25

787 Words
Chapter Twenty-five Hindi pa man natatapos ang araw na ito, natagpuang patay sa silid ng mansion na ito ang isa na namang apo ni Sigfrid Monteleban. Pinaglaruan ang katawan nito na inabutan ng isa sa Auntie nito sa karumaldumal na ayos. Nagkagulo ang lahat. Habang ako ay kampante lang na nakahiga sa kama ni Nicholas. Tulog na tulog ito sa aking tabi at bahagya pang naghihilik. Nagkakagulo ang lahat pero itong lalaki sa tabi ko ay nakuha pang umisa sa akin. Nang magsimulang gumalaw ang lalaki na waring nananaginip ay mabilis ko itong tinapik at ginising. Pawis na pawis ito at habol pa ang kanyang hininga. "Nicholas?" worried na sinapo ko ang pisngi nito. Napasinghap ako nang bigla ako nitong yakapin. "Sanay akong mag-isa, tuwing sumasagi sa isipan ko ang masamang panaginip na 'yon sobrang bigat ng dibdib ko. Sobrang sakit kasi ng panaginip na 'yon. Thank you at nasa tabi kita ngayon." Parang pagod na ani nito. "Ano bang panaginip 'yon?" tanong ko rito. "Panaginip iyon kung saan masaya pa ang Mommy ko. Masaya pa kami nila Daddy." Humigpit pa lalo ang yakap nito sa akin. Nakasubsub sa dibdib kong hubad ang mukha nito."Pero iyon din 'yong araw na nakita ko si Mommy na masaya, na matino." Natigilan ako. "A-nong nangyari?" tanong ko rito. "Isang sekreto iyon na hindi ko maibabahagi sa 'yo." Malungkot nitong amin. "Paano kung matutulungan pala kita? Hindi mo pa rin ba kayang aminin sa akin?" malungkot ang tinig na ani ko rito. "I'm sorry… I'm already working on it." "Working on it? Nicholas…ano bang ibig mong sabihin?" "N-othing…" muli ako nitong kinubabawan. "Ano ba…nagkakagulo sa labas dahil isa na naman sa pinsan mo ang natagpuang patay sa mismong kwarto n'ya rito sa mansion." Saway ko rito. "I don't care…" napasinghap ako sa sinabi nito. "W-what?" manghang ani ko rito. Napasinghap ako nang bumaon ang p*********i nito sa gitna ko. "I don't care…kinakarma sila sa mga kasalanan nila kaya nangyayari sa kanila 'yon." "Nic…" naging cold ang expression ng mukha nito. Hindi ako makapaniwala na nasasabi nito iyon ngayon. Nagsimula itong gumalaw sa ibabaw ko. Habang gulong-gulo ang isipan ko ay hinayaan ko lang ito sa ginagawa nito. Nang kapwa nakaraos ay bumangon ito at pumasok ng banyo. Pagbalik nito ay ako naman ang mabilis na ang pumasok doon para mag-shower. Nang lumabas ako ay may nakahanda ng damit. "Kanino ito?" takang tanong ko rito. "Sa pinsan ko." Ani nito na bahagyang ngumiti. Napatingin ako sa bag na nakahanda rin. "Aalis ka?" tanong ko rito na nagsimula nang magbihis sa harap nito. "Sasama muna ako sa 'yo. Masyadong magulo rito sa mansion." Gulat man ako sa sinabi nito ngunit tumango na rin ako. Bakit pakiramdam ko ay ako ngayon ang naguguluhan. Bakit bigla akong nawalan nang idea sa nangyayari. Gusto kong makausap si Tori. Kahit si Lady A dahil pakiramdam ko biglang ako 'yong walang alam. "Uuwi ka na?" bungad ni Paul Monteleban sa akin. Ako kasi ang unang lumabas ng silid. Agad humagod ang tingin nito sa akin. Saka lumabas si Nicholas. "Dad, sasama muna ako kay Tatti." Ani ni Nicholas na mabilis akong inakbayan. "Oh, really? Nagkakagulo rito sa mansion, anak. Pwede bang dito ka na muna?" "Kung inaalala n'yo si Mommy pwede ko s'yang isama." Ani ni Nicholas. Tumalim ang tingin ni Paul Monteleban sa anak nito. "No, dito lang ang Mommy mo. Sige na, umalis na kayo." Ani nito na bigla na lang tumalikod. Iginiya na rin ako ni Nicholas na umalis. Panay ang buntonghininga nito. Narating namin ang bahay ko na naroon na si Cristo. Ngiting-ngiti ito na kumaway sa amin pagpasok namin ng gate ni Nicholas. "Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito?" takang tanong ni Nicholas sa akin. Nasa loob na ng bahay si Cristo. Nakabukas ang bintana kaya naman kita namin ito. "I don't know." "May susi s'ya ng bahay?" takang tanong ni Nicholas sa akin. "I don't know." Ani ko rito. Hawak ng lalaki ang kamay ko nang pumasok kami. "Paano ka nakapasok?" agad kong tanong kay Cristo. "Sa pinto, naglakad ako papasok." Balewalang sagot ni Cristo na umupo pa sa upuang bakal. "Are you freaking serious, dude?" "Opps, 'di ka boyfriend. 'Wag masyadong possessive." Mapang-asar na ani ni Cristo."Ikaw babae, bakit hindi ka umuwi kagabi?" sita nito sa akin. "Opps, hindi kita asawa para uwian saka boyfriend ko na si Nicholas. Magtigil ka d'yan." Ani ko rito. Nang sulyapan ko si Nicholas ay may ngiti na gumuhit sa labi nito. "Oh, 'wag kang masyadong kiligin d'yan." Biro ko rito pero mas lalong lumawak ang ngiti nito. Nagawi ang tingin ko sa manga na nasa table. Halatang binato lang sa puno ng kapitbahay kaya lamog at 'yong iba ay wasak. Tang*na talagang Cristituto ito.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD