2

934 Words
Chapter Two Masarap ang naging tulog ko. Bukod sa wala akong trabahong kailangan asikasuhin ay ngayon na lang ako ulit naka tulog ng mahigit walong oras. Bahagyang nag-inat saka bumangon at nagtungo sa balcony. Agad na inilipag ng hangin ang mahaba kong buhok. "White ladyyyyyyy!" natigilan ako sa pag-iinat nang makarinig ako nang humiyaw na ganoon. White lady? Takang nagpalinga-linga ako. Nang wala namang makitang white lady ay tinignan ko ang batang nasa kalsada. Nakatakip ang isang kamay nito sa kanyang mga mata habang ang isa ay nakaturo sa akin. "A-ko?" hindi makapaniwalang ani ko na itinuro pa mismo ang sarili. "Hoy, tumigil ka nga sa kasisigaw mong bata ka. Umuwi ka roon sa inyo. Ang aga-aga ang ingay mo. Malas sa buhay 'yang ganyan." Pero mas na takot pa ang bata dahil sa galit ng ginang na naingayan. Tumingin ito sa akin na waring weird ako sa kanyang paningin. Ngumiti ako rito ngunit parang na takot naman ang ginang. Nagpasya akong bumalik sa silid ko. Inayos ang sapin ng kama, pati na ang kumot at unan. Saka pumasok sa banyo upang maligo. Bilin ng mga kasama ko na kunin ko muna ang loob ng mga tao sa baryong ito. Upang mas makilala ko sila ay kailangan ilapit ko ang loob ko sa kanila. Iikot ako ngayon na akala mo'y turista. Maganda na rin 'yong makabisado ko ang lugar na ito. Nang matapos kong ayusin ang lugar ay mabilis naman akong nag-shower at pumili ng off-shoulder na bestida. Ang dulo no'n ay lagpas sa aking tuhod. Malambot ang tela na mas lalo kong nagustuhan. Saka na ako makikipag-ugnayan kina Lady A kapag kailangan ko na ang tulong nila. Marami na silang dapat trabahuin at ayaw ko nang dumagdag pa. Maayos na maayos na ang itsura ko. Gandang-ganda pa nga sa aking sarili nang humarap ako sa salamin. Natanaw ko kahapon ang karendirya sa stress na ito. Titignan ko muna kung may magandang almusal na pwedeng mabili roon. After all, hindi kami close ng kusina. Nang lumabas ako ng gate ay pansin ko na agad ang mga tingin ng aking mga bagong kapitbahay. Gusto ko sanang kawayan ang mga ito ngunit kinalma ko ang sarili ko. May image nga pala akong binubuo rito sa Santa Estrella. Iyon ay ang pinakamahinhing dalaga sa balat ng lupa ng Santa Estrella. Lumakad ako patungo sa karendirya. "Ikaw na bata ka." Sigaw ng isang ginang na hinahabol ng walis Tingting ang batang bahagya pang nahuhulog ang salawal. Malabo namang mahabo ng ginang dahil mabilis kung tumakbo ang bata. Ang layo ng ganitong eksena sa village na kinatitirikan ng bahay ko. Malayo rin sa condo namin sa head quarters. "Bago ka rito, ineng?" tanong ng matandang nadaanan kong nagwawalis. "Opo, kahapon lamang po ako dumating sa bahay na nabili ko." Ani ko sa matandang babae. "Ikaw 'yong nakabili ng bahay na bato?" salubong ang kilay na tanong nito sa akin. Mahinhing pa pati ang pagtango ko rito. Mukhang timang lang pero need kong i-feel ang character ko rito. "Yes po." "Mukhang state-side, bakit dito mo pa na piling tumira? Hindi mo ba nababalitaan 'yong nangyayari rito? Hindi ka nag-iisip, ineng." Ani ng matanda. "Napakaganda po ng lugar. Kung ano man po 'yong tinutukoy n'yo na hindi ko nabalitaan, siguro naman po'y hindi makakaapekto sa akin 'yon." Ani ko rito. Bait-baitan, pero bet kong dalhin sa favorite spot ko ang matandang ito. Masyadong tsismosa. Nginitian ko pa ito saka muling humakbang paalis. Sinusundan pa rin ako nito nang tingin. "Ang pangit naman n'ya. 'Yan ba 'yong multong sinasabi mo? Mukha nga s'yang multo." Usapan ng dalawang batang nasa iskinita. Nakatingin ang mga ito sa akin. Gusto kong tuktukan pero kailangan kalmado lang ako. After all, mga uhugin pa ang mga ito. "S'ya nga. Sabi ko naman sa 'yo, eh. Ang pangit n'ya, 'no?" napasimangot ako na kunwari'y nagbibingi-bingihan lang. Pasimpleng dumampot ng maliit na maliit na bato. 'Yong parang singlaki lang ng butas ng ilong. Saka umabante na ako palagpas sa tapat ng eskinita. Saka ko pasimpleng initsa iyon sa dalawang bata. Tamang angulo, lakas nang pagbato at distansya. Tiyak na sapol ang mga ito. "Aray!" dinig kong ani ng mga ito. "Sabi ko sa 'yo, multo s'ya eh." Narinig ko na ang pagtakbo palayo ng mga ito. Pinipigil ko ang tawa ko dahil baka mapagkamalan akong baliw. Mapagpatuloy talaga ako. Kahit pa bata o matanda 'yan. Hindi ko naman kasi kailangan maging Santa. "Magandang umaga." Bati ng ginang na nasa harap ng karendirya. "Magandang umaga rin po." Mahinhing ani ko rito. Saka ako humakbang sa mga nakatakip na ulam na mainit-init pa. "Ikaw 'yong bago rito?" tanong ng matanda. Mukhang puro Marites ang mga kapitbahay ko rito sa Santa Estrella. "Opo." Ani ko na muling ibinaling ang tingin sa mga ulam na pagpipilian. Inisa-isa kong sinulyapan. "May hotdog, itlog, bacon" tinaggal nito ang takip noon. Hindi ko naman sinabi na isa-isahin nito ang mahigit 10 na putahe. Pero hindi na lang ako nagkumento. "Anong gusto mo?" hingal na tanong nito sa dami nang binuksan. May mga dish na hindi pamilyar sa akin kaya naman kahit hindi ko tinanong ay pinaliwanag naman nito. "'Yong itlog, bacon and hotdog na lang po." Automatic ang naging pagsimangot ng babae. Pero kumilos na rin para i-plastic ang order ko. Gusto kong tawanan ang reaction nito. Ngunit nagpigil ako. Masyadong rude kapag gano'n. Bumili na rin ako ng kanin, sa bahay na lang ako kakain. Tapos pagkatapos ay mamamasyal muna ako. "Bayad ko po." Parang labag pa sa loob nito na tanggapin iyon. Pagkatapos makuha ang sukli ay nagpasalamat na ako at bumalik sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD