01. the cambions
Bata palang ako ay si Uncle Raziel na ang tumatayong magulang para sa akin. Bata palang ako, wala na ang tunay kong mga magulang. My late real father, Ramael Black, he died just to protect me while my mother, Elizabethany Black, died when she gave birth on me.
The past haunt me. They chasing me, because I am the destroyer of Host of Heaven.
I'm Lilith Black, the cambion. The cold blood demon. And this is my story...
Life is the period of time when a person is alive, but for me, I'm not. I can move, I can breath (at least), I can feel the things around me. I have emotions, except... I have no pulse. Yes, ipinanganak kaming walang pulso. Kami ni Rhys, na tinuturing ko ding kapatid. Anim na taong gulang na ako. Si Rhys, seven years old. He's older than me, two months. Abnormal para sa mga mortal pero sa estado namin, normal iyon. Because we're a cambions. Half human and half demon. Unfortunately, both of my parents died while Rhys? Her mother died like mine, wala pang tumutukoy kung sino ang tatay niya. Si tatay Raziel ang nag-alaga sa amin simulang sanggol palang kami hanggang ngayon. Siya ang nakagisnan naming magulang.
Pareho kaming bawal lumabas ni Rhys. Ang araw ang isa sa mga kahinaan naming dalawa. May mga panahon na pwede kaming makalabas pero balot na balot kami ng damit, mula ulo hanggang paa. Daig pa daw namin ang bampira sa mga suot namin. Dahil d'yan ay hindi kami nakalusot sa panglalait ng mga kapwa naming bata.
"Nandyan na naman ang magkapatid na bampira!" Sigaw ng bata sa mga kagrupo nito.
Napatingin sila sa amin at sinalubong nila kami ng mga nakakalokong ngisi. Kahit na wala pa silang sinasabi ay alam na naming pareho na may binabalak silang masama sa amin.
Pinalilibutan nila kami. Mga apat sila at puros lalaki. Agad hinarang ni Rhys ang isang braso niya sa akin upang magbigay proteksyon sa anumang mangyayari.
"Taas ng tirik ng araw, balot na balot na naman kayo. Daig ninyo pang suman!" Malakas na pagkasabi ni Butchoy sa amin. Nagtawanan ang mga kasama niyang bata na para bang tuwang tuwa sa biro nito. "Hindi uso sa inyo ang shorts at sando?"
"Mayaman lang kami sa tela kaya ganito mga damit namin. May problema ka ba doon?" Nakangising sagot ni Rhys sa kanila.
Tumalim ang tingin ni Butchoy sa kaniya. Naiinis na napipikon. Dahil d'yan ay walang sabi na tinulak niya si Rhys pero natumba ako sa buhanginan dahil sa braso ni Rhys na nakaharang sa akin.
"Lilith!" Hindi makapaniwalang tawag niya sa akin. Agad niya akong dinalo at inaalalayang tumayo. "Ayos ka lang ba?"
Hilaw akong ngumiti saka tumango. "Ayos pa naman ako."
Bumaling si Rhys na parang siya naman ang napipikon. "Sumusobra ka nang baboy ka, ah!" Sinugod niya si Butchoy at walang sabi namalakas niyang tinulak iyon. Si Butchoy naman ang napaupo sa buhangin. Sunod namang sumugod ang mga kaibigan ni Rhys.
Pinagtulungan nila si Rhys!
"Rhys!" Sigaw ko sa kaniyang pangalan. Sumugod ako para iligtas ang tinuturing kong kapatid ngunit mukhang ayaw magpaawat ang mga iyon nang may isang bata na kaibigan ni Butchoy na humawak sa akin at tinapon ako na parang basahan sa buhangin.
Aray... Napatingin ako sa mga palad ko. May gasgas na... Hala...
"Lilith!" Malakas na tawag sa akin ni Rhys.
Bago man ako lumingon ay bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. Halos kaladkarin na ako dahil sa pagtakbo niya. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya habang patuloy kaming tumakbo. Hindi niya ako sinagot. Bumaling ako sa bandang likuran namin. Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita kong sinusundan pala kami ng mga bata na nakaaway niya!
Hanggang sa hindi na kami naabutan ng grupo ni Butchoy. Nagawa naming magtago sa kagubatan. Madalang lang na may nakakapaasok dito ay dahil din natatakot sila. Mayroon kaming mga mababangis na hayop dito. May mga naeencounter naman kami pero ni isang beses ay hindi kami pinagtangkaang atakihin dahil nakokontrol namin sila sa pamamagitan ng isipan namin. Kaya rin naming galawin ang mga bagay na nanaisin namin.
"Kailangan na nating umuwi baka hahanapin na naman tayo ni tatay." Aya niya.
Tahimik akong tumango saka sumunod sa kaniya. Nasa bandang likuran lang niya ako. Medyo kabisado niya kasi ang lugar na ito. Sa totoo lang ay sinubukan lang naming lumabas ngayon, although we're nocturnal. Sa gabi lang talaga kami pwedeng lumabas-kung saan wala ang araw.
**
Pagdating namin sa bungalow style na bahay ay nadatnan namin si tatay Raziel na abala nagdidilig ng mga halaman na nasa paso. Tumigil lang iyon nang naramdaman niya ang presensya namin. Ipinatong niya ang sprinkle can sa mesa na yari sa kahoy at lumapit sa amin.
"Saan naman kayo galing, iho? Iha? Hmm?" Taas-kilay niyang tanong sa amin. Nakapameywang pa.
"Sa tabing dagat po, tatay." Sagot ko.
"Ha? Anong ginawa ninyo doon?" May bahid na pag-aalala sa kaniyang mukha dahil sa sagot ko.
"Sinubukan lang po namin..." Hindi na naituloy ang sasabihin ni Rhys nang bigla ulit nagsalita si tatay.
"Mga anak naman, alam ninyo naman na bawal, hindi ba? Maliban nalang kung gabi. Alam ninyo namang hindi kayo mga ordinaryong bata." Malumanay niyang paliwanag sa amin.
Tahimik kaming yumuko ni Rhys. "Hindi na po mauulit, tatay." Sabay naming tugon.
Rinig naming pagbuntong-hininga niya. "Oh siya, pumasok na kayo sa loob."
Sumunod kami. Naunang naglakad si Rhys papasok sa loob ng bahay habang ako ay nasa likuran lang niya, nakasunod lang.
Hanggang sa narating namin ang kuwarto. Share kami dito dahil dalawang kuwarto lang ang meron sa bahay na ito.
Gumapang ako para makatuntong ako sa aking higaan. Nilabas ko muna sa ilalim ng unan ang isang picture frame. Napangiti ako nang makita ko ulit sila kahit dito lang sa litrato. "Hi, mama! Hi, papa! Nakabalik na po kami ni Rhys dito sa bahay!" Saka dinampian ko ng halik ang naturang litrato na hawak ko. Ibinalik ko iyon sa mesa na nasa tabi lang ng higaan ko. Wedding picture daw ng magulang ko iyon, sabi ni tatay Raziel. Inilabas ko ang aking kwintas na nakasabit sa aking leeg. Napangiti ako. Dalawang singsing ginagawang pendant ng kuwintas na ito. Ang sabi din daw ni tatay ay wedding ring daw ng magulang ko... Tanda na mahal na mahal nila ang isa't isa.
Palagi ako nagtatanong kay tatay tungkol sa mga magulang ko. Kung papaano sila nagkakilala. Dahil minsan ay nakakalimutan ko, tinatanong ko ulit hanggang sa nagiging kabisado ko na. Buti hindi nagagalit sa akin si tatay kapag paulit-ulit na. Hihi.
"Lilith," Tawag sa akin ni Rhys. Seryoso ang kaniyang mukha at may dala niyang betadine at bulak. Umupo siya sa aking tabi. "Gagamutin ko iyang sugat mo, napahamak ka nang dahil sa akin."
Tahimik ko lang pinapanood ang ginagawa niya.
"Salamat din dahil hindi mo ako nilaglag kay tatay na nakipag-away ako." Sabi pa niya.
"Ayos lang..." Sabi ko na nananatili pa ring ako nakatingin sa aking kamay habang ginagamot niya. "Oo nga pala, malapit na pala ang birthday natin, Rhys!"
Natigilan siya at bumaling sa akin. "Tapos na ang birthday ko, Lilith. Ang sa iyo naman ang malapit na." Malamig niyang sabi.
Ngumuso ako. "Eh pareho naman tayo ng taon na ipinanganak. Saka, magkaedaran din naman tayo." Giit ko pa.
Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Kahit kailan talaga, ang kulit mo." Saka tumigil na siya sa pagdampi ng bulak sa aking sugat. "Ayan, ayos na."
**
Pagkatapos ng hapunan ay kinausap kami ni tatay. Seryosong usapan daw. Nasa Salas kami ngayon.
"Ano po iyon, tatay?" Nagtatakang tanong ko. Pakurap-kurap ko siyang tinitingnan.
"Malapit na ang birthday mo, Lilith. Malapit ka nang maging seven years old, tulad ni Rhys." Sabi niya habang marahan niyang hinahaplos ang aking buhok. "Siguro ay ito na ang tamang panahon para sabihin sa inyo ang totoo."
"Ano pong ibig ninyong sabihin, tatay?" Si Rhys naman ang nagtanong, kunot ang noo.
Kumawala siya ng isnag malalim na buntong-hininga. Seryoso siyang tumingin sa amin. "Mga cambion kayo, Lilith, Rhys... Pagsapit ninyo ng pitong taong gulang, mararamdaman ninyo na ang kakaiba sa mga katawan ninyo... Mga kapangyarihan ninyo."
"Kapangyarihan?" Ulit ko pa. Tumango siya. Napatayo ako na may galak sa aking mukha. "Ibig sabihin po, may mga super powers kami ni Rhys? 'Yung madalas na napapanood namin sa tv?!" Bulalas ko pa.
"H-huwag kang masyadong maingay, anak. Baka marinig ka ng kapitbahay." Natatarantang suway sa akin ni tatay Raziel. "Sa tv, peke iyon. Pero sa inyo, totoo iyon."
Napaawang ang bibig namin ni Rhys. Hindi kami makapaniwala. "Papaano po kami nagkaroon ng ganoon, tatay? Ang astig!" Hindi ko na naman mapigilang mabulalas iyon. Bumaling ako kay Rhys. Hinawakan ko ang isang kamay niya. "May kapangyarihan na tayo. Ibig sabihin, pwede tayong magligtas sa mundo!"
"L-Lilith..." Mahinang tawag sa akin ni tatay pero hindi ko pa napansin iyon.
"Matutulog na po kami, tatay." Biglang sabi ni Rhys sabay hatak niya sa akin papasok sa kuwarto namin.
Pagdating namin sa kuwarto ay nilapitan ko si Rhys. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya."Bakit parang ayaw mo na may powers tayo tulad ng nakikita natin sa tv?"
"Hindi naman sa ayaw..." Saka tumingin siya sa akin. "Kahit balik-baliktarin natin ang mundo, hindi maaalis sa katawan natin na may lahi tayong... Demonyo."
Natigilan ako. "Pero kahit demon si papa, mabait pa rin daw sabi ni tatay." Sabi ko.
Nababasa ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Mabuti ka pa, kilala mo ang tatay mo, may alaalang iniwan ang mga magulang mo para sa iyo, Lilith."
Hinawakan ko ang kaniyang balikat at ngumiti. "Balang araw, makikilala mo din naman ang tunay mong tatay, Rhys." I said positively. "Tiwala lang."
Kinabukasan din iyon ay kaarawan ko na. Umuwi si tatay na may dalang pagkain bilang handa. Tuwang tuwa ako, syempre! Isang beses sa isang taon lang ako magbebirthday kaya sulitin na!
**
"Happy birthday, Lilith-" Hindi natuloy ang bati ni tatay nang nanghihina kami ni Rhys! "Rhys! Lilith! Anong nangyayari?!"
"M-masakit ang mga ma-ta namin, ta-tay... Aaaaaahhhhhhhh!" Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa sakit. Rinig ko din ang pagsigaw ni Rhys habang nakasapo siya sa kaniyang mukha.
Ramdam ko ang mga braso ni tatay. Marahan niyang tinanggal ang mga kamay ko sa aking mukha. "Open your eyes slowly, Lilith." Mahina niyang utos sa akin. Sinunod ko siya. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. I can see his eyes wided. "Y-you have a white eyes..."
Hindi ko magawnag magsalita. Sunod naman niiyang tiningnan ay si Rhys. "Yellow eyes?"
"A-anong ibig ninyo pong sabihin, tatay?"
Para siyang hinihingal. Nakatingin siya ng diretso sa amin. "You got a powerful hierarchy of demons, Rhys, Lilith..." Napalunok siya. "Hindi lang kayo basta-basta mga cambion."
"Tatay..." Mahinang tawag namin sa kaniya...
Niyakap niya kami ng mahigpit. "Dadating ang panahon na babalik siya para kunin kayo." Ramdam namin ang mas humigpit ang pagkayakap niya sa amin. "Hinding hindi ko kayo pababayaan... Nangako ako sa mga magulang ninyo. Hinding hindi ko kayo ibibigay sa kaniya..."