24

800 Words
Chapter Twenty-four Mahigit ang hawak ni Nicholas sa kamay ko. Hindi raw ito panatag na maiwan akong mag-isa. Lalo't sinabi ko rito kanina na may lumapit sa akin kanina sa palengke na tauhan ni Mayor Paul Monteleban. Isinama ako nito sa mansion ng mga Monteleban. Mag-uusap daw ang buong pamilya tungkol sa nangyayari sa pamilya nila. Halata sa mukha ng mga ito ang discomfort. Sinong mapapanatag kung halos isa sa bawat member ng family ng mga ito ay patay na. Hindi na nga rin ako pinakilala ni Nicholas sa mga ito. Umupo na lang kami sa couch habang hawak pa rin nang mahigpit ang kamay ko. "Stop looking, Dad. She's my girlfriend." Natahimik ang lahat sa tinuran ni Nicholas. Kanina ko pa napansin ang pagtitig ng ama nito. Kaya napatingin ang lahat sa amin. "Who is she?" tanong ng isa sa Auntie ni Nicholas. "She's my girlfriend, Tatti." Ani ni Nicholas na buong-buo ang loob na sabihin iyon. Ngumiti ako sa mga ito. Mas okay nang ipakilala na girlfriend kaysa fvck buddy. Nagsalubong ang kilay ng ama nito. "Sayang…" makahulugang ngumiti ito sa akin. Pero kalmadong-kalmado lang naman ako. Hindi marunong rumespeto ang matanda. Kahit pa nasa harap ng mga kaanak nito at ng mismong anak nito ay iba ang titig nito sa akin. "Lolo, bakit sandamakmak na ang bodyguards ko. Hindi ko naman kailangan iyon. I'm so mabait kaya." Ani ng pinsan ni Nicholas. "Anji, it's for your protection. You need to listen to us." Ani ni Sigfrid Monteleban sa apo nito. Nag-rolled eyes lang ang babae sa Lolo nito. "S'ya, s'ya ang pumapatay." Napakislot ako sa labis na gulang nang bigla na lang humiyaw ang nanay ni Nicholas na tumatakbo pababa ng hagdan."Mamamatay tao s'ya." Tili pa nito sabay turo sa matandang Monteleban. "Relax." Ani ni Nicholas sa akin. Tumango naman ako rito. Mabilis na humabol ang mga nurse at tinurukan ang babae ng syringe saka ito nawalan ng malay. "Sorry for that." Ani ni Paul na sa akin nakatitig. Mula pa kanina ay nakatitig na ito. Bahagya akong dumekwatro. Lagpas tuhod ang suot kong bestida pero dahil nakaupo ako bahagyang umiksi iyon. Sumunod ang tingin nito sa legs ko. Bahagya akong napangisi nang lumunok ito. Pero umarte pa ring inosente. Nang si Sigrid Monteleban ang balingan ko nang tingin ay sa legs ko rin pala ito nakatitig. "Back to the topic." Iretableng ani ni Nicholas. Saka nito hinubad ang coat nito at ipinatong sa hita ko. Tiyak na nakita rin nito ang pagtitig ng Lolo at Tatay nito sa hita ko. "Yeah, you're right." Ani ng matanda. Tama lang na nandito ako. Naririnig ko ang lahat ng plano ng mga ito. "Nasaan si Megan?" tanong ng isa sa uncle ni Nicholas. "Kasama ko s'ya kanina, Uncle. Nagpahatid s'ya sa salon. Iniwan ko s'ya roon with her guards." Ani ni Nicholas. "Matigas din talaga ang ulo ng batang iyon. Alam namang delikado ang sitwasyon ay nakuha pang magpa-salon." Sarcastic na ani ni Sigfrid. "Lolo, akala ko ba powerful kayo rito sa Santa Estrella? Bakit ginaganito ang family natin?" ani ng dalagitang nakaangat ang kilay. Halata sa mukha ang kaartehan. "Don't worry, Hija. Maaayos ko rin ito. Ipinapahanap ko na ang gumagawa no'n." "Baka naman bago n'yo pa mahanap ay patay na kaming lahat." Sarcastic nitong tugon at inirapan ang matanda. Siguro nga. Tumunog ang telephone na nasa tabi Senior Sigfrid Monteleban. Ito na ang dumampot no'n. "What?" napatingin kaming lahat. Nasa mukha nito ang galit habang nakikinig sa usapan. "Patay na raw si Megan." Galit na ani nito. Ang uncle ni Nicholas na ama ni Megan ay shock agad ang lumarawan sa mukha nito. Humigpit ang hawak ni Nicholas sa kamay ko. Ang Mommy ni Megan ay nagsimulang mag-hysterical. Nag-iyakan ang mga pinsan ni Nicholas. "Let's go, aalis na tayo ng Santa Estrella." Ani ng Auntie ni Nicholas na hinila na ang dalawang anak. "Walang aalis." Galit na ani ni Sigfrid Monteleban. "Anong wala? Hihintayin ko pa bang mapatay lahat ng anak ko? Nawala na si Gretch sa amin. Hindi ko hahayaang masaktan pa ang natitirang anak ko." Hiyaw ng ginang. "Walang aalis." Ulit ng Senior. Lumapit ang mga bodyguard saka sapilitang hinila ang tatlo at pwersahang ipinanhik ng hagdan. "Nicholas, pwede bang umuwi na ako. Masyado ng personal ang nangyayari." Bulong ko kay Nicholas. "No, mas ligtas ka sa tabi ko." Mariing ani nito sa akin. Kitang-kita ko ang galit sa mukha nito. Nang tumayo ito ay napatayo na rin ako. Naramdaman ko pa ang pagsunod ni Senior Sigfrid at Paul nang tingin sa akin. Bahagya kong ipinitik ang balakang ko habang naglalakad palayo. Maulol kayo. Pero bago n'yo ako matikman, uunahan ko na kayo. Papatayin ko kaya kagaya ng kasalukuyan ginagawa ng taong iyon. Siguro dapat makilala ko na iyon para magsanib pwersa na kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD