niyang anak kaya isa nalang pinapa aral niya. Dalawa lang silang magkapatid ni inay kung kaya’t inako na niya ang pagpapa aral bilang ako ang panganay.
Napakasaya ko kasi sa kauna unahang pagkakataon eh makakatapak na ako sa isang magarang skwelahan. Dati nadadaanan ko lang ang skwelahan nato papuntang paaralan ko nung high school palang ako.
Agad akong naghanda para makapasok, alas siyete na at dapat before 7.30 nasa school nako para ako maorient muna sa skwelahan. Tatlong buwan na actually nag umpisa ang klase kaya’t palagay ko madami dami akong hahabulin sa leksyon.
Agad akong pumasok dahil nakakahiya kay tito kung malelate pa ako. Dito din nag aaral sina Laurence na pinsan ko. Kaya lang masyadong asal mayaman yun tsaka ang sungit pa kaya’t di ko na aasahan na mabuting ugali ang ipapakita niya.
Nang makababa na ako sa jeep, naglakad lang ako ng isang kanto at bumungad na sa akin ang paaralan. Napakaganda nito kahit sa entrance palang. Nasa College na ako at nasa business naman ang pinakuha sa akin ni tito.
May plano daw kasi siyang itayo ng negosyo si inay pandagdag sa tulong pag nakatapos na ako. Laking pasasalamat ko talaga sa kanya. Sa kaka tingala ko sa magagandang disenyo ng paaralan, di ko namalayan na may nabundol na ako.
“A-aray, S-Sorry po.” Yumuko ako para magpasensiya.
“Tss. Next time be careful.” Sambit niya sa malamig na tono.
Tinignan ko siya, pero kelangan ko tumingala kasi ang tangkad niya. Pero nang matanaw ko na siya, ang gwapo pala niya. Mukha akong nabighani. Nakagat ko pa ang aking labi.
“Take a picture, it will last longer.” Sabi niya sabay talikod. Naiwan akong nakanganga.
Sino ba yun? Estudyante din ba yun dito? Hala ang gwapo naman! Nagising lang ako sa riyalidad ng marinig ko na ang lakas ng bulong bulongan nila.
Napaismid naman ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Pinuntahan ko ang guidance at laking tuwa ko nang makilala ko ang sekretarya doon. Ang bait bait niya. Binigyan niya ako ng freshman package saka itinuro kung saan ang unang klase.
Naupo na ako sa isang room na una kong klase. Nabigay ko na din ang pass sa guro at sabay nagpakilala. Nakita ko doon yung lalakeng nakita ko kanina.
First year din ba siya? Ang sabi kasi halo halo daw ang subject na to. Iba’t ibang year ang kumukuha dito. Napaupo nalang ako sa silya ko nang matapos ako magpakilala. Napansin kong tinititigan ako nung lalakeng nabangga ko kanina.
‘Anong problema non?’ bulong ko. Nag umpisa na ang klase. Umabot kami ng tatlong oras bago natapos. Pagsabi ng professor namin na tapos na ang klase ay saka ako tumayo at niligpit ang gamit ko. Napansin kong lumabas na yung lalakeng nakasalubong ko kanina.
Balak ko sana siyang sundan pero nung nakita kong may humawak lang sa kanya at kanyang inirapan ay nagdalawang isip ako. Ang sungit naman. May lumapit sa aking mukhang nerdy ang itsura.
“Hi! Bago ka ba?” bati niya.
“Ah oo, unang araw ko to. Hello din sayo.”
“Ah ganun ba. First year din ako. Tara lunch tayo?”
“Ha? Eh kasi may baon ako.”
“Alam ko na, bibili muna ako sa canteen tas sa school grounds tayo? May mga puno dun!”
“Yan ang gusto ko, cge ba!”
“Cge, mauna ka doon. Bibili lang ako ng pagkain.” Itinuro niya sa kanyang baba ang daan pa school grounds.
“Okay cge, antayin kita dun.”
Lumakad ako papuntang school grounds. Madali lang ito matuntun kasi nasa likod lang ng building na nasa gitna. Ang lawak pala dito. At oo nga! Ang dami ding puno. Nakakita ako ng pwede naming pwestuhan kaya naupo na ako sa ilalim ng isang malaking puno.
Nang maiangat ko ang aking ulo, nakita ko nanaman yung lalake kanina. Mag isa lang siya sa isang bench at mukhang natutulog. Wala din ba siyang klase ngaun? Sabagay alas dose na, lunch time na din.
Inantay ko yung babae na di ko man lang nakuha yung pangalan. Nang makita ko na siyang papalapit ay kinawayan ko na para makita ako. Nagugutom na ako.
“Hay akala ko mamaya ka pa.”
“Pasensya na, dami kasing nasa pila. Dumating pa mga asungot.”
“Asungot?” tanong ko sabay kuha sa lunch ko.
“Oo, akala mo mga prinsesa. Mabait pa si Therese sa kanila.”
“Sino si Therese?”
“Ah yung kapatid ni Matt, yung palaging top dito sa school.”
“Ah di ko kilala. Nga pala, anong pangalan mo?” tanong ko.
“Irene. Ikaw?”
“Hala, katunog ng pangalan ko, Irish naman ako.”
“Edi wow! Haha nice meeting you.”
“Nice meeting you din,” at nagsimula na akong kumain.
“Uy, ano yang ulam mo?” turo niya sa ulam ko.
“Eto? Ginisang kangkong tsaka pritong galungong.” Sagot ko naman.
“Hala nababaon yan? Akala ko pang mahirap lang yan.”
“Eh sa mahirap naman ako eh.”
“Eh paano ka nakakapag aral dito? Ang alam ko halos milyon ang tuition fee dito.”
“Ewan ko kay tito, sabi niya nakakuha daw siya ng discount galing sa may ari ng skwelahan dito kaya sakin nalang niya ginamit. Dito din naman nag aaral ang anak niyang babae.”
“Oh, anong pangalan?”
“Ah yun, Laurence Gail dela Merced,”
“Ay yung maldita, kala mo kung sino.”
“Hala ganun pala siya dito?”
“Naku oo, wala namang binatbat. Mabuti pa sa Therese, kahit sikat ay di ganun ka brat. Mas malalapitan pa kesa sa kuya niya.”
“Ahh, sana mameet ko din si Therese no?”
“Ahy di malayo, friendly yun.”
“Teka, kilala mo ba siya?” turo ko dun sa lalake na nasa bench.
“Saan? Ah yan si Matt. Yan yung masungit na kuya ni Therese. Yung top 1 natin.”
“Ahy ganun? Masungit pala siya?”
“Sus, sobra, ni di mo pwedeng hawakan kung di guidance ka. Kinakampihan naman ng guidance.”
“Luh sino ba sila dito?”
“Ang usap usapan, sila daw may ari ng school na to.”
“Ahy wow, o di sila na.”
Nagpatuloy kami sa pagkain ni Irene. Natapos kami at nagpahinga ng kaunti. Nung halos ilang minuto nalang ay tumayo na kami sa kinauupuan namin. Nakita ko din si Matt na nagising na at tumayo sa bench.
Nang papa alis na kami ay napansin kong nakatingin siya sa gawi namin. At bago pa siya umalis ay nakita kong nakatitig siya sakin. Hindi ko alam kung guni guni ko lang pero pinabayaan ko na. Baka kasi nagkakamali lang ako.
Naka alis din kami ni Irene at sa kasamaang palad, di ko na siya kaklase sa isa ko pang subject kaya nagpa alam na kami sa isa’t isa. Naglakad ako papuntang room namin, nang matagpuan ko na pumasok na ako at naghanap ng upuan sa likod.
Kagaya ng nauna, nagpasa ako ng pass at nagpakilala. Mukhang mababait naman sila. Nasa major subject kasi ako ngayon. Apat na oras ang ginugol namin sa subject na yon. Nang matapos na ang oras, dinismiss na kami ng prof namin.
Niligpit ko na ang gamit ko at umalis na din sa room. Since wala na akong klase ay naglakad na ako palabas ng gate, pero bago pa ako nakalabas nakita ko si Matt, at may kasama pa itong mas bata sa kanya.
Sumakay sila sa iisang sasakyan saka umalis. Hinabol ko nalang sila ng tingin saka umalis na din. Siguro mga kapatid niya ang kasama niya.
MATT POV
Naka abot na kami sa bahay. Ang iingay ng mga kapatid ko sa sasakyan. Nauna na akong lumabas dahil di ko na makayanan ang boses ni Tiffany at Cristoff. Nakita ko si Mommy sa sala nang nakapasok na ako lumapit ako at hinagkan ang kanyang pisngi.
“Hi Baby Matt!” bati niya sakin. My mother still treats us like babies. Pinabayaan ko na. Lagi namang nagdradrama pag sinabihan na di na kami bata lalong lalo na si Tiffany. Nasanay na kami ni Therese.
“Hi Mommy!” bati naman ni Therese ng makapasok siya. Dumiretso na ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig.
“Hi Baby Therese” lambing naman ni Mommy.
“Hi Mommy!!” sabay na bati ni Cristoff at Tiffany.
“Anjan na ang dalawa kong babies, my baby Tiffany and Cristoff.” Sabay halik sa mga pisngi nila. Natawa nalang ako nang napa ismid si Tiffany.
“Mommy, di na ako Baby. I am already a teenager. Diba Kuya?” lingon naman niya kay Cristoff.
“Wala baby ka pa, dumedede ka pa nga kay Mommy.” Tukso naman ni Cristoff. Napa iling nalang ako saka naglakad pataas ng hagdan.
“Mommy! Si Kuya oh!” sumbong naman ni Tiffany.
“O siya tama na! Naghanda ako ng meryenda.” Turo ni mommy sa pagkaing nakahanda sa mesa.
“Baby Matt, what about you?” tanong niya sakin.
“Maya na po ako, sa dinner nalang.” Sabay akyat sa taas.
Nakasalubong ko si daddy paakyat sa kwarto. Nagmano ako saka hinalikan ko siya sa pisngi.
“O Andito ka na pala, anak. Matt, busy ka ba? Magpapatulong sana ako.” Tanong niya sa kin.
“Di naman po, matutulog lang sana ako.” Sagot ko.
“Pwede mo ba akong tulungan sa desisyon ko dito sa bagong project ng kompanya?” pakiusap niya.
“Magbibihis lang ako dad, saka pupunta na ako sa office mo.”
“Thank you, son. O, ayaw mo ba ng meryenda? Naghanda mommy mo para sa inyo.”
“Maya nalang po pag nakababa na ako.”
“Cge iho, intayin nalang kita sa opisina.
Pumasok na ako sa kwarto at nagbihis pambahay. Sanay na ako sa mga pakiusap ni Daddy. Ever since I turned 17, palagi niya na akong sinasali sa decision making para sa kompanya. Alam kong hinahanda niya lang kami.
Ako sa Hotel at Resort while si Cristoff sa Mall. Pero ang tamad lang ni Cristoff pag tinuturuan na siya ni Daddy. Buti pa si Therese, kaya lang kasi iba ang pinapahandle sa kanya ni daddy.
We handle the businesses as where we are assigned by dad. Since wala pang asawa si Tita Grace, pinapatulong muna ni daddy si Therese sa boutique niya.
Natapos akong magbihis ay bumaba na din agad ako. Nakita ko si dad na kumakain pa at niyaya akong mag meryenda muna.
Wala akong nagawa kundi umupo at makisalo. Nakita ko si Therese na panay ang senyas sakin. Di ko siya maintindihan ngunit matapos niya sumenyas ng birthday ay naintindihan ko na. Tumango nalang ako at hinayaan siyang maka alis.
Tumupad naman siya na mag aaral at walang lakwatsa sa isang linggo. Kaya pinayagan ko na.
“O san pupunta yon?” tanong ni dad.
“May gagawing project sa kaklase niya, nagpa alam naman sakin.” Katwiran ko.
“Babe, sure ka bang project yun?” tanong ni Mommy.
“I checked it already, valid naman.” Tumango lang ako bago sumagot. I know mom worries a lot kaya sinabihan ko na itong ako nalang bahala kung about school stuff.
“Kuya, kelan ka magkaka girlfriend?” tanong nang makulit naming bunso.
“Eh ikaw, kelan tataas grades mo?’” balik kong tanong. Sumimangot lang ito saka nagsumbong kina daddy na ikinatawa lang nila.
“Daddy si kuya oh! Palagi nalang ako inaasar.”
“Sabog, hahaha” sabi no Cristoff.
“Isa ka pa. Di ka na man lang sumasabit sa top 10.” Inasar ko na din siya.
“Kuya naman, di naman ako sing talino niyo ni ate.” Simangot nito.
“Nadadala lang yan sa pag aaral,” sabi ko. Napayuko ng ulo yung dalawa.
“Okay, tama na. Mamaya mag away away pa kayo. You know I hate that.” Awat ni Mommy samin.
“Wala po akong planong makipag away Mommy, pinapangaralan ko lang po.” Tumayo na ako at hinagkan ang pisngi ni mommy. Hinaplos naman niya ang aking pisngi bago ako tumuloy sa opisina ni daddy.
Daddy came after me and was smiling.
“Talagang umaaray sayo mga kapatid mo.” He chuckled.
I just smirked and leaned my back sa couch, at napa pikit saka naisip ko yung nakita kong babae kanina.
--
Nasa Hotel kami ngayon with dad and ninong, his longtime friend. We were in the middle of a serious talk. Si Ninong ang tumatayong guide ko whenever dad is not around para makipagdeal with clients outside.
He is amazed na at my age ay napagkakatiwalaan na ako ni dad with the company matters. Dad was so proud of me and I couldn’t hide my smirk. Ninong said mana din pala ako kay dad when it comes to this. Lalo na daw sa ugaling pagiging cold.
I was surprised kasi di naman nagpapakita ng pagiging cold si Daddy. But Ninong said when he was in his 20’s, aside sa pagiging playboy ay cold din daw si daddy. It was daw in his 30’s na nag start siyang magbago lalo na nang makilala niya si Mommy.
I nodded and silently smiled. Mommy is our everything. Ayoko siyang makita na umiyak o mastress man lang. I would fight for her, kahit pa kamatayan. Even at my tender age, I know how to fight. I’ve been trained. I asked dad, although may pag aalinlangan pa din ito. He said we wouldn’t need those, may mga guards naman.
While we were talking, I saw this guy na kanina pa nakamasid samin. We were not in the office kasi biglang nagutom si Ninong kaya nag aya na dito nalang muna sa lounge ng restaurant. The guy has been there for hours at ni walang kausap o nameet man lang.
I was getting curious kasi yung mga titig niya, parang may gustong iparating. I diverted my eyes nung napansin kong kay Daddy siya nakatitig. I furrowed my brows but someone got my attention.
“What do you think son? Shall we accept the additional request of this client? Nasasayangan din naman ako kasi they have been our longtime client.” Saad ni dad.
“The requests are reasonable naman po but the prices for them are too high. Mapapaisip ka din kung may ginagawa silang kababalaghan in that project. Last year naman po nang nagpakita sila ng report, di naman masyadong mahal yung mga materyales but now? Just look.” Inilahad ko ang difference nung past report nila sa ngayon.
Dad got the files and leaned back while his brows are furrowed, I looked at the guy again and still.
“Dad, let’s just go to the office. I am getting irked with that guy’s stare at you.”
Napa angat si dad ng ulo saka napatingin kung saan ako nakatingin. He stared at the guy for a few minutes and nodded. Ninong was done naman sa pagkain niya. We asked nalang for coffee na isend sa office niya.
Maglalakad na kami nang makita kong tumayo yung lalake at umalis. I eyed him but kept my mouth shut.
Nasa office na kami nang magsalita ako.
“Daddy do you know that guy? Umalis siya nung papa alis na tayo. Sayo lang siya nakatingin.”
“No. I don’t know that guy.” Umiiling siya.
“Pare, he seems to be familiar.” Sabi ni Ninong.
“What do you mean?” tanong ni dad.
“Ewan ko, I just have this gut feeling but anyway. Lagi naman akong mali so don’t mind me.” Natawa pa si ninong.
Dad just nodded but it bothered me. Though nag umpisa na kaming mag usap usap. I had no class that day so sumama ako kay Daddy in the office. Natapos din kami ng ilang oras saka bumaba ulit para mag dinner na.
It was past 8 and I know Dad, di na niya iistorbohin si Mommy sa ganung oras para magluto. Ayaw kasi ni Mommy na di siya ang magluluto pag kakain kami. That’s the thing I hate about her, too much sa pag aalaga to the point na kahit siya di na niya maalagaan sarili niya.
So we decided to eat nalang. Dad already called mom to tell her dito na kami kakain. We were at the restaurant nang makita kong nandun nanaman yung lalake with a woman beside her. They glanced at us and that surprised me kasi yung babae ay parang na shock.
I kept my cold demeanor at binalewala muna yun. I looked at dad and Ninong na parang mga bata kung magbangayan. Ninong was really a happy go lucky guy. Si Daddy naman nadadala minsan but kept his cool.
Umiling nalang ako sa kalokohan nilang dalawa.
“Hey Matt, why so serious?” Akbay ni Ninong.
“I’m just hungry.” Yun lang ang sinabi ko. Sanay na ako sa kanya, he’s always like that.
“Ohh, tara upo na tayo.” Yaya ni Ninong and that just made Dad smile.
“So, dude… kelan tayo bibisita kina Mac? Alam mo bang nagtatampo na yun kasi daw minsan ka na lang umattend sa yaya niya?” sabi ni Ninong. I was just silent, listening to them sakto namang kaharap ko ang mga taong yun and naiinis ako to see how they stare.
“Alam mo namang ayaw ni Jessie na nakaka inom ako. Pag sumasama ako sa inyo, inom lang tayo ng inom eh.” Sabi ni dad. I smirked knowing how mom’s say is always the top priority.
“To naman nag asawa lang eh. Di na ma aya. Mahigpit ba si Jessie?” tanong ni Ninong.
“Hindi naman niya ako pinag babawalan. The only thing is, lasing ako lagi na nakakauwi. Nilalasing niyo ko pag nagkikita tayo. Pinipilit niyo kong uminom. Ayaw na ayaw niya yun kasi baka makita ako ng mga bata. They have never seen me drunk.” Pangatwiran ni dad.
Yes, never namin siyang nakita na lasing, not even getting mad. Palagi lang siyang sweet kay Mommy. Sa office naman, madalang ko lang itong makita magalit at magmura. He always asks me to go to the office pag di na niya nakakayanan and kailangan na niyang magbulyaw sa mga empleyado.
I am amazed how Mommy is affecting us all. Si Daddy daw pala bulyaw noon sabi ng secretary but they were happy nung nakilala na niya si Mom, everything changed. Lalo na daw nung nag ka anak na sila, dad learned how to control his emotions whenever we are around.
“Psh. Anyway, Matt… mag 18 ka na next month, ano gusto mo?” tanong ni Ninong. Napa isip ako at tinignan siya ng seryoso.
“I wanna learn how to drive.” Saad ko.
“Yun lang? Psh. Bilhan kita ng kotse, pag aralan mo yung idrive.” Sabi niya.
“Talaga po?” nasabi ko nalang.
“Yep, my gift. Total naman, minsan lang kita mabilhan. Mana ka sa Daddy mo noon na halos umayaw sa binibigay.”
“Ganyan si Daddy noon?” na ikinatango niya.
“I grew up with your dad kaya alam ko kung ano pag uugali niyan, Ganyang ganyan siya sayo nung bata pa.” sabi ni Ninong. Napatawa lang si Dad.
“Don’t worry son, makakatagpo ka din ng babago sayo.” Sabi ni Dad.
“Yep, Mommy mo lang ata inintay nito para magbago.” Dagdag ni Ninong.
I just nodded and then the food came. Sinilip ko yung mga tao kanina and they were gone. I seemed to have misunderstood them. Baka mga guests lang ito at namangha lang samin. Anyway, hindi ko na pinansin at nagsimula nang kumain.
We were done in a few minutes and left the Hotel. Nagreklamo si dad ng sakit sa kanyang tagiliran. I chuckled and massaged it for him. He indeed was aging. Madami nang masakit sa katawan. We finally arrived home and it was 10.
Nakita kong nakasindi pa din ang ilaw sa salas. Once inside, nakita ko si Mommy na naka upo sa sala at hinihintay ata kami.
“Love, di ka pa natulog?” bungad ni dad pagkapasok. Napa angat si Mommy ng ulo sa pagbabasa then smiled.
“Wala pa kayo eh. Nag aalala ako kasi 10 na. Hi baby Matt!” sabi ni Mom. Binati din niya ako nung makita ako. I smiled and kissed her cheeks.
“Mom, dapat natulog ka na lang.” I said.
“You know I can’t sleep pag di kayo kompleto. Now that you are, makakatulog na ako.” She smiled. Umiling nalang kami ni dad.
“Come, let’s sleep na. Pagod na din naman kami.” Inakbayan ni Dad si Mom.
“Good night, Mom! Good night. Dad!” sabi ko at hinalikan sila sa psingi.
“You sleep na ha?” she said to me and I nodded.
Nakita ko na silang pa akyat pero pumunta muna ako sa kusina, I drank water before heading upstairs. Nang nasa kwarto na ako ay binilisan ko ang maghubad at maligo. I was finally clean. I head to my bed and sighed.
It was indeed a long day. Di ko na namalayan that I got knocked out.
--
The next day, I woke up when I heard a loud scream. Damn it. It was Tiffany again. Nakabukas kasi yung glass door ko sa may terrace. Ano nanaman kaya nakain nang batang to. I groaned as I got up. I walked to my bathroom to wash my face and fix my hair bago bumaba.
“Mommy!! Ahhhhhhh” sigaw pa ni Tiffany nang makababa ako. s**t ang sakit sa tenga. I had to cover them and stop my tracks from the stairs.
Nakababa din ako nang mawala ang sigaw nito at nakita kong nakayakap kay Mommy.
“What happened?” tanong ko sa iritadong tono.
“Kuya! Si Kuya Cristoff sinira yung binili ni daddy na game pad ko!” sumbong niya sakin. Tumingin naman ako sa direksyon ni Cristoff.
“Di ko naman sinasadya ah! Nasira lang siya!” simangot naman nito. Napa buntong hininga nalang ako. Kids.
“It’s okay babe, papalitan nalang natin.” Sabi ni Mommy mapatahan lang si Tiffany.
“Get yourselves ready, it’s school time. Why were you even playing sa umagang to?” I said to both of them. Karipas naman sila papunta sa room nila para maligo.
“Hay naku talaga mga kapatid mo.” Sabi nalang ni Mommy.
“Here babe, I cooked your favorite omelet.” She smiled at nilahad sakin yung omelette na niluto niya.
“Thanks, Mom. Eat too.” Sabi ko.
“Where’s dad pala?” I asked.
“Hmm, may breakfast meeting with some clients. Maaga umalis. 5 am palang ata.”
“Babe, it’s your birthday next month, what do you wanna do?” she added.
“Actually mom, gusto ko lang magkulong sa kwarto. But anyway, kayo na po bahala, basta ayoko ng maraming tao.”
“Okay, how about dinner? Dinner lang with the family.” She said.
“Family lang sana, wala nang iba.” Na aalala ko nung birthday ni Mom, I don’t want someone outside.
“Of course, pag sasabihan ko silang lahat.” I just nodded and continued eating.
Nang matapos ako ay saka palang natapos maghanda yung dalawa.
“Eat, katapos kong maligo, aalis na tayo.” Tango naman ng dalawa sa utos ko.
Nagsiupuan na ang dalawa saka kumain. Pero bago pa ako makapanhik sa kwarto ay may hinanap ang mata ko.
.
.
.
“Where’s Therese?” tanong ko.