Chapter 10
"P-pagbukas ko ng p-into, n-akita ko 'yan." Kinabig ako ni Nicholas at mahigpit na niyakap. Nang makaresponde ang pulis ay mabilis na akong iginiya nito palabas. Kukunin pa ang statement ko kaya nanatili kami sa labas.
"That's my cousin, officer." Ani nito sa pulis. Tumango-tango ang pulis.
"Naitawag na namin ito sa Lolo mo, Sir. Kami na ang bahala." Ani ng pulis.
Napansin nito na nanlalambot ako kaya naman binuhat na ako nito patungo sa karendirya na pinwestuhan namin kanina. Agad itong nanghingi ng tubig at ipinainom sa akin.
Napahikbi na ako sa labis na takot, hindi rin maiwasang manginig ang kamay at tuhod. Kaya naman nang matapos akong uminom ay muli ako nitong niyakap.
"Relax, magiging maayos din ang lahat." Ani nito na pinahid ang luhang umalpas sa mata ko.
"I'm so scared." Umiiyak na ani ko. Saktong lumapit ang ibang kaanak ni Nicholas na kasama ng babaeng natagpuan kanina sa banyo.
"Kuyaaa..." umiiyak ang mga ito. Kaya naman agad na tumayo si Nicholas at niyakap ang mga ito.
"Papunta na si Daddy at ang Daddy ni Nicki." Ani ng isa.
"Stop crying. Mas mabuti pang dito lang kayo. Hintayin na natin sina Uncle." Binigyan naman ng upuan ang mga ito ng may-ari ng karendirya. Iyak pa rin sila nang iyak. Mas exciting siguro kung ako ang maging reason nang pag-iyak nila.
Sa totoo lang, arte ko lang 'yong pag-iyak kanina. Pero aaminin kong na shock ako sa inabutan ko sa banyo. Agad na pumasok sa isip ko na iwasan ang gulo, baka madawit ako lalo't hindi naman ako ang may gawa.
Umupo sa tabi ko si Nicholas. Lalo't lumapit ang isang pulis sa akin at nagsimulang magtanong. May kasama pa itong isang lalaki na tiyak kong kaanak din nila Nicholas.
"Nakita mo ba kung may lumabas. Sa part na iyon ay walang CCTV. Baka may maibigay kang lead." Ani ng pulis. Masyadong mahina sa interrogation ang isang ito.
"Wala po. Ako lang po 'yong tao roon, saktong pagbukas ko ng pinto ay iyon agad ang tumambad sa akin."
"Kung ikaw lang ang tao roon, bakit kailangan mo pang magtungo sa ika-apat na cubicle?"
"'Yong unang cubicle po kasi may tae, 'yong pangalan po pati 'yong upuan may ihi, 'yong pang-apat po obvious naman na inapakan, kaya plan kong sa pang-apat na lang." Hindi ko alam kung tatangapin ng mga ito ang reason ko. Pero sapat naman na ang reaction ko kanina saka ang makukuha lang naman na finger print ko ay 'yong doon sa hawak ng pinto no'ng buksan ko.
"Hija, may kasama ka ba na pwedeng maghatid sa 'yo pauwi?" tanong ng pulis.
"Ako na ang bahala sa kanya, officer."
"Hijo, mas mabuti sigurong umuwi ka na. Hindi ligtas ngayon ang sitwasyon natin." Ani ng Uncle nito.
"She's my friend, Uncle. Hindi madali para sa kanya ang mag-isa." Ani ni Nicholas.
"Isama mo na sa bahay ninyo. Naghihintay ang Mommy mo sa 'yo. Ako na ang bahala sa mga pinsan mo." Ani ng Uncle nito.
"Sure, uncle. Ako na po ang bahalang magpaliwanag kina Mommy." Tumango ang matanda saka niyaya na ang officer. Mukha naman nang kampanti ang mga pinsan nitong babae dahil mas dumami pa ang kasamang bodyguard.
May kasama rin kaming bodyguard. Mukhang normal naman na ulit ang takbo sa night market. Parang walang krimen na nangyari.
"Si Cristo." Ani ni Nicholas, sinundan ko ang itinuturo nito. Nakita ko si Cristo na may kausap na bakla. Tama ang hinala ko, dumiskarte ito. Hindi nga babae, pero bakla naman. Inabutan pa ito ng pera. Saka umalis ang baklang kausap nito. Pinalo pa nga ng gunggong ang pwet bago pa ito makalayo.
"Tawagin natin?" tanong ko rito.
"No, tara na." Nagpatianod lang naman ako. Mahigpit nitong hawak ang kamay ko.
"You can relax now." Ani nito sa akin saka ako pinagbuksan ng pinto sa passenger seat. Ito pa ang nagsuot ng seatbelt ko. Saka isinara ang pinto. Ang mga nakasunod na bodyguards kanina ay sumakay na rin sa kabilang sasakyan, umikot naman si Nicholas patungo sa driver seat.
"Sa bahay ka na muna."
"T-hank you." Pilit ang naging ngiti nito. Tiyak na apektado ito sa nangyari sa pinsan nito.
Narating namin ang bahay ng mga Monteleban na wala kaming imikan. Nakaalalay ito sa akin nang pumasok kami sa mansion.
Nanlalamig ang katawan ko. Tiyak na iisipin ng mga ito ay dahil iyon sa nangyari, but no, dahil sa masamang nakaraan na nagfla-flashback sa akin ngayon.
Una kong nakita ang matandang pababa ng hagdan. 'Yong angas nito noong huling kita ko rito ay nasa mukha pa rin nito kahit matanda na s'ya.
Humihigpit ang hawak ni Nicholas sa palad ko. Ramdam siguro nito na nanlalamig ang kamay ko.
"Naitawag na ng uncle mo ang pagdating ninyo. Naipahanda ko na rin ang silid n'ya." Ani ng ginang na may maamong mukha na s'yang kasunod ng matanda.
"Thanks, Lola. Si Mommy po?"
"Nasa kwarto na n'ya. Sumakit na naman ang ulo."
"Kumain na ba ang bisita mo?" sinulyapan ako ni Nicholas.
"Hindi pa po."
"Pakainin mo muna." Mahinhin ang tinig na ani nito. Napangiti ako ng bahagya at nagpasalamat.
Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas na kontrolin ang sarili ko na sugurin ang dalawang ito.
Pero siguro nakatulong din ang pagkakahawak ni Nicholas sa kamay ko.
Nang igiya ako nito patungo sa dining room pasimple kong tinignan ang matanda. Edad lang ang nagbago rito, pero 'yong bagsik nang pagiging demonyo ay nasa aura pa rin nito.
First step, done. Napasok ko na ang buhay ng mga Monteleban sa tulong ng walang kamuwang-muwang na lalaking ito.
Hindi ko alam kung nakita ni Nicholas ang nakakatakot na ngiti na pasimpleng gumuhit sa labi ko. Pero nagbubunyi ako sa pagkakataong ito.