05. forlon

1556 Words
Tumigil kami ni Alixa sa isang madilim na silid. Kusang sumindi ang mga kandila sa buong paligid upang nagbigay ito ng ilaw. Tumigil siya sa gitna ng silid. Humarap siya sa akin. Isang blangkong ekspresyon sa mukha ang iginawad niya sa akin. Nababasa ko din sa kaniyang mga mata ang lamig. Ni isang emosyon na masaya o anuman ay wala. "Lumapit ka, Lilith." Maawtoridad niyang sabi. Napalunok ako. Malamya akong lumapit sa kaniya. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Nakayuko ako at pinaglalaruan ko ang aking daliri. Wala akong lakas ng loob upang tingnan siya ng diretso sa kaniyang mga mata. Siya naman ang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Medyo nagulat pa ako sa kaniyang ginawa. Natatakot ako na baka may gawin siya sa akin na ikakasakit ko... "Hindi ka pwede palaging malambot, Lilith." Malamig niyang sambit. "Ikaw ang makakakuha ng pinakamataas na posisyon balang araw. Balang araw, pamumunuan mo kami." Tumingala ako. Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob para tumingin sa kaniya. Maraming katanungan at pagtataka sa aking mukha. Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. Tinukod niya ang kaniyang tuhod upang magkalebel kami ng tingin. "Alam kong hindi mo gusto ang magiging kapalaran mo. Maski ako, hindi ko rin ginusto ito." Kumunot ang noo ko. Mas lalo ako nagtataka. "Gusto kong humingi ng paumanhin sa ginawa ko sa inyo ni Rhys, pero iyon lang ang tangi kong paraan para makaganti kay Flavius balang araw." Sabi niya na diretso siyang nakatingin sa aking mga mata. "Kailangan mong mabuhay, Lilith. Hindi para sa sarili mo... Para makaganti ka sa ginawa ng Flavius na iyon sa iyong ama na si Ramael." Hindi ko magawang kumurap. Nagiging mabait ba siya sa akin? "Mabait ako pero naging masama lang ako dahil sa isang malaking kasalanan na habambuhay ko iyon pinagsisihan..." Marahan niyang hinaplos ang aking ulo. "Now, let's start." Tumango ako at sinunod ko siya. Bawat galaw na itinuturo niya sa akin ay pinagsisikapan kong makuha iyon. Self-defense yata ang tawag dito. Bawat turo niya sa akin ay pinagtityagaan niya. Marahil ay tama siya. Kailangan kong mabuhay para magawa ang paghihiganti na nabubuo sa aking isipan. Igaganti ko si papa at mama sa ginawa ng Flavius na iyon. Dahil sa kaniya, namatay ang mga magulang ko! "Buhatin mo 'yan." Malamig niyang utos sa akin. Nasa harap namin ang isang napakalaking bato sa may bundok. Napatingin ako sa kaniya na napaawang ang aking bibig. "S-seryoso po kayo?" Tanong ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Oo. Mukha ba akong nagbibiro sa lagay na ito?" Napalunok ako. Humakbang ako palapit sa bato saka hinawakan ko ang pinakaibabang bahagi nito. I gritted my teeth. Pilit kong inaangat ang mabigat na bagay na ito. "AAAAAHHHHHHH!" Sigaw ko. Hindi ko talaga siya mabuhat! Sinubukan ko ulit pero ayaw talaga. Nilapitan ako ni Alixa saka tinapik niya ang isang balikat ko. "Huminga ka ng malalim. Tapos ay gamitin mo ang isipan mo... You can do a persuasion. Both of you and Rhys are cambions. Hindi mawawala ang superhuman strength, agility and speed ninyo." Inilapat ko ang mga labi ko. Sinubukan ko ulit ang sinasabi niya. Napalunok ako. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Kalmado kong bunuhat ang malaking bato hanggang sa naramdaman ko na parang umangat na ito. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Napaawang ang bibig ko nang makita kong nabuhat ko nga siya! Bumaling ako kay Alixa na tipid siyang ngumiti at tumango. Tuwang-tuwa ako! Parang feeling ko, ako si supergirl na napapanood ko sa tv dati! ** "Think a place, Lilith." Utos sa akin ni Shaundra habang naririto kami sa isang silid. Kung saan sinasanay ang kapangyarihan ko. Lalo na ang teleportation Magkaiba ang klase namin ni Rhys. Sayang, hindi ko siya kasama. Pero kapag nasa silid-tulugan na kami ay doon kami nagkukwentuhan. "Opo..." Mahinang sagot ko saka pumikit. "Pwede po ba sa mundo ng mga tao?" "Hindi." Mabilis at mariin niyang sagot. Ngumuso ako. Oh sige, huwag na nga lang. Saan kaya? Aha, alam ko na... Sa pagdilat ng mga mata ko, sa isang hindi pamilyar na lugar ako dinala. Sa isang tower hill. Napaawang ang bibig ko habang iginagala ko ang aking paningin sa paligid. Walang naririto? Ni isa? Iniisip ko kasi kung saan bibitayin si papa ng mga panahon na iyon... Unti-unti naglitawan ang mga demonyo na tila may aabangan silang palabas... Nagpakawala ako ng ilang hakbang palapit sa tore kung nasaan ang lalaking nawalan ng mga pakpak... May isang babae na nagmamadaling lumapit doon. Pamilyar sila sa akin... Sina mama at papa! Sa isang banda naman ay nakikipaglaban si tatay sa mga demonyo... May hawak siyang espada... Parang nagiging slow motion ang lahat... Dumako ang tingin ko sa isang tore kung nasaan si Flavius. Malamig siyang nakatingin sa direksyon kung nasaan ang mga magulang ko. Napalunok ako. Parang hindi ako makahinhga sa aking nakikita... Nagpasya akong umalis doon. Bumalik ako sa silid kung nasaan si Shaundra. "M-masama po ang pakiramdam ko..." Mahinang sabi ko. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Kusa nang gumalaw ang aking katawan at lumabas sa silid. I was walking in the hallway when I suddenly stopped. Humawak ako sa pader. Para akong nanghihina sa mga nasaksihan ko. Lihim ko kinagat ang aking pang-ibabang labi. Pinipigilan kong umiiyak. Ang sakit pala ng pinagdaan ng mga magulang ko... Gumawa ng paraan si mama para mailigtas niya noon si papa... Mas lalo nadagdagan ang galit ko para kay Flavius. "Nakita mo ba?" Natigilan ako nang may nagsalita sa bandang likuran ko. Nilingon ko iyon. Si Alixa... Yumuko lang ako bilang tugon. "Isa sa mga abilidad mo na makikita mo ang nakaraan, Lilith." Malamig niyang sambit. "Ngayon alam mo na kung gaano kalupit ang mundo. Kung gaano kasakit ang mga naranasan nila. Sinalo nila ang mga iyon para hindi mo rin maranasan ang mga iyon." "Sisikapin kong maging magaling. Maging malakas. At talunin si Flavius." Mariin kong sabi. Pinapangako ko, igaganti ko kayo, mama... Papa... ** "Huwag aanga-anga, Lilith!" Sigaw ni Alixa sa akin habang nasa gitna kami ng kagubatan. Kailangan kong harapin ang mga mababangis na halimaw dito bilang isa sa mga pagsasanay niya sa akin. Natatakot ako. May hawak akong punyal. Ilang araw na naming pinapraktis ang kung papaano tamang hawak n'on. Pero ngayon ang unang pagkakataon para isabak niya ako sa ganitong pagsasanay... Kailangan kong pumatay ng dalawang mababangis na halimaw ngayon. Matalim ang tingin ng dalawang halimaw sa akin. Parang lalapain nila ako ng buhay! Mas lalo ako natatakot! H-hindi ko alam ang gagawin ko... "Kung gusto mong mabuhay, Lilith, gawin mo!" Sigaw pa niya sa akin habang nakahalukipkip siya, pinapanood niya ako. Pinagpapawisan ako ng malamig. Mas hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa punyal. 'Kaya mo ito, Lilith. Kaya mo ito!' Sinugod ako ng isa. Hindi ko magawang umiwas kaya tumilapon ako sa malaking puno at bumagsak sa lupa. Napadapa ako. Ang sakit sa katawan... "Tumayo ka!" Rinig ko pang sigaw ni Alixa. Kinuyom ko ang aking mga kamao. Pilit kong tumayo. Kinuha ko ulit ang punyal sa lupa. Hindi ako pwedeng matakot. Wala akong mararating kung papairalin ko ang takot ko. Hindi ko matatalo si Flavius kung matatakot lang ako. ** 14 years later. Sumugod ang isa pang halimaw. Tumakbo siya palapit sa akin. Sinugod ko din siya. Tumalon ako at walang sabi na pinulupot ko ang mga binti ko sa kaniyang leeg. Inangat ko ang aking kamay ko at walang sabi na sinaksak ko ang kaniyang ulo hanggang sa natumba siya sa lupa. Gumulong ako at tumayo ulit. Inunahan ko na sa pagsugod ang natitirang halimaw. Tumakbo at pinalitaw ko ang aking mga pakpak. Tinapakan ko ang mukha nito at lumipad ako sa ere. Umikot ako. Muli ko inangat ang aking kamay kung saan hawak ko ang punyal. Titirahin ko siya sa ulo at hahatiin siya pababa. Iyon nga ang aking ginawa. Bumulwak ang dugo niya at tumalsik iyon sa aking katawan pero hindi ko ininda iyon. My aim is to kill this f*****g bastard beast! Lumanding ako sa lupa na nakatukod ang isang tuhod ko. Bumagsak ang natirang halimaw na magkahati na ang mga katawan niya. I smirked. Tumayo ako. Nilapitan ko halimaw at hindi pa ako nasiyahan, sinaksak ko ang mata niya sa pamamagitan ng aking punyal. "Great job, Lilith!" Rinig kong sabi ni Alixa. Nilingon ko siya at seryoso ko siyang tiningnan. Palapit siya sa akin. "Mukhang nakahanda ka na nga sa seremonyas mamayang gabi." Aniya. "Hindi lang naman ako. Pati rin si Rhys." Malamig kong sabi. Sa loob ng labing apat na taon. Nawawala na ang Lilith mula sa nakaraaan. Ni isang bakas niya ay wala na doon. Dahil ang Lilith ngayon ay sapat na upang masabi ng propesiya na ako nga ang magiging Destroyer ng Host of Heaven. No emotions. Emptiness inside. "Kahit ang totoo niyan ay hinding hindi ako dadalo sa seremonyas na iyon, Alixa." Dagdag ko pa. Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?" Tiningnan ko siya ng diresto sa kaniyang mga mata. "Pupunta ako sa mundo ng mga mortal. Hahanapin ko si tatay." "P-pero..." "Alam mo sa umpisa palang, kaya lang naman ako pumayag na gawin ang mga ito para gumanti kay Flavius. Ngayon, kailangan kong makita si tatay para ipakita sa kaniya na ayos lang ako.. Kami ni Rhys." Dahil alam kong sinisisi na naman ni tatay ang sarili niya dahil nawala kaming dalawa sa kaniya. Pero kahit kailan, hinding hindi ako nagtatanim ng sama ng loob sa kaniya. May kailangan lang akong malaman sa kaniya, kung papaano ko matalo ang Flavius na iyon. "Ibig sabihin, kayong dalawa ni Rhys ang aalis?" Tanong pa niya. "Hindi." Mabilis kong sagot. "Ako lang mag-isa ang pupunta." Ngumisi ako. "Alam kong hahabulin ako ni Flavius sa oras na tumakas ako. I don't mind it, anyway."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD