02. Invitation

1598 Words
Umalis si tatay ngayon kaya kaming dalawa lang ni Rhys ang naiwan dito sa bahay. Nakadungaw lang ako sa bintana ng kuwartong ito. Malapit nang lumubog ang araw. Dahil sa medyo pilya ako, napasulyap ako sa kaniya na abalang nagbabasa ng libro. Ni minsan ay hindi kami nakapag-aral dahil sa estado namin. Pero dahil na din sa tulong ni tatay ay natuto kaming magbasa at sumulat. "Rhys! Rhys!" Malakas na tawag ko sa kaniya. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at bumaling sa akin na may pagtataka sa kaniyang mukha. "Bakit, Lilith?" Tanong niya. "Laro tayo sa labas. Tara! Habang wala pa si tatay." Saka ngumiti ako. "Pleaseee? Tara naaa...." Sabay hawak ko sa isang kamay niya. Magsasalita pa sana siya pero hindi na ako makapaghintay! Hinatak ko na siya palabas ng bahay. At saka, mukhang wala nang mga kapitbahay sa labas kaya walang magsusumbong kay tatay. Hehe. "Saan ba tayo pupunta, Lilith?" Mahinang tanong niya sa akin. "Kahit saan. Kung saan masaya!" Giit ko pa habang nilalakad namin ang masukal na gubat na ito. "Wala naman siguro sina Butchoy pati mga kasama niya kaya walang mang-aaway sa atin." Tumigil kami sa gitna ng gubat. Kita ko ang pagbuntong-hininga niya. Sign of surrender. Wala na siyang magagawa pa sa gusto ko. Malamig siyang tumingin sa akin. "Basta umuwi tayo agad para hindi tayo mapagalitan ni tatay." Sabi niya. Mas lalo nasiyahan. "Yehey!" May kasamang talon-talon pa. Balak naming manghuli ng mga alitaptap sa may bantang ilog. Madalas ko kasi nakikita sa tv iyon. Gusto kong maencounter 'yon! "Heto, Lilith." Sabi niya sabay pakita niya sa akin ang palad niya na ipinagdikit niya para hindi makawala ang naturang insekto na iyon. Binuksan niya iyon kaunti. Umukit ng pagkamangha sa mukha ko nang makita ko ang alitaptap. Nakakatuwa! "Buti ka pa may nahuli, ako, wala pa." Sabi ko. "Akin na mga kamay mo, Lilith." Aniya. Sinunod ko naman. Nilahad ko sa kaniya ang mga palad ko. Lumapit pasiya sa akin at maingat niyang inilapat ang alitaptap na hawak niya sa aking mga palad. Ipinagdikit ko ang mga iyon tulad ng sa kaniya. Mas lalo ako natuwa dahil nasa akin na ang nahuli ni Rhys! Yehey! "Huhuli pa ako para sa akin." Sabi niya. Humakbang siya palayo sa akin para maghanap ng bagong alitaptap. "Ha! Akalain mo iyon, narito rin pala ang magkapatid na bampira." Biglang may nagsalita sa bandang likuran ko. Sabay kaming napalingon ni Rhys. Bakas sa mukha namin ang gulat nang makita namin sina Butchoy pati ang mga kasama niya dito. May hawak silang patpat na may lata sa dulo. Parang manghuhuli din sila... "Ano na naman bang kailangan mo, taba?" Malamig na tanong ni Rhys sa kaniya nang nakalapit na ito sa akin. Walang sabi na kunuwelyuhan siya ni Butchoy! Bakas sa mukha nito ang galit. "Ang akala mo papalagpasin ko ang ginawa mo sa akin kahapon?!" Maski sa boses niya ay galit siya. "Hinding hindi ko papalagpasin ang ginawa mo!" Binalingan niya ang mga kasama niya at tumango siya na parang nagbibigay siya ng sensyales dito. Agad kumilos ang mga kasamahan niya. Hinawakan ako ng dalawang bata sa magkabilang braso ko at gayundin din kay Rhys! "Rhys!" Malakas na tawag ko nang tinulak nila ang kapatid ko sa sapa! Hinawakan ni Butchoy ang ulo ni Rhys at walang sabi na nilublob niya iyon sa ilog na parang nilulunod niya iyon! "Huwag!" Malakas na pakiusap ko! "Manahimik ka, bata!" Sigaw ni Butchoy sa akin. Nagsitawanan sila habang patuloy pa rin nila ito nilulublob si Rhys. Panay hampas naman ni Rhys sa tubig. "Iyan ang bagay sa iyo! Mayabang ka kasi!" Kinagat ko ang labi ko dahil sa inis... Sa galit. Dahil hindi na makatarungan ang ginagawa ng baboy na ito sa kapatid ko! Parang wala silang awa sa amin! Buhat nang nakilala namin sila ay ganito na ang turing nila sa amin. Yumuko ako. Kinuyom ko ang aking palad. "Bitawan mo siya." Mariin kong sabi. Saglit niya binitawan si Rhys. Tagumpay na nakaahon ang kapatid ko. Umuubo siya. Sa akin naman lumapit si Butchoy. "Haaaaa?! May sinasabi ka ba?" Pang-aasar pa niya saka tumawa ulit sila. Lihim ko kinagat ang aking labi. Ramdam ko ang paglakas ng hangin dito. Marahas na sumasayaw ang mga dahon dito ngunit balewala lang sa kanila. Sige pa rin ang kantyawan nila. Parang wala lang sa kanila ang ginawa nila sa amin. Tila umaalab sa galit ang puso ko. "AAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!" Malakas kong isinigaw iyon. Ramdam ko ang pag-init ng aking mga mata. Sabi sa amin ni tatay, umiilaw ang mga mata namin kapag lalabas na ang mga kapangyarihan namin. Biglang lumindol sa paligid. Hindi malakas pero sapat na para maramdaman nila ang galit ko lalo na sa mga batang ito. Mga walang respesto! Marahas kong nagpumiglas. Tumilapon ang mga batang nakahawak sa akin hanggang sa bumangga ang isa sa puno habang ang isa naman ay sa malaking bato. Nakahandusay na ngayon sila. Sina Butchoy pati ang dalawa pa niyang kasama ay napaatras sa aking ginawa. Matalim ko silang tiningnan sa pamamagitan ng mga puti kong mga mata. Humakbang ako palapit sa kanila... Ngayon, harapin ninyo ang galit ko! "Lilith!" Malakas na tawag sa akin ni Rhys ngunit hindi ko pinansin iyon. Hindi ko makontrol ang sarili ko. Lalapitan sana niya ako ngunit inunahan ko na siya. Mabilis akong nalapit kay Butchoy at hinawakan ko siya sa kaniyang leeg. Inangat ko siya habang hinihigpit ko pa ang pagkahawak ko. 'Die...' Sa isip ko. "Huwag, Lilith!" Ramdam ko ang mga kamay niya sa akin ngunit hinawi ko iyon. Tumilapon siya sa isang tabi. "L-Lilith..." Humakbang ako at pumulot ng isang kahoy. Pwersahan kong isinandal doon si Butchoy. Walang sabi na sinaksak ko sa sikmura niya ang hawak kong kahoy, tamang tama na, matulis ang dulong bahagi no'n. Bumulwak ang dugo niya sa aking damit pati sa aking mukha. "WAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" Tilian ng mga natirang bata na nakasaksi sa aking ginawa. Tiningnan ko sila. Iniwan ko ang katawan ni Butchoy at sila naman ang sinunod ko. Nawala ako na parang bula at nahuli ko ang dalawang bata. Hinawakan ko sila sa leeg at tumakbo ako patungo sa ilog. Yumuko ako. Marahas ko silang hiniga at hinawakan ko ang mga mukha nila. "DIE!" Sigaw ko na galit na galit. Pinaghahampas nila ang tubig hanggang sa sumuko na sila. Wala na silang buhay... Tumayo ako at napaupo sa sapa. Para akong nanghina. "Lilith!" Rinig kong tawag sa akin ni Rhys. Dinaluhan niya ako at inaalalayan niya akong tumayo. "R-Rhys..." Saka iginala ko ang aking paningin. Namataan ko ang mga bata na wala nang mga buhay. Bumaling ako sa kaniya na may takot sa aking mukha. "N-napatay ko sila..." Niyakap niya ako ng mahigpit. "Kailangan na nating umalis agad dito bago man may makita sa atin. Teleportation is the solution." "H-ha?" Napaawang labi ko. Bago pa man ulit ako nagsalita ay kusa na kaming nawala na parang bula sa sapa. Nasa salas na kami. "R-Rhys..." "Maligo ka na at itatapon ko na ang mga damit na may bahid na dugo para hindi malaman ni tatay." Mariin niyang utos sa akin. Sinunod ko siya. ** Nakauwi din si tatay ng alas nuebe ng gabi. Pilit kong kumilos ng normal sa harap niya. Parang wala akong ginawang mabigat na kasalanan. "May dala akong mga pasalubong!" Masayang sabi niya sa amin. "Pasensya na kung natagalan ako nakauwi. Mahaba din ang naging byahe ko. Pumunta kasi ako sa Batangas para asikasuhin ang Hotel and Resort doon." "Ayos lang po, tatay." Sabi ko. Sinabi na sa amin ni tatay tungkol sa lugar na iyon. Pagmamamy-ari daw ng tunay kong ama ang Hotel and Resort na iyon. Noong namatay din daw ang tunay kong ina, ay inihabilin niya kay tatay ang negosyo na iyon. Dahil bata pa ako, hindi ko pa pwedeng hawakan iyon. Kapag nasa tamang edad na daw ako, sabi ni tatay. Pilit kong kumain ng maayos. Pilit kong binubura sa aking isipan tungkol sa nangyari sa kanina. Kanina ay hindi agad ako makakilos dahil sa takot at sinisisi ko ang sarili ko. Kung nagawa kong kontrolin ang sarili ko, paniguradong buhay pa sila hanggang ngayon, kahit na inaaway nila kami ni Rhys. "Siya nga pala, bukas ay aalis tayo." Biglang sabi ni tatay. Tumingin kami sa kaniya. "Saan po tayo pupunta, tatay?" Malamig na tanong ni Rhys. "Sa Maynila. Dadalo kasi tayo ng party doon." Saka may ipinakita siya sa amin. "Inivitation." Nagkatinginan kaming dalawa ni Rhys. Invitation? Party? "Para saan ang party na iyon, tatay?" Ako naman ang nagtanong. "Business party. Kailangan ko kayong isamang dalawa dahil dala ninyo ang apelyido ni Ramael." Sagot niya. "Kayo ang magiging tagapagmana ng mga Black." Tagapagmana? Huh? Wala pa sa isipan ko ang ibig sabihin ng salita na iyan. Basta ang alam ko lang ay Lilith Rosemarie Black ang panglan ko habang si Rhys naman ay Rhys Corson Black. Pagkatapos namin kumain ni Rhys ay pumasok na kami sa loob ng kuwarto namin. Hindi ako makatulog. Nakatagilid akong natutulog. Pinagmamasdan ko ang bilog at maliwanag ang buwan sa harap ko. "Hindi ka rin ba makatulog?" Biglang tanong sa akin ni Rhys mula sa likuran ko. Gumalaw ako para bumangon. Itinagilid ko ang aking ulo para tingnan siya. "Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ko ang bagay na iyon." Pag-amin ko. Yumuko ako. Pinagmasdan ko ang mga palad ko. Hindi pa rin ako mapaniwala na sa pamamagitan ng mga kamay na ito ay magagawa ito kumitil ng mga buhay. "Ito ang magiging kapalaran natin, Lilith." Seryosong sabi niya. "Kahit anong kabaitan na pa gawin natin, hindi pa rin maaalis sa pagkatao natin ang gagawa at gagawa pa rin tayo ng masama." We've got special abilities. Pero kahit kailan ay ayaw ko sanang gamitin ang mga iyon sa kasamaan pero, hindi. Nakagawa pa rin ako ng matinding kasalanan. "Papaano natin mapipigilan iyon, Rhys?" Malungkot na tanong ko. "Control is the first step, Lilith." Sabi niya. Mas lalo ako naging malungkot. Sana tulad ko si papa. Kahit anong kasamaan niya ay nagawa niyang magbago...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD