Chapter Eight
Naramdaman ko ang marahang paghaplos sa hita ko. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Nanatili akong nakapikit. Alam kong magkaibang palad na ngayon ang humahaplos. Mula sa aking hita, paakyat…patungo sa aking dibdib.
Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Tumambad ang may kalabuang mukha ng mga ito.
"I'll fvck you hard." Ani ni Nicholas. Naririnig ko lang ang tinig n'ya ngunit hindi ko alam kung saan sa dalawang malabong mukha ito.
Madilim pa, kaunting liwanag lang sa lamp shade ang tanglaw naming tatlo.
May humihila ng suot ko. Imbes na tabigin ay hinayaan ko lang ito at tinulungan pa.
"Matatawag mo ang lahat ng santo kapag ako na ang bumayo." May sumapo sa dibdib ko, sa gitna ko. Napadaing ako, kasunod nang malakas na kidlat dahilan para mapabalikwas ako. Tang*na, ang aga namang natapos nang panaginip ko.
Maaga na. Pero patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Simula na naman ang pag-arte. Kunwari'y iika-ika ako nang lumabas ng silid. Tumambad sa akin ang dalawang gwapong lalaki sa sala ng bahay ko.
Magkayakap. Parehong hubad…shit, baka naman sila ang gumawa nang milagro? Nanlalaki ang mata ko, saktong nagising ang mga ito na waring allergic sa isa't isa kaya mabilis na lumayo. Parehong kipkip ang kumot at itinatakip sa dibdib nila.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong agad ni Cristo na agad dinampot ang t-shirt nito saka isinuot iyon. Ah, may shorts pa naman pala. Akala ko kasi hubadero ang mga ito.
"Bumuti na. Talagang hindi kayo umuwi, ha." Ani ko na sumulyap sa bintana."May bagyo ba?"
"Yeah, kapapasok lang ng bagyo." Si Nicholas ang sumagot. Well, sa dalawang ito mukhang mas may alam naman si Nicholas kaysa kay Cristo. Si Cristo kasi 'yong tambay-pogi, ganern. Lumapit pa si Cristo at basta na lang akong binuhat. Feel na feel ko 'yong abs ng loko.
"Kaya ko naman nang maglakad." Ani ko rito. Ngunit hindi ito nakinig.
"Ako ang magluluto ngayon." Ani ni Cristo. Umupo naman sa tabi ko si Nicholas na abala sa phone nito.
"May signal pa?" mahinhin ang tinig na tanong ko rito.
"Yes." Maya-maya pa ay pumailanglang ang news report sa cellphone nito.
NEWS REPORT: Isang bangkay na naman ang natagpuan kaninang alas-5, kasagsagan ng buhos ng ulan sa sapa ng San Juan…" isinaad ang detalye ng report.
"Bakit maputik dito?" takang tanong ni Cristo sa pinto palabas ng kusina. Paglabas ng pinto ay ang daan patungo sa likurang parte ng bahay.
Pinagpatuloy ko ang pakikinig sa balita.
"Sa pagkakataong ito, binalatan ang mukha ng biktima, tahi ang p********e at mahigit na dalawang daan na karayom sa iba't ibang parte ng katawan nito." Tumayo si Nicholas at tinignan na rin ang sinasabi ni Cristo.
"Bakit bukas itong pinto? Lumabas ka ba?" tanong ni Nicholas kay Cristo.
"Hindi, saka mas nauna akong natulog sa 'yo." Ani ni Cristo na kumuha na ng panglinis at sinimulang linisin iyon.
"Naisara mo ba ang pinto rito?" tanong ni Nicholas sa akin.
"Oo, tiyak kong naisara ko 'yan." Nasa tinig ko ang pagtataka. Ini-off na ni Nicholas ang phone nito kaya hindi na natapos ang balita.
Itlog, pancit canton at hotdog ang inihanda nito. Samahan pa ng tinapay. Wala namang reklamo si Nicholas. Nang matapos kumain si Nicholas na ang naghugas ng pinggan. Si Cristo kasi ay kailangan umuwi dahil tumawag ang nanay nito.
"Magtatagal kaya ang bagyo?"
"Hindi naman. Pero pwede bang dito muna ako?" tanong ng binata.
"Sige, wala namang problema sa akin." Ani ko rito. Nawalan ng kuryente, wala na ring signal.
Pansin ko ang pagkaalerto ni Nicholas simula pa kanina.
"Are you okay?" tanong ko rito. Hapon na naman, kagigising ko lang at inabutan ko itong panay ang silip sa bintana.
"Y-eah." Tipid na ani nito. Iika-ika akong nagtungo sa kusina. Kailangan kong magsindi ng kandila dahil madilim na kahit hapon pa lang naman.
Sumunod ito sa akin.
"May bumabagabag ba sa 'yo?" takang tanong ko rito.
"Pinsan ko 'yong natagpuang patay kaninang alas-5 ng umaga."
"Ano? Sigurado ka?" takang ani ko rito. Tumango naman ito saka naupo sa upuan."N-akakatakot…" bahagya pang nautal na ani ko rito.
Dama ko ang pagsunod nang tingin nito sa akin. Sinadya ko talagang magpalit ng damit. Kahit malamig ay nagbestida ako na malambot lang ang tela. Hindi pa rin nakalimutan na dapat iika-ika ako. Yumukod ako para kunin sa lower cabinet ang kandila.
Mahinang napamura ang lalaki. Alam ko kung bakit, nakita nito ang underwear ko. T-back, kaya tiyak na nabigyan ko ito ng good show. Imagine, bigla na lang tutuwad sa harap mo tapos impyero ang makikita...chos, pina-wax ko na 'yan bago pa ako nagtungo rito. Sabi ni Pluma, i-enjoy ko lang daw ang misyon ko. 'Yon naman talaga ang balak ko.
Nang makuha ko ang kandila ay umayos na ako nang tayo. Ramdam ko pa rin ang pagsunod nito nang tingin.
Nang sulyapan ko ito ay mahinhin kong nginitian.
"Ano sa tingin mo ang reason bakit ginawa sa pinsan mo 'yon?" tanong ko rito. Saka bahagyang iginitna ang kandila sa mesa. Kinailangan ko pang yumukod para maigitna iyon.
Saka mapang-akit na tinitigan ito. Alam kong ngayon ay na realize na nito na wala akong suot na bra sa suot kong bestida. Pero umarte ako na normal lang ang lahat.
Saka naupo sa bakanteng pwesto katapat nito. Tanging mesa lang ang harang sa pagitan namin.
Dinampot nito ang lighter at pinaglaruan iyon.
"Hindi ko alam. Ayaw nga ni Lolo na umuwi ako sa lugar na ito. Pero gusto ko ring tumulong sa investigation."
"Pulis ka?" tanong ko rito.
"Nope."
"Kung delikado rito, dapat hindi ka na umuwi."
"Hindi naman pwedeng naaagrabyado ang pamilya ko. Hahanapin ko ang may gawa no'n." Buo ang loob na ani nito.
"Nagpunta ako sa lugar na ito na katahimikan ang nais. Hindi naman siguro ako madadamay sa serial killing na nangyayari, 'no? Hindi naman magaganda ang target, 'di ba?"
Bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi ni Nicholas.
"Yeah." Aliw na ani nito.
"Close ka ba sa pinsan mong namatay?"
"Nope." Tipid na sagot nito. Tumango-tango naman ako.
"I see."
Bahagyang tumila ang ulan.
"Umuwi ka kaya muna." Ani ko rito. Nag-angat ito nang tingin.
"Hindi ako comfortable na iwan kang mag-isa." Ah, may pagka-gentleman naman pala.
"Hindi mo naman ako responsibility, saka sanay akong mag-isa." Ani ko rito na ngumiti pa.
"Are you sure?"
"Ibigay mo na lang ang number mo sa akin, in case kailangan kita tatawagan na lang kita." Tumango naman ito. Iniabot ko ang phone ko rito saka ito tumipa.
Nang ibalik nito ay isinave ko muna iyon.
"Umuwi ka na. Habang tumila ang ulan. Ingat ka." Tumango ang lalaki. Sa pintuan ko lang ito inihatid. Isinara pa nito ang gate saka sumakay sa kotse nito.
Saktong umusad na ang sasakyan, natanaw ko naman si Cristo na patungo rito.
Ano naman kayang kailangan nito?