3

1053 Words
Chapter Three News Headline: Panibagong bangkay na naman ang natagpuan sa kanto ng Sitio Ipil. Wakwak ang t'yan nito at wala na ang lamang loob. Pinatay ko ang tv saka nagpasyang lumabas na. Nang mai-lock ko ang pinto ay lumabas ako. Pupunta naman ako sa palengke. Mas marami raw masasagap na tsismis doon kaya naman doon ang ruta ko ngayon. Sumakay ako ng tricycle at iniutos ko sa mamang driver na sa palengke ako dalhin. "Dalawahan ito ineng, babayaran mo ba ang isa pa?" napatingin ako sa tabi ko. Hindi napigil na hindi iangat ang kilay. Dalawa? So mataba ba ako, dahil hindi ko kasi makita 'yong isa pang pwesto. Pero dahil nagtitipid ako ay sumagot ako rito. "Hintay pa tayong isa." Napakamot sa ulo si Manong. Umasa siguro na dodoblehin ko 'yong bayad. "Usog ka pa rito, Ineng." Utos ni Manong. Gusto kong magreklamo pero umusog pa rin ako. Sumiksik ang lalaking kahit ano namang gawin namin ay hindi talaga kami kasya. Tumingin ito sa akin na waring nagtataka. "Umusog ka pa." "Wala na." Nakasimangot na ani ko rito. "Usog." Dumekwatro ako. Pero ganoon pa rin. Kaya naman no choice ang lalaki. Isang pisngi na lang ata ng pwet nito ang nakaupo. Pasimpleng tinignan ko ito sa salamin na nasa harap. Gwapo spotted. "Stop looking at me, hindi kita type." Napasinghap ako dahil sa labis na gulat sa sinabi nito. "Shalaaaa, gwapong-gwapo. Tinititigan lang kita kasi feeling ko maganda ang skin care mo." Ani ko rito. Para depensahan ang sarili. "It's natural." Tipid na tugon nito. Masungit ang datingan."Mukhang bago ka rito." Ani ng lalaki. Naririnig ko pa naman ito dahil siksikan talaga sa tricycle ni Manong. "Yes, true brand new." Tugon ko rito. "Weird." Ani ng lalaki saka yumuko na lang. Mas isiniksik ko pa ang sarili ko dahil mukha naman itong kahabag-habag. "Hindi safe sa lugar na ito. Hindi ka ba natatakot?" "Mas nakakatakot pa ang mga taong tsismoso." "Tinutukoy mo ba ako?" ani nito na may pa sulyap pa sa akin. "Tsismoso ka?" inosenteng tanong ko rito. Narinig ko itong may kung anong sinabi pero hindi malinaw dahil biglang bumusina si Manong. Walang pakisama, nagmo-moment kami ni Pogi, eh. 15 minutes lang narating namin ang palengke. Hindi katulad sa ibang lugar na malawak at maganda. Ordinaryong palengke lang ang inabutan ko rito. Unang pumukaw nang pansin ko ay ang malaking karatula kung saan ay may malaking babala. Tungkol sa serial killer na gumagala sa kanilang bayan. "Hindi ligtas ang Santa Estrella sa mga dayong tulad mo." Hindi pa pala umalis ang lalaki. Nang sulyapan ko ito ay nakita ko si Manong driver na waring may hinihintay pa. "Bayad mo, Ineng." Ani nito. Napangiwi ako saka napadukot sa bag ko. Inabutan ko ito ng 20-peso bill."Keep the change po." Magalang na ani ko rito. Napabungisngis ang lalaking masungit kanina. "Ineng, 30 pesos ang bayad sa tricycle." Ani ng driver. Pahiya ako roon. Pero binuksan ko ang bag ko. Humugot ako ng 1000 bill. "Here, keep the change." Seryosong ani ko rito. Saka inangatan ng kilay ang lalaking kanina lang ay patawa-tawa. Mabilis nitong iniabot ang 10-peso coin sa driver at inawat anawat ako sa pag-abot ng bayad. "'Wag kang OA, Miss." Ani nito saka hinila na ako paalis sa harap ng tricycle ni Manong. "Tsk, patawa-tawa pa kasi." "Mukha kang walang kamuwang-muwang. Hindi ka dapat nag-iisa." Ani nito."Saan ba ang punta mo? Samahan na kita." Sinuri ko s'ya mula ulo hangang paa. Umangat ang kilay nito. Gwapo s'ya sa gwapo, mukhang banat ang katawan sa mabigat na trabaho dahil obvious naman sa hubog no'n. Pero alam ko naman na mas marami pang mas makalalamang dito. "Done checking?" ani nito. "Hindi pa," saka ko ito muling tinignan mula ulo hangang paa. "Done?" "Pwede na rin naman, kahit everytime lang na lalabas ako. Magkano ang rate mo?" tanong ko rito. "Ha?" takang ani nito. "'Yong salary mo. Gusto mong maging bodyguard ko?" OA na napasinghap ito. Saka waring luminga-linga saka ito tumawa. Mukha yata akong joker sa lalaking ito. Wala namang nakakatawa. "Ibig kong sabihin sasamahan lang kita rito sa palengke. Hindi ako naghahanap ng trabaho." Ani nito na umiling-iling pa. "Ah, okay. No problem." Ani ko rito. Saka tinalikuran na ito. Kanina pa ako napapahiya sa harap ng lalaki. Kanina pa tuloy nangangati 'yong kamay ko na hilain ito sa tagong bahagi ng palengke. Si Satanas na ang nakaaalam kung ano ba ang tumatakbo sa isipan ko. Sumunod ito sa akin. "Naku, totoo 'yon. Wakwak nga. Nakita ng mga pinsan ko 'yong katawan. "Nakakaawa..." dumikit ako sa mga Marites na abala sa tsikahan. Kunwari'y tumitingin-tingin ako sa mga prutas na binebenta ng ale. Bahagya kong pinisil-pisil ang saging. "Hoy! Hindi 'yan t*ti na pwede mong pisil-pisilin." Nagulat pa ako sa pagsigaw ng ginang. "You don't need to shout, Marites." Ani ko rito. "Hindi Marites ang pangalan ko. Ako si Maki." Ani ng ginang. "Mahilig gumawa ng kwento." Dinig kong ani ng lalaking nakabuntot sa akin. Inirapan tuloy ito ng ginang. "Bibilhin ko na po 'yan." Ani ko sa ginang. "Ilan?" "'Yan lang pong pinisil ko." "Aba'y..." akma pang magrereklamo ito nang pinigtas na iyon ng lalaki. "Pakitimbang na po." "Akin na po. Huwag n'yo na pong i-plastic." Ani ko sa ginang. Naunang nag-abot nang bayad ang lalaki. "Bida-bida ka." Ani ko rito. "Kunin mo na lang 'yang saging." Ani nito. Nang makuha ko iyon ay umalis na kami. "Talamak ba talaga ang p*****n sa lugar na ito?" tanong ko sa lalaki. "Oo. Mukhang mayayaman lang naman dito sa bayan ng Santa Estrella ang tina-target. Mukha kang mayaman kaya mag-ingat ka rin." Seryosong ani nito sa akin. "Okay." "Bakit dito ka pa kasi nagawi?" tanong nito sa akin. "Sabi kasi nang napagtanungan ko payapa raw rito." "Lie." "Now I know na. Pero mahal ang ibinayad ko sa bahay. Sayang naman. Kaya rito muna ako." "Tsk, weirdo." Ani ng lalaki. "Ano nga pa lang pangalan mo?" tanong nito sa akin. "Ako? Ako si Tatti, ikaw?" "Cristo." Ani nito sa akin. "Ha? As in Jesus?" "No, as in Cristituto." Lintik na, inihit ako nang ubo. Nasamid ako sa sarili kong laway. "Tama 'yan, Cristo na lang. Baka kasi magkamali ako. Pakiramdam ko napakalaking kasalan kapag nagkamali ako nang bigkas sa pangalan mo. Cristotiti, shuta." Ani ko rito. Inirapan ako nito at iniwan na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD