Chapter Twenty-three
"Tatti..." sinulyapan ko si Cristo na s'yang may bitbit ng mga plastic na pinamili ko. Nandito kami sa palengke at namimili ng mga kailangan ko sa bahay.
Tinawagan ko ito at sinabi kong kailangan ko ng kasama sa palengke.
"Oh?" tanong ko rito na bahagya lang sumulyap at pinagpatuloy ang pagpili sa kamatis.
"Anong plano n'yo ni Nicholas?" hindi na ako nagtaka na magtatanong ito. Chineck ko ang surveillance ng bahay. Nakita ko itong akmang pabalik pero kusang umatras nang makita ang ayos namin ni Nicholas sa kusina.
"Plano? Wala naman. Bakit?"
"Masyado kang reckless. What if ginagamit ka lang n'ya?" ani nito sa akin. Tuluyan ko itong hinarap.
"It's a tie. Ginagamit ko lang din naman s'ya." Pabirong ani ko rito. Pero iyon naman ang totoo.
"Bakit? Bakit kailangan mong gawin iyon?" ngumisi ako saka muling yumuko at namili ng kamatis.
"Ine-enjoy ko lang naman. After all, wala naman akong inaapakang ibang tao." Ani ko rito."Ate, isang kilo po." Ani ko sa tindera. Nang maikilo iyon at dinagdagan ng ilang piraso ay binayaran ko na. Saka ko ipinasa kay Cristo.
Bumuntonghininga ito na waring binabagabag ito sa ugnayan ko kay Nicholas.
"May alam ka ba tungkol kay Nicholas na dapat kong malaman para iwasan ko na s'ya?" tanong ko rito.
"Mahirap maugnay sa taong iyon." Ani nito sa akin.
"Bakit nga?"
"Demonyo ang pamilya n'ya. Baka nga alam n'ya pero tikom lang ang bibig n'ya."
"Mukha namang okay si Nicholas. Saka t**i lang naman n'ya ang gusto ko sa kanya."
"Napakabalahura mo talagang babae ka." Inis na ani nito na ikinabungisngis ko.
"Alangan naman 'yong mana n'ya? Dah, mas marami pa akong pera sa kanya."
"Talaga? Pautang!" ani nito sa akin.
"Kaso nasa bangko pa. Punta ka roon, dala ka baril at bomba." Napasimangot ito saka ako inakbayan at hinila na paalis sa pwesto ng kamatis.
"Manga!" excited na ani ko nang makita ang manga.
"'Wag ka nang bumili n'yan marami sa bahay. 50 lang per kilo." Mapino ko s'yang kinurot dahilan para mapangiwi ito. Binawasan lang nito ng 5 pesos.
"Dito na lang ako bibili." Ani ko rito.
"Tsk, support naman sa business ko. Ang sama ng ugali mo talaga."
"Tsk, tiyakin mo lang na may manga kang maidadala." Ani ko rito saka nilampasan ang tindahan ng manga.
"Andyan sina Mayor." Excited na sabi ng isang tindera. Sinulyapan ko si Cristo. Bahagyang umigtin ang panga nito na waring galit.
"Bakit?" tanong ko rito.
"Isa pang demonyo 'yan. Nang dahil sa kanya namatay si Tatay."
"Ha?" hindi lang pala basta pagkainis ang nararamdaman ng lalaking ito.
Mayor Paul Monteleban. Nakita ko na ito, kinailangan talagang gumilid ng lahat dahil nakasakay ito sa magarang kotse na bukas ang bubong kaya ito nakatayo at kumakaway.
Hinila ko si Cristo upang gumilid dahil mukhang walang balak na gumilid ng loko. May mga tindera pa na nagkukumahog na maigilid ang paninda nila upang makadaan ng matiwasay ang sasakyan.
"Mahal kong kababayan." Nagtama ang tingin naming dalawa ni Paul. Nakita ko pa ang bahagya nitong pagsinghap habang nakatitig sa akin. Saka ito bumulong sa tauhan nito.
Pansin ko ang pagtango ng lalaki at mabilis na pagbaba nito.
Nakalagpas na ang sasakyan sa tapat namin nang lumapit ang lalaki sa pwesto namin ni Cristo. Mabilis na ginagap ni Cristo ang palad ko at akmang hihilain na palayo pero hindi ako nagpatinag sa kinatatayuan ko.
"Miss...pwede ka bang makausap sandali lang?" tanong nito sa akin.
Nagsimulang magbulungan ang mga kalapit namin nang marinig ang tanong ng tauhan ni Mayor.
"Talk now." Ani ko rito. Bahagya kong pinisil ang kamay ni Cristo upang kumalma ito.
"Maaari ka raw bang imbitahan ni Mayor?"
"No." Tugon ko rito saka ako na ang humila kay Cristo na mukhang nakahinga nang maluwag sa sinabi ko.
Sinulyapan ko si Cristo na bahagya nang nangiti.
"Good job." Ani nito sa akin. Binili na lang namin ang kulang saka kami umuwi.
Tori notified me na may sumusunod sa akin na hinayaan ko lang naman.
Iyon naman talaga ang plano ko, ang paikutin ang mga ito. Mukhang nakuha k ko ang interes ng tatlong Monteleban, si Nicholas, Sigfrid at Paul.
"'Wag mong kalimutan ang manga ko, ha." Bilin ko kay Cristo na bahagya pang ginulo ang buhok ko at tumango-tango.
Nang umalis na ito ay tiniyak kong sarado ang pinto saka ako nagtungo sa kusina upang ayusin ang mga pinamili ko.
Nang tumawag si Nicholas ay nagsabi itong dito ito manananghalian kaya naman kinailangan kong magluto ng ulam at magsaing ng kanin.
12:30 dumating ito. Parang pasan ang mundo.
"Anong nangyari sa 'yo?" takang ko rito.
"Parang araw-araw na lang may namamatay." Himutok ni Nicholas na sabunot ang buhok.
"Mayroon na naman?" takang ani ko rito. Hindi pa naman ako kumikilos, ah.
"'Yong secretary ni Papa, ni Mayor Paul Monteleban natagpuang patay sa ilong."
Shock ang lumarawan sa mukha ko. Of course, kilala ko iyon. Bago pa ako nagtungo rito ay kinilala ko muna ang mga tao sa buhay ng mga Monteleban. Kaya kilala ko ang secretary na tinutukoy nito.
Iyon 'yong lalaki na lumapit sa amin ni Cristo kanina. Iyon din 'yong lalaking sinabi ni Tori na sumusunod sa amin kaninang pauwi kami.