9

924 Words
Chapter Nine "Anong kailangan mo? Bakit bumalik ka?" nakaangat ang kilay na tanong ko rito. "Tsk, pinalayas ako ni Mama." Nakasimangot na ani nito. "Pinalayas ka, kasi?" mataray na tanong ko rito. "Kasi hindi ako umuwi kagabi. Kasalanan mo." Ani nito sa akin. "Hoy! Anong kasalanan ka d'yan, ikaw itong nagpilit. Ipapaalala ko lang sa 'yo. Bukod sa feeling ka masyado, Cristo. Saka kung lumayas ka bakit dito ka dumeretso?" mataray na tanong ko rito. "Ikaw lang naman ang bestfriend ko rito." "What? Bestfriend? Ilusyonado. Kailangan pa kita naging bestfriend?" "Tanggapin mo na lang ako rito, may bestfriend ka na, may guard ka pa." "Yeah, right. Mukha ka naman talagang gwardya." "Tignan mo talaga 'yang ugali mo. Kapag kay Nicholas ang sweet girl mo, tapos sa akin kung Maka rebat ka wagas-wagas." Parungit nito. Ngumisi lang naman ako rito. "Pumasok ka na nga. May kaartehan ka ring taglay, eh." Pumasok na ito, nauna pa nga sa akin. Napailing na lang ako. Ang sarap tungkabin 'yong kuko. Akala mo kung sino, eh. "Lalabas ako mamaya. May night market dito, 'di ba?" nakangising tanong ko rito. "Oo, samahan na kita. Kahit lugaw lang ang ilibre mo sa akin mamaya." Ani nito. "Mayaman ka, 'di ba?" nakaangat ang kilay na tanong ko rito. "Sinong may sabi? Mukha lang akong mayaman pero hindi, 'no. Binato nga ako ni Mama kasi wala akong naiabot dito." Takang napatitig ako rito. Ako ba ginagago ng lalaking 'to. So, kanino 'yong maraming pera na dinukot ko rito noong nakaraan? "Tsk, tara na pala. Doon na lang din ako kakain ng hapunan." Ani ko rito. "Hindi mo ako idadamay?" tanong nito sa akin. "'Yong tira ko sa 'yo na lang." Ani ko dahilan kung bakit sunod-sunod itong nagreklamo. Nagsuot akong itim na jacket, tsinelas lang ang sapin sa paa dahil tiyak na basa pa naman ang lupa at kalsada. Short lang at puting tshirts sa ilalim ng jacket. Halos magkapareho lang naman kami ni Cristo dahil naka-jacket din naman ito. Panay ang reklamo ko nang magsiksikan na naman kami nito sa tricycle. "Mag-diet ka kasi." "Sa ating dalawa, sinakop mo na 'yong 3/4. Kung nasisikipan ka maglakad ka or habulin mo itong sinasakyan natin." "Tsk, sobrang sama talaga ng ugali nitong babaeng ito." Reklamo nito na ikinatawa ko. Nang marating namin ang night market, kahit katatapos umulan ay siksikan pa rin. Sa sobrang siksikan ay nagkahiwalay kami ni Cristo. Panay ang linga ko baka sakaling mahanap ito. Pero base sa hinala ko, baka nambababae na ito. Sa hilatya ng mukha nito mukhang gawain naman nito. Naglakad-lakad lang ako hangang marating ko ang pwesto ng kainan. Tiyak na makikita naman ako nito. Akmang o-order na ako nang mapansin ko ang pamilyar na mukha ng lalaki na nakabuntot sa isang magandang babae. Mabilis akong tumayo at sinundan ko ito. Kahit angat sa buhay ang lalaki ay nagpupunta rin pala ito sa mga ganitong pasyalan. Alam kong wala itong jowa, pero may kasama itong magandang babae. Halatang maarte dahil nakaalalay pa si Nicholas sa bawat hakbang nito. "It's so kadiri naman here. Bakit pa kasi ako sumama rito." Maarteng ani ng babae. "Stop it. Iiwan talaga kita rito." Masungit na ani ni Nicholas. "What ever grumpy Nicholas. Sasama na lang ako kina Jackelyn, she's there oh." Maarteng ani nito. Saka basta na lang iniwan si Nicholas. "Aray..." daing ko upang kunin ang atensyon ni Nicholas. Kunwari'y hindi magawang balansihin ang tayo. Hindi kalayuan kaya nakuha ko kaagad ang atensyon nito. "Are you okay?" takang tanong nito nang maalalayan n'ya ako. "O-oo." "What are you doing here?" ani nito na salubong ang kilay sa akin. "Nagpunta kami ni Cristo rito. Kaso hindi ko na s'ya nakita. Mukhang nambabae na naman." "That stupid guy, hindi ba n'ya naisip na delikado ang mag-isa ka." Ani ni Nicholas. HINAWAKAN KO SA kamay si Tatti na parang batang naligaw sa lugar na ito. Hindi ko talaga gusto ang Cristo na 'yon. Iba ang dating sa akin ng isang iyon. Kaya nga alanganin din ako na maiwan si Tatti sa taong iyon. You see, napaka-reckless. Wala rin naman sana ako rito. Ngunit nayayaya ako ng mga pinsan ko. Sila lang talaga dapat, pero makukulit kaya sinamahan ko na rin. Sinabi naman ng mga ito na kahit humiwalay na ako after ko silang maihatid sa part na ito. Kaya iyon ang gagawin ko. Hawak ko sa kamay si Tatti na tahimik lang. Halata namang hindi ito sanay sa ganitong lugar. Nang marating namin ang parte na medyo maluwag ay huminto na kami sa paglalakad. "Gusto mo bang kumain?" tanong ko rito. "Hindi pa, kakain din dapat kami ni Cristo pero hindi ko na s'ya makita." Reklamo nito. Ang nguso'y bahagyang nanunulis. "Let's go. Hanap tayo ng magandang pwesto." Ani ko rito. Nang makapwesto kami nito ay saglit itong nagpaalam na magbabanyo. Hindi naman kalayuan at abot tanaw ko lang ito. Pumasok ito sa banyo. Saktong lumapit ang server at ibinigay ko na rito ang order naming dalawa. Isang malakas na tili ang umagaw nang atensyon ko at ng mga tao sa paligid. Mabilis akong tumayo at tinakbo ang banyo na kinaroroonan ni Tatti. Hindi ako nag-alinlangan na pumasok doon. Inabutan ko itong tulala at nakatitig sa nakabukas na cubicle. "Tatti?" ani ko rito. Nanginginig ang kamay na itinuro nito ang loob. Humakbang ako palapit at sunod-sunod na kumawala ang malulutong na mura nang makita ko ang isang babae na nakaupo sa cubicle. Nagkalat ang dugo sa buong cubicle at ang mas lalong nagpatindig sa aking balahibo ay ang pamilyar na suot ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD