Malakas kaming tinapon sa sahig ni Rhys. Pareho kaming napadaing dahil sa sakit na natamo namin. Napangiwi ako habang pilit ko bumabangon, ganoon din si Rhys. Napatingala ako ng tingin nang nilapitan kami ng tinutukoy ni Flavius na si Alixa. Nakatingin din siya sa amin. Matalim at seryoso. Bigla ako ginapangan ng kaba sa mga tingin niyang iyon.
"Sa pagkakataon na ito, hinding hindi na kayo makakatakas pa." Matalim niyang sambit.
Napalunok ako dahil sa pinaghalong kaba at takot na aking nararamdaman. Mas bumibilis ang kabog ng aking dibdib.
"Bukas na bukas din ay mag-uumpisa na ang pagsasanay mo, the destroyer of Host of Heaven." Then she smirked. Tinalikuran niya kami at humakbang papunta sa pinto upang makalabas na. Sumunod sa kaniya ang dalawang lalaki hanggang sa nagsara na ang pinto.
Bumaling ako kay Rhys. Mabilis ko siyang dinaluhan at inaalalayang tumayo ng maayos. "Rhys..." Mahinang tawag ko sa kaniya.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Ikaw dapat ang tanungin ko niyan..." My voice broke. Naiiyak na ako dahil sa takot. "G-gusto ko nang umuwi, Rhys..."
Hindi siya agad nagsalita.
"Sana puntahan tayo ni tatay dito..." Dagdag ko pa. Ramdam ko nalang ang pagtulo ng luha ko hanggang sa umagos iyon sa aking pisngi.
"Shh, tahan na, Lilith." Sabi niya. Pinunasan niya ang mga takas kong luha. "Kailangan mong pagkatatag ngayon. Harapin muna natin ang takot."
"Anong sinasabi ng Flavius na iyon? Anong sinasabi niya na magiging chief of staff ako? D-destroyer of Host of Heaven? At ikaw, bakit sinasabi niya na m-magiging General ka daw? O-one of the Princes of Hell?"
Nagbuntong-hininga siya. "Hindi ko din alam, Lilith. Wala din akong ideya kung anong sinasabi niya..." Saka yumuko siya. "Pero hindi ito ang gusto ko kapag lumaki na tayo... Gusto ko normal tayong namumuhay..."
Ganoon din ang gusto ko. Ayokong maging tulad ng sinasabi ng Flavius na iyon. Sa tingin ko, parang gagamitin niya kami para sa kasamaan. Kahit na hindi ko pa nakikita o nakakasama ang tunay kong mga magulang, pakiramdam ko ay naging mabuti sila sa iba. Puro magagandang bagay ang binabanggit ni tatay Raziel tungkol sa magulang ko... Lalo na kay papa. Kung papaano siya nagbago para kay mama. Iyon ang gusto kong tularan. Kahit na may dugo ng kasamaan na nananalaytay sa tunay kong ama, handa niyang talikuran ang mga iyon para kay mama dahil labis niya iyon mahal.
Kahit si tita Lucille na kapatid ni papa, naging mabuti ito kay mama. Ni minsan ay hindi niya ipinakita ang kasamaan sa mama ko. Sa katunayan pa nga daw ay tinulungan pa daw niya sina mama at tatay na makalabas sa Impyerno. Iyon pala ay binuwis niya ang kaniyang buhay...
Hindi ako makatulog. Nanatili lang akong nakatingin sa labas ng tore na ito.
'Ganito ka rin ba, mama? Ganito rin ba ang nararamdaman mo noon habang nasa kulungan si papa?' Sabi ng bahagi ng aking isipan.
Niyakap ko ang mga binti ko. Ipinatong ko ang aking baba sa aking mga tuhod. Walang tigil ang pag-agos ng aking mga luha.
Tulog si Rhys ngayon dahil sa pagod. Parang nakuha lahat ng lakas niya kanina nang ipinakita sa amin kung ano ang dapat mangyari sa amin sa kinakabukas, ayon sa propesiya na kaniyang sinasabi.
**
Tahimik lang kaming naglalakad ni Rhys. Nasa harap lang namin si Alixa. Unang araw na ng aming pagsasanay sa pakikipaglaban. Kahit hindi pa kami handa ay wala kaming magagawa.
Nagtama ang tingin namin ni Rhys. Kalmado ang kaniyang mukha habang ako ay natatakot pa rin. Natatakot ako sa maaaring mangyari.
Kusang nagbukas ang malaking pinto. Unang pumasok doon si Alixa. Sumunod kami sa kaniya, nasa bandang likuran naman namin ang mga bantay.
Tumambad sa amin ang malaking bulwagan. May mga iilang bata din na abala sa pag-eensayo. Napalunok ako. Muli akong tumingin kay Rhys ngunit nakatuon ang kaniyang atensyon sa mga bata na naririto.
"Sumunod kayo." Mariin niyang utos sa amin. Humakbang siya.
Muli kaming sumunod sa kaniya.
Pinapanood namin siya kung papaano niyang hubarin ang kaniyang itim ba balabal. May lumapit na isang babae sa kaniya at kinuha ang naturang bagay na iyon. Tumambad sa amin na nakadamit pang-ensayo na pala siya. Nakapusod ang kaniyang buhok. Nilingon niya kami. Blangko pa rin ang ekspresyon sa kaniyang mukha.
"Be ready." Aniya. "And follow me."
Yumuko ako. Humakbang kami palapit sa gitna ng bulwaga. Pinaglalaruan ko ang aking daliri para maibsan ang takot na aking nararamdaman.
"In the name of Knight of Hell. I order you to stop." Malakas na bigkas niya.
Inangat ko ang aking tingin. Kita kona tumigil sila sa kani-kanilang ginagawa. Nakatuon ang mga tingin nila sa amin ni Rhys. Bakas doon ang pagtataka. Mas lalo bumibilis ang t***k ng aking puso.
"These are Rhys and Lilith. They are the cambions. Magiging tulad ninyo din sila." Panimula ni Alixa at tumingin sa akin. "At ang batang babaeng ito, she's the daughter of Ramael. Late Prince of Hell. Son of Lucifer."
Rinig ko ang bulong-bulungan nila.
P-Prinsipe si papa?!
"And this little boy, the son of Primus."
Tiningnan ko si Rhys. Kita ko na natigilan siya nang banggitin ang pangalan ng kaniyang ama sa unang pagkakataon. S-sino si Primus?
"Makakasama ninyo ang dalawang ito sa pagsasanay hanggang sa pagkikipaglaban." Ipinagpatuloy pa ni Alixa. "At sila ang tinutukoy ng propesiya ng Impyerno."
May lumapit na babae sa kaniya at lumuhod ito sa harap niya. "Ako na po ang bahala sa kanila." Sabi ng babae kay Alixa.
"Aasahan ko na lalakas ang mga ito pagdating ng araw."
"Makakaasa po kayo."
Tinalikuran niya kami at iniwan niya kami dito. Napahawak ako kay Rhys. Tanda na todo na ang takot na aking nararamdaman. Ginantihan niya din ang paghawak ko sa kaniya. Mas mahigpit ang sa kaniya. Pareho naming pinapanood kung papano siya naglalakad patungo sa malaking pinto. Nakasundo lang sa kaniya ang dalawang alagad niya hanggang sa tuluyan na siyang lumabas sa silid na ito.
"Mag-uumpisa na tayo." Sabi sa amin ng babae. "Balik sa pagsasanay! Ngayon din!"
May dalawang lalaki na humawak sa amin at pilit kaming ipinaghiwalay ni Rhys. Nag-uumpisa na akong umiyak. Nagwawala naman si Rhys para mabitawan siya ngunti sa huli ay bigo siya.
Pareho kaming hinagis sa sahig. Rinig ko ang tawanan ng mga bata.
"Cambion lang sila. Ibig sabihin, kalahating tao at kalahating demonyo lang sila. Hindi tulad natin, purong demonyo." Rinig kong sabi ng boses ng batang babae.
"Ang lakas ng loob nilang sila ang tinutukoy sa propesiya." Dagdag ng isa pa.
"Wala naman espesyal sa kanila. Lalo na batang babae na iyan, anak siya ng taksil."
"Alam namang bawal na umibig sa tao, nagawa pa rin. Tsk tsk..."
Napaawang ang bibig ko sa aking narinig. Ibig sabihin, bawal umiibig si papa kay mama? Kaya ba dahil doon ay namatay ang tunay kong ama...?
Pilit kong tumayo. Ramdam ko ang pag-aalab sa aking puso. Pinunasan ko ang mga takas kong luha. Anong karapatan nila para sabihin nila ang mga bagay na iyon sa mga magulang ko?
Matalim ko tiningnan ang mga batang kumukutya sa akin. Walang sabi na sinugod ko sila pero bigo ako. Nagawa nilang umiwas kaya napasubsob ako sa sahig.
"Lilith!" Nag-aalalang tawag sa akin ni Rhys.
Hindi ko iyon pinansin. Napangiwi ako. Pilit akong bumangon at muli ko silang sinugod. Hinawakan ng mga batang lalaki ang magkabilang kamay ko. Pilit kong magpumiglas pero hindi ako makawala! Masyado silang malakas!
"Bitawan ninyo ako!" Bulyaw ko sa kanila.
May batang babae na lumapit sa akin. Nang nasa harap ko na siya ay walang sabi na binigyan niya ako ng suntok sa sikmura na dahilan upang mapaubo ako. Bigla ako nanghina sa suntok na iyon.
"Huwag kang magmatapang sa harap namin, cambion." Napangiwing sabi sa akin ng batang babae. Sa mukha parang naaasiwa siya sa akin. "Baguhan ka na nga, anak ka pa ng taksil. Marunong ka lumugar."
Mas lalo ako nakaramdam ng galit dahil sa sinabi niya. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Parang hindi ko na naman kayang kontrolin ang aking sarili.
"Lilith... H-huwag!" Rinig kong sabi ni Rhys pero hindi ko magawang pakinggan iyon.
Hinagis ko ang dalawang bata na nakahawak sa akin. Nabangga sila sa mga pader at bumagsak sila sa sahig at wala nang malay. Napaatras ang batang babae na parang nawindang sa aking ginawa. Humakbang ako palapit sa kaniya at walang sabi na kinuwelyuhan ko siya.
"H-huwag..." Nanghihina niyang sabi. May halong pagmamakaawa.
"Dapat sa iyo, mamatay—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang may tumama na kung ano sa aking batok kaya nabitawan ko ang batang babae. Bumagsak siya sa sahig. Kita ko na nanginginig siya dahil sa takot.
Naglalaho ang init sa aking mga mata. Bumagsak din ako sa sahig. Napatingala ako nang makita ko si Alixa na matalim ang tingin sa akin. Para akong kakapusin ng hininga sa pamamagitan ng mga tingin na iyon.
"Mamaya pa ang pagsasanay para makontrol ang kapangyarihan mo, Lilith." Malamig niyang sabi sa akin.
Hindi ko magawang magsalita.
Tinukod niya ang isang tuhod niya. Ipinatong niya ang isa niyang braso sa tuhod niya. Diretso siyang nakatingin sa akin. Nababasa ko ang lamig sa kaniyang mga mata. "Dahil sa iyo ay namatay ang nanay mo, Lilith. Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit pareho sila ay hindi mo kasama."
Natigilan ako sa aking narinig. Nagsisimula nang manginig ang pang-ibabang labi ko. Parang pinipiga ang puso ko. Parang hindi ako makahinga lalo... Nag-iinit ang mga mata ko, hindi dahil sa lalabas na naman ang aking kapangyarihan kungdi may lumabas na luha at marahas iyon umagos sa magkabilang pisngi.
Tumayo si Alixa. "Simula ngayon, ako na mismo ang magsasanay sa iyo."
Sa mga nalaman ko, I want to be vanished. Hindi kaya tanggapin ng sistema ko ang lahat. Sana pala ay nawala nalang ako ng mga panahon na iyon para hindi maranasan nina mama at papa ang hirap. Sana pala ay hindi nalang ako nabuo kahit na sabihin na mahal na mahal nila ang isa't isa...
I wish I could disappear...
Kasalan ko pala sa umpisa palang...
▶▶