Tumigil ang sasakyan ni tatay sa isang matayog na gusali dito sa Maynila. Hindi ko mapigilang dumungaw sa bintana para silipin ang nasa labas. Pagkamangha ang umukit sa aking mukha. Ang laki at ang ganda! Dahil gabi ngayon, mas maganda siyang tingnan mula dito sa labas. Dito daw gaganapin ang party na sinasabi niya.
May lumapit na isang lalaki sa sasakyan. He must be a valet of this hotel. Unang lumabas si tatay. Binuksan ng naturang lalaki ang pinto ng front seat kung saan nakaupo si Rhys tapos ako naman ang pinagbuksan niya. Nilahad pa ng lalaki ang palad niya sa akin. Walang alinlangan ko iyon tinanggap hanggang sa tagumpay akong nakalabas.
Binigay ni tatay ang susi ng sasakyan niya sa valet saka lumapit sa amin. Humawak kami ni Rhys sa magkabilang kamay niya. Napapagitnaan namin siya.
Pormal ang suot naming damit. Gabi naman kaya walang problema. Rhys was wearing a white polo shirt with a black tuxedo. May bow tie pa sa kaniyang leeg. Shorts ang kaniyang pambaba, black shoes with a white socks. While me? A pink dress, white stockings and doll shoes. Bagay na bagay ang ribbon bilang palamuti sa aking wavy na buhok na kulay rose gold. And our tatay is wearing a three-piece-suit with a carnation pink neck tie. Parang hindi siya natanda sa hitsura niya. Kumsabagay, ang sabi kasi niya amin ay umaabot ng five hundred years old ang mga tulad niya at kami din ni Rhys.
"Good evening, Mr. Raziel Gauthier!" Masayang salubong ng isang babae na nakapormal din na damit. Na nababagay para sa okasyon na ito.
"Good evening." Pormal na balik-bati sa kaniya. Nakangiti siyang bumaling sa amin ni Rhys. "These are the children of Ramael and Bethany Black."
"Oh!" Parang nagulat pa siya. Ngumiti siya sa amin na kay tamis-tamis. "Welcome to the party, Mr. And Ms. Black."
I sweetly smiled at him while Rhys is still cold and snob.
Tumuloy kaming tatlo hanggang sa narating namin ang napakalaking bulwagan ng Hotel. Ang ganda! Ang dami ding pagkain at inumin sa gilid! Nakahilera pa! Marami ding tao sa paligid.
"Finally you arrived, Mr. Gauthier!" Bati ng isang may edad na lalaki kay tatay. Bumaba ang tingin niya sa amin. "These are...?"
"They are the children of Bethany and Ramael Black." Pormal na sagot niya.
Napaawang ang bibig niya na parang nabigla sa kaniyang narinig. Nilahad niya ang palad niya sa amin. "It's good to see you, the heir and the heiress!" Bulalas niya.
Ngumiti ako saka tinanggap ko iyon ang pagkikipagshake hands niya. Ganoon din si Rhys.
"I'll talk to you later, Mr. Garcia." Nakangiting paalam ni tatay sa kaniya.
"Sure!"
Muli kaming naglakad. May nakareserve pala na mga upuan para sa aming tatlo. Pinaupo kami ni tatay doon. Tahimik lang sa isang tabi si Rhys habang ako naman ay patuloy ko parin iginagala ang aking mga mata sa paligid. Ang galing! Nakakarating kaya ang mga magulang ko dito?
"Rhys!" Tawag ko sa kaniya.
Bumaling siya sa akin. "Hmm?"
"May chocolate fountain doon, oh!" Sabay turo ko sa direksyon kung nasaan ang tinutukoy ko.
Sinundan ko iyon ng tingin. "Gusto mo iyan?"
Agad akong tumango.
Nilipat niya ang kaniyang tingin kay tatay na abala na nakikipag-usap sa mga iba pang guest. Bumaling siya sa akin. "Sige, sasamahan kita, bilisan lang natin."
Lumapad ang ngiti ko. Inaalalayan ako ni Rhys na makababa sa upuan. Hawak ko ang kaniyang kamay habang palapit kami sa chocolate fountain.
"Hi, you want chocolate fountain?" Salubong sa amin ng isang babae. She's a blondie.
"Gusto po daw niya." Si Rhys ang sumagot sabay turo niya sa akin.
Mabilis kumilos ang babae. Pinaexperience niya sa amin ang chocolate fountain. Tuwang-tuwa akong kumain noon. Iniingatan ko na hindi tumulo sa damit ko 'yung chocolate dahil hindi pa nag-uumpisa ang party, ag dugyot ko na. Nakakahiya para kay tatay.
"Masarap ba?" Nakangiting tanong sa amin ng babae.
"Opo!" Masiglang sagot ko.
Pinagmamasdan niya kami na hindi mawala sa kaniyang mga labi ang mga ngiti. Parang sinusuri niya kami sa hindi ko malaman na dahilan...
Ilang segundo pa ang lumipas. May nararamdaman kong kakaiba. Parang nanlalabo ang mga mata ko. Inaantok ako bigla... Bumaling ako kay Rhys na panay kusot niya sa kaniyang mga mata, tila inaantok din.
"R-Rhys..." Nanghihinang tawag ko sa kaniya. Lalapitan ko sana siya pero hindi kinaya ng katawan ko. Pabagsak na ako at ganoon din si Rhys. Kahit malabo ay kita ko na parang may sumalo sa amin. Marahan akong pumkit.
"Sigurado ka bang sila ang tinutukoy ni Flavius?" Rinig kong tanong ng boses lalaki.
"Hinding hindi ako magkakamali. Sila ang nakawalang cambion seven years ago. Ang batang babae na ito ay anak ni Ramael, ang taksil." Rinig ko namang sagot ng babae. May bahid na seryoso at tapang.
K-Kilala niya ang tunay kong ama? Papaano niyang sinabi na taksil ang ama ko?
"Bilisan na natin bago man tayo matunugan ni Raziel."
Ramdam ko ang mga braso niya sa aking katawan. Gustuhin ko mang gumalaw ay hindi ko na kaya. Hanggang sa tuluyan na akong hinila ng antok...
**
Nagising ako na medyo na madilim na lugar ang bumungad sa akin. Bahagya akong bumangon at kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Nasaan ako? Ang huling natatandaan ko lang ay nasa party kami. Sandali, si Rhys!
Namataan ko siya na nakaupo sa isang sulok, nakapikit.
Agad akong tumayo para lapitan siya. "Rhys! Rhys!" Malakas na tawag ko sa kaniya.
"Uhmm..." Saka dahan-dahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata. "L-Lilith..." Mahina niyang tawag sa akin.
"A-kala ko, ano na nangyari sa iyo..." Naiiyak kong sambit. Iginala ko ang aking paningin sa buong silid na ito. "N-nasaan tayo?"
Biglang may nagbukas sa pintong bakal ng silid na ito. Isang babae na nakasuot na itim na balabal. Medyo nanlaki ang mga mata ko nang natatandaan ko na siya ang babaeng nagpakain sa amin ng chocolate fountain!
"Mabuti naman ay gising na kayo." Blangko ang ekspresyon sa kaniyang mukha nang sabihin niya iyon.
Tumayo si Rhys at hinaraang niya ang kaniyang sarili sa akin. "Sino ka? Anong kailangan ninyo sa amin?" Matapang niyang tanong.
She smirked. "Malalaman ninyo din kung sino ako." Saka tinagilid niya ang kaniyang ulo na parang may inaabang siya mula sa labas.
May mga pumasok na dalawang lalaki na nakabalabal din Humakbang sila palapit sa amin at hinawakan kami. Sinubukan naming magpumiglas pero bigo kami. Masyado silang malalakas!
"Dalhin ninyo iyan sa harap ni Flavius!" Mariing utos ng babae sa dalawang lalaki.
Tila nauubos ang lakas namin sa kakapumiglas hanggang sa narating namin ang malawak at madilim na bulwagan. May mga kandila na naasabit sa pader. Mas lalo ako natatakot...
Humakbang ang babae sa gitna ng bulwagan at lumuhod saka yumuko. "Narito na po ang mga batang tinutukoy ninyo, Panginoong Flavius." Malakas na sabi ng babae.
Flavius? Parang pamilyar sa akin ang pangalan na iyan...
Napatingin kami sa gilid nang may narinig kaming yabag. Hinawi ang itim na kurtina na nakaharang. Lumabas doon ang isang lalaki. Napaawang ang bibig ko dahil nakakatakot siya!
Napako ang tingin niya sa amin. Ngumisi siya na mas lalo kong ikinakaba. Humakbang siya palapit sa amin. Parang hakbang na kaniyang pinapakawalan ay mas bumibilis ang t***k ng aking puso. Nang nasa harap na namin siya ay itinukod niya ang isang tuhod niya para maging kalebel namin siya.
"Kamusta, Lilith? Rhys?"
"P-papaano mo alam ang pangalan namin...?" Kinakabahan kong tanong.
"Dahil ang dugo't laman ninyo ay tulad sa akin." Sagot niya.
"Anong ibig ninyong sabihin?" Lakas-loob na tanong ni Rhys sa kaniya.
Lumipat ang tingin niya sa kasama ko. Nanatili pa rin siyang nakangisi. Inangat niya ang isang kamay niya't itinapat niya ang kaniyang palad kay Rhys. May lumalabas na kulay dilaw na enerhiya doon.
"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!" Hindi mapigilang mapasigaw ni Rhys sa sakit habang unti-unting lumiliwanag ang mga mata niya... K-kulay dilaw...
"You have pair of yellow eyes. And you'll be one of a Princes of Hell and one of the Generals of the Army, kid." Seryosong sabi ng Flavius.
A-ano? Princes of Hell?! General?!
Sa akin naman siya tumingin. Tulad ng ginawa niya kay Rhys ay itinapat niya sa akin ang kaniyang palad hanggang sa lumitaw ang kulay puti na enerhiya doon!
Parang hindi ako makahinga. Nag-iinit ang mga mata ko.. "AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!" Naiiyak kong sigaw.
"And you, the white-eyed-demon. The highest hierarchy of Demons. You will be the chief of staff, next position to the God Lucifer. According to the prophecy, you will be the destroyer of Host of Heaven!" Mariin at malakas niyang sambit sa akin.
A-anong...? Anong pinagsasabi niya?!
Nang tumigil siya ay pareho kaming natumba ni Rhys sa sahig. Pareho kaming pawisan. Naiiyak na ako.
'Tatay...'
Lumapit ang babae sa tabi ng Flavius. Hinawi niya ang hood mula sa suot niyang balabal. Taas-noo niya kaming tiningnan.
"She's Alixa. She will train you how to be a warrior."
May isa pang babae na lumapit sa tabi din nito.
"And this is Shaundra, she will train you how to use your magical and demonic abilities." Bumaba ang tingin niya sa amin na nanlalaki ang mga mata niya habang nakangisi. "Welcome to Abyss This is your fate and you can't stop about it."
▶▶