7

998 Words
Chapter Seven Bumalik ako sa pagkakaupo at kunwari'y naghintay sa pagbabalik ni Nicholas. Ang hot ng name, pero mas cool 'yong Cristituto. Magkasunod na pumasok sa kusina si Cristo at Nicholas. Bumalik sa pagluluto si Nicholas. Mukhang sinigang ang iluluto nito base na rin sa inihahanda nitong rekados. Nang sulyapan ko si Cristo ay mahinhin akong ngumiti rito. Mukhang nagtaka naman ito. "Ayos ka na ba? Bakit ka ba na banga?" parang tanga naman 'yong tanong ng lalaking ito. "Ayusin mo naman 'yong tanong mo. Hindi ko naman ginusto na mabanga." Marahan kong hinawi ang buhok ko at inipit sa tenga ko. Iniusog ni Cristo ang upuan n'ya sa tabi ko saka bumulong sa akin. "Bigla kang naging dalagang pilipina. Anong arte 'yan? Kung bara-barahin mo ako noong nakaraan wagas, ah." "Hindi 'yan totoo. Inaaway mo ba ako?" nagdadamdam na ani ko rito. "Hindi, ah. Saka bakit nandito 'yang lalaking 'yan?" medyo napalakas na ang tinig nito kaya tumingin sa gawi namin si Nicholas na nagtataka. "Usog." Ani nito kay Cristo. "Bakit?" "Ang sabi ni Tatti kanina sa akin ay nakasabay ka lang n'ya sa tricycle. Nakasabay, meaning, hindi ka n'ya kaibigan." "Ang harsh mo naman sa akin. Matapos kitang samahan sa palengke. Akala ko pa naman ay kaibigan na kita." Nagdaramdam na ani nito. "OA mo naman." Ani ko rito. "Kaya mo bang lumakad?" pag-iiba nito ng topic. "Hindi." Pinalungkot ko pa ang tinig ko. "Samahan na kita rito. Wala kang kasama mamaya." "What?" masungit na tanong ni Nicholas. "Ang sabi ko sasamahan ko na lang s'ya rito. After all, ako lang naman ang kaibigan n'ya rito." "Hindi kita kaibigan." Ani ko rito. "I'll stay here. After all ako naman ang reason kung bakit s'ya nabanga." "Tatanga-tanga pala itong isang ito." Bulong ni Cristo sa akin. "Wala namang may gusto no'ng nangyari. Saka kaya kong mag-isa. Pagkatapos kumain, umuwi na kayo." Ani ko sa mga ito. Akala ko ganoon ang mangyayari pagkatapos naming kumain. Si Cristo ang nagprisintang maghugas ng pingan. "Saan ang silid mo. Bubuhatin na kita roon." Seryosong ani ni Nicholas. Salubong ang kilay nito. "Mabuti pa nga, kailangan ko rin kasing maglinis ng katawan." Ani ko rito. Akmang bubuhatin na ako nito nang pigilan ito ni Cristo. May bula pa ang kamay nito. "Anong ginagawa mo? Nakalimutan mo yatang babae si Tatti. No, hindi kita papayagan." Ani ni Cristo. "Hindi ko hinihingi ang approval mo." Ani ni Pogi. Saka ako binuhat nito. Hindi na lang ako nagkumento at kumapit na lang rito upang hindi malaglag. Nang marating namin ang silid ay kampante naman ako dahil wala namang kahina-hinala roon. Pagpasok namin ay inilapag muna ako nito sa gilid ng kama. "Hindi ako makakampante na maiwan ka at kasama ang lalaking iyon. Sa hilatya pa lang ng mukha ay hindi na mapagkakatiwalaan." Ani ni Nicholas. "Kaya ko naman ang sarili ko. Saka aalis din 'yan." "No, may mga pinsan din akong babae. Concern lang ako." Ani nito sa akin. s**t, parang kumibot-kibot ang aking yungib doon."Saan ang damit mo? Ikukuha kita." Ani nito sa akin. Inginuso ko lang ang cabinet kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Pinanonood ko lang ang kilos nito. Mukha ngang may alam ito, dahil pati underwear ay kumuha ito. Parang balewala lang dito iyon. Pareho pa kaming nagulat nito nang biglang bumukas ang pinto. May hawak na sandok si Cristo at kunwari'y baril na ngayon ay nakatutok sa amin. "Pare, malakas yata ang tama mo. Nakainom ka na ba ng gamot?" napahagikgik ako sa sinabi ni Nicholas. "Chine-check ko lang kung ayos ba si Tatti." Ani nito na pumasok na sa silid. "Ano ba kayo? Para kayong mga sira. Ayos lang ako. Alalayan n'yo na lang akong magtungo sa banyo at ako na ang bahala sa sarili ko." Ani ko. Gusto ko pa nga sanang dugtungan na kung gusto nila, join na rin sila, eh. Pero pinigil ko ang sarili ko. Mas mabilis kumilos si Nicholas. Nabuhat agad ako nito bago pa makalapit si Cristo. Babagal-bagal din ang isang ito, eh. Inilapag ako ni Nicholas sa bathtub. Saka ko sinabi rito na ilapag na lang sa tuyong parte ang isususot ko. Tumango naman ito saka lumabas na. Nauubusan nang energy na tuluyan akong humiga sa bathtub. Binuksan na rin ang tubig upang lagyan ng laman iyon. Maingat akong bumangon saka nagsimulang maligo. Nanatiling bukas ang gripo sa bathtub habang nasa shower ako. Nang matapos maligo ay dali-daling nagbihis saka sumalampak sa tuyong parte at tinawag si Nicholas. Pero si Cristo ang pumasok. Nakatakip pa sa isang mata nito ang palad, at dilat na dilat naman ang isa pa. "Bihis ka na ba?" tanong nito sa akin. "Tsk, obvious ba? Buhatin mo na ako or alalayan mo akong tumayo. Masakit pa ang balakang ko." Ani ko rito. Hindi nakakalimot sa arteng nasimulan. Binuhat ako nito saka dinala sa silid ko. Inabutan ko roon si Nicholas na nakaharap sa bintana at may kausap sa phone nito. "Hindi ako makakauwi. Mas mabuti na rin 'yon. Sabihin mo kay Mommy." "Pwede naman na kasi kayong umuwi, eh." Ani ko kay Cristo. "Hindi. Dito lang ako, s'ya baka gusto n'yang umuwi. Umuwi na s'ya. Hindi ko iiwan ang bff ko rito." Ani nito sa akin."Nasaan ang suklay mo?" inginuso ko ang aparador. Kinuha nito iyon saglita at pumwesto sa likuran ko. "Ako na ang magsusuklay. Kaya ko naman, eh." Ani ko rito. Pero mapilit din ang isang ito. Saktong bumuhus ang ulan. "Ayan, inabutan tuloy kayo ng ulan." Ani ko sa mga ito. Isinara na rin ni Nicholas ang bintana. "Magpahinga ka na. Sa labas na kami mananatili." Ani ni Nicholas saka hinila sa t-shirt si Cristo. Tututol pa sana ang makulit na binata ngunit nahila na ito ni Nicholas. Masaya sana kung mananatili sila rito, habang malakas ang buhos ng ulan, habang nakagapos ang mga hubad nilang katawan, tapos binabalatan. A very satisfying idea. A/N: Pa-add po ng She's back for revenge sa inyong mga library. Iu-update ko po s'ya next year. Thank you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD