bc

TATIANA : The Seducer

book_age18+
9.0K
FOLLOW
42.6K
READ
revenge
dark
manipulative
drama
tragedy
bxg
scary
tortured
punishment
wild
like
intro-logo
Blurb

FREE LANG PO ITO.

Kitang-kita n'ya kung paano pinahirapan ng mga demonyo ang kanyang pamilya. Binugbog, pinahirapan at sa huli'y sinunog. Sa edad ni Tatiana na pito ay tumatak na sa kanyang isipan ang masakit na pangyayaring iyon sa kanyang buhay.

Sa kanyang pagtakas sa lugar nang Santa Estrella baon n'ya sa alaala ang masamang alaala, na ginamit n'ya upang buuin ang katauhan katatakutan ng lahat. Nabuo ang isang plano para sa pamilyang dahilan kung bakit nawala ang kanyang pamilya. Isang paghihiganting aabot sa puntong gagamitin n'ya ang katawan magawa lang ang paghihiganting inaasam.

chap-preview
Free preview
1
Chapter One "Anakkkkkk..." malakas na hiyaw ng isang ginang habang nakaluhod sa harap bangkay ng isang dalagang nakasabit ngayon sa bakod. Umaagos pa ang dugo sa katawan ng babae na waring paubos na dahil sa kulay ng katawan nito ngayon. Nagkakagulo ang mga usyusero. Pero wala namang nagbalak na tumawag ng pulis. Sige lang ang mga ito sa pagkuha ng video at larawan. Ang ginang na waring mawawalan na ng ulirat ay akmang tatayo at lalapit sa anak nitong nakasabit nang mabilis itong napigilan ng mga kaanak. Mukha silang mayayaman. Sa kinang pa lang ng suot na alahas, kutis at kasuotan ay makikita mo na agad kung saang estado ang mga ito nakapwesto. "Ang anak ko, mga hayoppppp!" saka lang ako nakarinig nang humiyaw at sinasabing tumawag ng pulis. Tumawag ng pulis? Pero nanatili pa rin namang nagvi-video sa kalunos-lunos na sinapit ng dalaga na dilat pa ang mata dahil sa toothpick na nakatukod doon. Nakakakilabot. Pero para sa akin, normal na tanawin iyon. Bahagya akong umalis sa grupo ng mga tsismoso na nakatanaw sa kaganapan. "Pumasok ka na po, Seniorita Tatiana sa sasakyan." Ani ng driver kong si Mang Tomas. Ito ang sumundo sa akin at maghahatid sa bahay na nabili ko sa lugar na ito. Pinagbuksan ako nito ng pinto sa backseat. Bago pa ako sumakay ay sinipat kong muli ang umpukan. Sana lang may tumawag na ng pulis. Sa itsura kasi ng mga taong ito ay hihintayin pa atang mangamoy bago nila itawag sa pulisya. Isinuot ko ang aking sunglasses saka eleganteng sumakay ng sasakyan. Nang isara ng driver ang pinto ay nakuha ko pang sulyapan ang umpukan hangang sa umusad na ang sasakyan. "Pang-ilan na rin po iyan. Sa tingin ko nga po ay hindi magandang idea na pumunta kayo rito sa Santa Estrella. Nakakakilabot po ang baryong ito. Dapat sa ibang bayan na lang kayo bumili ng bahay." Ani ni Mang Tomas ngunit nanatiling tikom ang aking bibig. "Noong nakaraan po ay putol-putol na bangkay ng apo ng kagawad dito ang natagpuan. Ngunit binuo ang katawan gamit ang alambre. Ang mga pinutol-putol na bahagi ay tinahi gamit ang alambre." "Demonyo..." usal ko na tiyak na narinig naman nito. "Tama po kayo, demonyo nga ang may gawa. Siguro rin po mas maganda kung gusto n'yo talagang manatili rito sa Santa Estrella ay magkaroon na rin po kayo ng bodyguards bukod sa akin." "Natatakot ka bang mangyari rin iyon sa 'yo?" hindi pa rin tumitingin sa bahagi ng driver seat ang tingin ko. Nasa labas ng bintana ang tingin ko, sa ngayon ay kulay green na kapaligiran. "Lahat naman po ay takot. Patuloy po ang demonyo sa paghahasik ng kademonyohan dito sa Santa Estrella." "Ano ang sabi ng pulis?" tanong ko rito. "Wala pa ring hint ang mga pulis. Parang kahit sila ay takot na rin." Ani nito. "Wala kang dapat ikatakot, Mang Tomas." Mahinhin ang tinig na ani ko rito."Baka kaya nangyayari iyan ay dahil sa kasalanan din nila mismo." "Pero mali pa rin po ang ganoong paghihiganti kung nagkaroon man ng kasalanan sa kanila." "Sa kahit anong angulo tignan, mali ang maghiganti. Pero hindi rin ninyo masisisi ang mga tulad nila. Kung may mga gumagawa naman ng ganoon, kanya-kanya na lang din sila ng rason." Hindi na nagkumento ang matanda. 30 minutes pang byahe ay narating namin ang pinakabaryo. Agad na nagsipaglabasan ang mga tao sa kanilang mga bahay na waring isang malaking balita ang paghinto ng sasakyan ko sa tapat ng bahay na bato na aking nabili. Nasa mukha nila ang kilabot na binalewa ko lang naman. "Wala po akong nakuhang kasambahay na pwedeng magtrabaho sa inyo." Ani ni Mang Tomas. Expected ko naman iyon kaya tumango lang ako rito. Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Habang abala si Mang Tomas sa pagbababa ng mga maleta ko ay pinagmasdan ko naman ang bahay na bato na tauhan ni Lady A ang naglinis para sa pagdating ko. Sa kanya na lang din siguro ako hihingi ng kasambahay. Sarili ko lang ang kaya kong alagaan. Hindi ang ganitong kalaking bahay na ngayon ay tutuluyan ko. "Tara na po sa loob." Ani ni Mang Tomas. Ngumiti ako rito. Mahinhin pa rin ang kilos. Hirap na hirap ang matanda sa paghihila sa mga maleta. Iniwan pa nga nito ang isang maleta at ang tatlo ay ang hinila nito papasok. Hinila ko na lang din ang isa pa, bago pa makapasok ay muling iginala ko sa paligid ang tingin. Nasa mukha pa rin ng aking mga kapitbahay ang takot at pag-aalala. Pagpasok ko sa gate ay muli kong pinagmasdan ang bahay na bato. Iyon ang tawag ng mga tao rito. Kung para sa mga taong nakapaligid ay nakakakilabot ang bahay na ito, sa akin ay hindi. Mukhang magkakaroon ako ng katahimikan sa lugar na ito. Bahagyang gumuhit ang ngiti sa aking labi. "Tiyak po ba kayo na ayos lang na mag-isa kayo sa lugar na ito?" worried na tanong ng matanda. "Ayos lang po. Maraming salamat sa paghatid. Bumalik na po kayo sa siyudad. Mag-ingat po kayo." Ani ko sa matanda. Papadilim na kaya nakita ko sa mukha nito ang pag-aalinlangan. "Sige po." Napangiti ako sa naging tugon nito. Nang tumalikod ito ay pinanood ko lang ito. Kahit nang isara na nito ang gate, at nang marinig ko ang tunog ng sasakyan papalayo ay nanatili pa rin ako roon. Saka lang humakbang papasok nang makatiyak na wala na ang matanda. Gumuhit ang ngisi sa labi ko nang tumambad ang itsura ng loob. Lumang-luma na. Ngunit malinis na malinis. Natatakpan pa ng kulay puting tela ang mga muebles. Kahit ang sofa, lamesa at kung ano-ano pa. Binuksan ko ang ilaw sa sala. Agad na kumalat ang liwanag sa paligid. Ipinaayos na ni Lady A and ilaw at kuryente. May magagamit na ako sa pagdating ko rito. Kahit nang magtungo ako sa kusina, luma na pero malinis. Ang mga bagong gamit na iniutos kong ilagay roon ay nakaayos na. Ang mga cabinet ay puno ng stocks, kahit ang refrigerator ay punong-puno ng laman. Nang mapansin ko ang naka dikit sa pinto ng refrigerator ay tinignan ko agad iyon. "Good luck, Tatti." - Mercedes.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerous Spy

read
310.2K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
32.6K
bc

EASY MONEY

read
178.4K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
33.8K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
16.2K
bc

YOU'RE MINE

read
901.2K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
199.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook