Matt POV
I opened my eyes on another brand new day. I remained on my bed, watching the ceiling, my room for the last time before kami umalis. It was just 6 am and I did not have to go to school. Si Mang Isko naman ang maghahatid sa mga kapatid ko ngayong araw.
I got up, still sitting up. I remember what we, me and Irish, have done yesterday. Napangisi nalang ako sa ka inosentehan niya. I did love it.
FLASHBACK
I stopped the car sa isang field. I used to come here pag madami akong iniisip. This field was far from the city. Ang tanging makikita mo lang dito ay mga puno at prutas saka ang malapit na ilog. May maliit na bahay bahayan dito, pinagawa ko nung naglalagi na ako dito.
I sometimes get to nap here or just stay here til evening. Dito ko siya dinala, para kung anuman, she can find rest in here. Bumaba na ako saka ko siya inalalayan pababa sa kotse.
“Wow. Ang ganda naman dito. Ang daming puno saka mahangin. Naalala ko tuloy nung nagsasaka pa si tatay sa bukid. May ganito din doon.” She said, inhaling the fresh wind.
“Dito ako naglalagi pag gusto ko mapag isa at malayo sa lahat.” I said, saka siya napalingon sakin.
“Halika, doon tayo sa may maliit na bahay. “ aya ko sa kanya. Bigla naman siyang napalaki ang mata,
“A-anong gagawin n-natin jan?” sabay yakap sa sarili. Napatawa ako. Lately, napapatawa ako sa babaeng to.
“Doon tayo maglalagi muna. Hindi naman kita aanuhin, masyado madumi isip mo.” Saka siya napahagod ng hinga.
“Sabi ko nga, uupo lang tayo.” Nagpatiuna na itong maglakad papunta sa may payag. Napailing saka napangiti nalang ako.
Pagkadating namin dun, naupo kami sa isang bench malapit sa bukana ng bahay. Napahinga ako ng malalim at binuga ko ito. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na tumingin siya sakin.
“Mukhang malalim yata iniisip mo?” tumingin ako sa kanya saka binaling ang katawan paharap niya.
“May sasabihin ako sayo.” Habang nakatitig ako sa mga mata niya.
“Ano yun?” nakaramdam ako ng konting kirot habang pinagmamasdan ko ang kanyang mga ngiti.
“I’m leaving… tomorrow.” Tinitigan ko siya sa kanyang reaksyon. Ang kanyang ngiti ay napawi. Tapoos bumaling siya sa ibang direksyon.
“Alam ko namang aalis ka pero… bakit ang aga naman yata?” napayuko ako.
“I have to, for my mother, and for me.”Sabi ko. Ngumiti ito ng mapait saka bumaling sakin pero yumuko din ito.
“Wala naman akong karapatan na pigilin ka. Pero sana mag iingat ka. Kung anuman pinangako mo, sana tuparin mo. Mag iintay ako.” Sabi niya, at nakita ko ang tumulong luha niya. Napakuyom ako ng kamao.
“Halika nga.” Sabay hapit ko sa baywang niya at niyakap siya.
“Babalik ako. Pangako.” I said through her hair. Tumango naman ito saka yumakap ng mahigpit.
“Mag aantay ako.” Sabi niya habang mas dumikit sa aking dibdib.
Lumipas pa ang ilang oras na magkasama kami doon. Kwentuhan saka tawanan. I love her reactions. Ilalagay ko iyon sa aking memorya. I’m gonna miss that. Sumapit na ang gabi nang nagpasya kaming kumain muna.
Dinala ko siya sa isang restaurant. At nakakatuwang isipin na hindi pa siya nakakapunta dito. I ordered for both of us. Nasarapan naman siya sanapili ko. Nagkwentuhan pa kami hamggamg sa natapos kaming kumain at kaliangan ko na siyang iuwi.
Hindi ko man nagawang magpakilala, hinatid ko siya sa bahay nila. Desente naman ang bahay nila. Pero dun ko nakita ang ina niya na naka wheelchair na, kaya pala ito nagtatrabaho sa registrar office.
Nang mahatid ko siya, saka na din ako umuwi. I parked the car sa bukana ng mansyon. Si manong Isko na ang nagpark nito hilera ang mga kotse sa bahay.
Pagpasok ko, nakita kong nakaupo sina mommy and daddy sa salas, magka hawak kamay.
Mom was looking at me, smiling pero her eyes were in tears. Daddy looked at me, his eyes were red but he was calm.
“Anak, gusto kang kausapin ng daddy mo.” Mom said. She gestured me to sit down and I did.
“Son, I know I have disappointed you all sa nagawa ko. But do you have to take your mom with you?” Dad said. I furrowed my brows.
“I won’t leave her hurting. I don’t want to see the sadness in her eyes while she looks at that son you have from another woman.” I gritted my teeth in annoyance.
“You already hurt her by having another son from a different woman, sasaktan mo pa ba siya as she witness the mistake you had made?” halos mapasigaw na ako.
“I know son, mahirap matanggap. Pero di ko yun sinadya, I am so inlove with your mom. If I was in my right mind, I would have puhed her away.”
“I’m decided, whatever the reason it is. I will take my mom with me.” I said saka tumayo. Umakyat na ako, although I can hear my mom sob. I know nasasaktan lang siya dahil maiiwan si dad. But dad can do something about it. But regarding his son, I doubt itira niya to sa ibang bahay. Mas masasaktan si Mommy dahil hindi niya yun nature. Anak siya ni Daddy and just like us, he has his rights.
Nang makarating na ako ng kwarto, I immediately went to the bathroom saka naligo. Pagkatapos, I went to bed after ko makabihis. My mind is full of thoughts.
Natapos na akong makaligo, after I dressed up bumaba na din ako. Nakita ko si dad and Mom sa hapag kainan. They were having their coffee, and they were talking. Nang batid na nila na andun na ako, they looked at me.
Mom smiled and dad ay matipid na ngumiti. I greeted them good morning saka umupo pero nagkape lang din ako. Nauna nang makapasok sina Therese, mejo maaga sila dahil si Tiffany at Cristoff ay may aasikasuhin pa daw.
“Mom, napag sabihan mo na ba si Tiffany?” sandali itong napatahimik saka sumagot.
“I haven’t pa baby, ikaw nalang ang magsabi, I have to pack her things pa.”
“What time is our flight?”
“Mamayang 1pm. We should leave at least 12pm, baby. Sunduin mo nalang mga kapatid mo.”
“Let’s leave by 11.30, baka tayo matraffic.”
“Okay baby.”
“Son, can we talk?”
“If it’s about us leaving, my decision is final. I am not going to listen with your reasons. Mas masakit makita ang ina ko na nagdudusa.” Saka ako tumayo at nagbiyahe na papuntang School.
It was just 8 am, I still have 3 hours, mabibisita ko pa siya. Bumaba na ako sa sasakyan ng marating ko ang school.
Binisita ko ang registrar saka ko tinanong kong nadoon si Irish. She wasn’t there. I had to find her sa usual nilang building, pero wala. Then nung nagpunta ako ng tambayan nila, I saw her. Eyes closed, nakasandig sa puno.
I walked to where she is then sat beside her. I felt her eyes on me, napadilat siya nang umupo ako sa tabi niya.
“Anong ginagawa mo dito? Diba ngayon alis mo?” mahina niyang tanong. Napabaling ako sa kanya saka natawa.
“Ayaw mo ba akong makita?” at doon ko nakita ang namumuo niyang luha sa kanyang mga mata. I moved to hug her.
“Shh. Ilang taon lang yan. Next thing we know, magkakatrabaho din tayo.” I said. Mas lalo siya humikbi saka mas niyakap ako.
“Mamimiss kita. Bakit kasi nagpakita ka nang ganitong pag trato sakin, mahihirapan tuloy ako.” Natawa ako.
“So dapat magsungit pa din ako sayo?” I looked at her puffy eyes.
“Hindi. Kaya lang… basta nakakainis ka!” natawa nanaman ako. This girl brings a smile to my face. I’m liking it.
Humiwalay na din ako saka pinahid ang luha niya gamit ang panyo ko.
“Tama na, pumapangit ka kakaiyak.” Saka binigay ang panyo ko.
“I have to go. Mamayang 1 ang flight namin, I have to leave the house by 11.30.”
Tumingin siya sakin saka napasinghot. I cannot resist it. I leaned over saka hinalikan ko siya ng mariin. I will not forget the taste of her lips. Humiwalay din kami matapos ang halikan.
“I’m sorry, I gotta go.” I whispered saka tumayo. Nilakad ko na ang pahigh school department. I went to the room nina Tiffany. She smiled upon seeing me.
“O kuya! Napadalaw ka dito sakin.”
“Get your things, let’s go.” Saka ako lumakad papunta kina Cristoff. Nang makarating ako sa room nila, I texted him na lumabas bitbit ang gamit niya.
“Kuya, anong problema? Bakit biglaan mo akong pinalabas? Buti di nagtanong ang teacher namin. O, andito din si Tiffany!” I led them to another room which was quiet. I told them to sit down.
“Ngayon na kami aalis pa States.” Napadilat ang dalawa
“K-kuya, ang bilis naman.” Si Cristoff.
“Tiffany will comewith us, kayo ni Ate Therese mo ang iwan dito.” Bigla naman nanlaki ang mga mata nilang dalawa.
“I-I’m coming?” turo niya sa sarili ni Tiffany.
“Yes. Di ka gustong iwan ni Mommy. And Mom wants someone with daddy, kaya yun kayo ni Ate Therese mo, Cristoff.” I said.
Bigla iton nanlumo sa kina uupuan. Napayakap naman si Tiffany sa kaniya at umiiyak.
“Let’s go, kukunin pa natin ate niyo.” Although I texted her already. Para alam na niya bakit andun kami.
Naglakad na kami papunta sa bulding ng ate nila. Nahagip ng mga mata ko na pababa na ito ng building kung kaya’t hinintay na namin siya. Nilagpasan niya kami so I had to grab her arm. Akala ko susungitan niya ako pero biglang umamo naman ang mukha niya nang makitang ako ang humawak sa kanya.
She hugged me and was crying. I was literally about to burst my tears kaya inakay ko na siya pakotse, Tiff and Cristoff followed us.
Nang nasa kotse na kami, they continued crying. I was about to cry too but I held it in. nag drive na ako pauwi, then saw mommy and daddy by the door. Nasakay na ang mga bagahe namin. Saka ako bumaling kay Therese, pinagkatiwala ko ang kotse sa kanya bago kami bumaba.
Nang makababa na kami, isa isa silang niyakap ni Mommy. Dad came to me asking me to talk to him. Seeing wala na siyang ipagdedeskusyon sakin, I just went inside.
“Son. I accept the decision you want for you and your mommy. I just asked for you to please forgive me.”
“Dad, I really look up to you. I always tell myelf na sana, sana pag ako naman, maging kagaya niyo. Iisa lang ng minamahal. Yung the way kayo mag aruga kay mommy, the way niyo siya inuuna, the way niyo siya mahalin. It was something I wish mamana ko din sa inyo. But it broke my heart nung napatunayang may anak ka sa iba. And to think, kayo pa ni mommy nun.” My tears fell involuntarily saka ko siya hinarap.
“It may take me a while to forgive and maybe forget, but I will be decent, total, napatawad ka naman ni mommy.” I said.
“That’s enough for me, son. Can I hug you?” he asked. I wanted to say no but it will be months or maybe years before makita ko siya ulit so I nodded. He hugged me tightly then sabay na kami na lumabas.
They decided to bring the two cars. One for them to ride and the other para samin na magkakapatid. After a few hours, I found myself inside the plane. Traveling to the US already.
Mom was sleeping so was Tiff beside me. Magkatabi sila, we were in business class naman. Buti nalang nasa window side ako and wala akong katabi.
After long hours of travel nakarating din kami sa States, in New York to be exact. It was past 12 PM. Buti nalang may kamag anak kami dito, so sila ang sumundo samin. We rested for a while. Saka bumaba para makipag lunch sa mga makakasama namin today.
Inilibot nila kami and it was around 5 PM na. I was busy unpacking my things nang kumatok si Mommy. She entered my room and sat on my bed.
“Baby, can we talk sa mga kapatid mo? Namimiss ko na sila.”I checked my watched, hindi ko alam kung gising na si Therese.
“I’ll try, mom. Antayin niyo nalang ako sa baba. I'll message first. Baka kasi tulog pa.” tumango si Mom saka bumaba na. I continued unpacking. Matapos nun, I messaged Therese and Irish. Hindi ko alam kung sino ang gising na sa kanila.
I got a reply from Irish, gising na pala siya. She just asked how my flight was and told me what she will do for the day. Si Therese naman ay nakita kong nagttype ng reply. Kinuha ko ang laptop ko saka bumaba.
“Mom, Therese is on. Dito na tayo sa garden.” I opened my laptop saka binuksan ang messenger. May mga messages na siya pero nagvideocall ako. Mom was already seated.
Nagsimula na silang mag usap. I was just at the back. Halos mapuno na ang screen sa area nina Mom and Tiff.
Napansin kong palapit si Tiff sakin. Kumalambitin sa braso ko. Parehong pareho kay Therese.
“What do you want, hobbit?” minsan ganun ang tawag ko sa kanya. Napasimanot ito saka lumapit na kina Mommy na nag uusap ni Therese.
I sat by the pool lang muna. Nakita kong nagmessage na din si Irish matapos ko iton replyan. Napangiti naman ako. Narinig ko na si Mom na namaalam na saka ako tumayo.
“Are you done?” I asked her.
“Yes, babe.”
I closed my laptop saka ako bumaling sa kanila. I saw na paparating sina Tito George and Uncle Dave, mga pinsan ni Daddy na dito nakatira.
“Are you guys ready? My kids and wife are in the restaurant already, they are excited to meet you.” Sabi ni Uncle Dave.
“We are also excited to meet them.” Ngiting sabi ni Mommy. I just nodded.
“Cmon Matt, it's been years since the last time we met. Your dad seldom comes to the States ever since he got married.”
“Dad is too focused with the fam, Uncle. He doesn’t want to take his eyes off us.” I said.
“Oh geez, your dad. So, how did you manage to let him agree with you guys here?” tanong ni Tito George. Napatingin ako kay Mommy.
“I wanted to pursue College here, and maybe Masteral studies? I just need to get into a good school. And I couldn’t leave mom, and mom does not want the youngest to be left behind so, here we are.” I said pero nagkibit balikat. Napatawa nalang silang dalawa.
“Don’t worry, I know some guys in NYU, I guess I can ask for help in there.”
“Me too, your aunt teaches at Columbia University, maybe she can help too.”
“Thank you, Uncles. Thank you for the help.”
“That’s not a problem. I heard from your dad how proud he is of you. Always on the top.” I smiled.
Inakay na nila kami palabas at papasok sa kotse. Tahimik lang si Mommy and Tiff.
“Guys, is there a school that can fit for my youngest?” Ask Mom.
“Oh, don’t worry Jess. I told my wife about it and she said she can enroll in their University.”
“Oh my God, thank you.”
Tahimik na kami sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa restaurant.
Irish POV
Matapos niya akong halikan at iniwan doon, mas lalo akong umiyak. Mas lalo akong napahikbi. Pero sinabi ko sa sarili kong magpapakatatag ako. Kailangan kong maka graduate at makatulong kay Inay.
Sa loob nang apat na taon, ginugol ko ang oras ko sa pag aaral at pagtatrabaho. Nawalan na din ako ng balita sa babaeng sumampal sa akin.
Noon, dalawang taon kami paminsan minsan na nag uusap ni Matt. Sinasabi ko lahat sa kanya, mga problema at kung ano ano pa. Pero natapos ang 2 taon na yun nang biglang wala na akong narinig sa kanya.
Ilang beses ko yun iniyakan, dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya. Tanging naiwan sakin ay ang tanong kung bakit biglang nawala. Wala naman akong natatandaang ginawa na masama.
Ilang buwan akong halos akala mo katapusan ng mundo, kung kaya’t nung magising ako sa katotohanan, di ko na siya hinintay. Natapos ko ang pag aaral ng di siya ang nasa isip kundi ang pamilya ko. Hindi rin ako nagtrabaho sa kompanya nila.
Doon ako nagtrabaho sa isang maliit na kompanya na pagmamay ari ng kaibigan ko na nakilala ko nung nasa College pa ako. Kasamahan siya ni Matt noon pero hindi sila close, sabi niya.
Kahit papa ano ay natutulungan ko na si Inay sa bahay, sa mga kapatid ko at sa mga pangangailangan nila. Noong mga panahong kailangan ko ng tulong, sila ang nanjan. Kahit halos mawala na ako sa sarili, lagi silang naduduon.
Nang maka graduate ako ay sinumpa ko na ang mga taong nagpahirap sakin. Hinding hindi ko sila mapapatawad. Lalo sa mga taong bigla nalang ding nang iiwan.
Ikalawang buwan ko na sa companya nina Jake, yung kaibigan kong tumulong sakin. Secretary niya ako at paminsan minsan, humihingi siya ng opinion about sa project na gagawin ng kliyente nila.
Napakabait nito. Sana nga, siya nalang tinitibok ng puso ko. Pero simula ng masaktan ako, pinangako ko sa sarili ko na di na muna ako iibig. Ayokong masaktan at maging katulad noon.
May pamilya akong umaasa sakin. Isang kahig isang tuka lang din kami kaya kontodo trabaho ako kahit nag aaral.
Nabalitaan ko ding bumalik na siya sa pamamagitan ng mga kaibigan ko. Alam ni Irene ang nangyari samin kung kaya’t nag alala ito nang sambitin nila ang pangalan niya. Pero nginitian ko lang saka bumaling sa ibang nakikipag usap sakin.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pag uusap. May dumating na invitation para kay Jake na tinanggap ko. It was in black and gold theme. Masquerade din. Nung inabot ko ito sa kanya, kinuha niya ito saka tumango.
“Hey Irish, uhm… I need something from you pala?”
“Ano po yun?”
“Diba, nakatanggap ako ng invitation?”
“Ah opo, yung black and gold?”
“Yun nga.. ano kasi… I need a date.”
“Hmm cge po, hanapan ko po kayo.”
“No.. I was gonna ask kung… pwedeng ikaw nalang?” tinuro ko ang sarili ko.
“A-ako?” tumango ito.
“Kailan po?
“Bukas ng gabi.”
“Hala ang bilis naman po.”
“Ganun talaga.”
“Pero, wala po akong maisusuot.”
“Don’t worry, it’s all on me. Just say yes.”
“H-ha?” nag aalangan ako. Parang may kung ano sa party nayun.
“So?”
“S-sige ho.”
“Good. Take the day off bukas. Itetext nalang kita.”
“Cge po sir, thank you. Una na po ako.”
Saka ako naglakad na pauwi, malapit lang kasi ito sa pansamantalang tinitirhan ko pag may trabaho ako. Umuuwi naman ako kada weeksends. Di ko alintana na may nakasunod palang kotse sakin hanggang sa maka uwi ako.
“I waited for this time to come. I’m gonna own you back…”