Chapter Six
"Wala ka bang kasama rito?" tanong ni Pogi sa akin. Maingat akong inilapag nito sa couch.
"Mag-isa ko lang dito sa bahay. Wala na akong family." Tipid na tugon ko. Napangiwi nang iangat ko ang binti nang bahagya. Lumuhod ito para ayusin ang pagkakapwesto no'n."Salamat sa paghatid sa akin." Ani ko pa rito. Tumango naman ito. Saka tumalikod na.
Bumilang ako ng sampu, alam kong babalik ito kaya naman mabilis kong idinapa nang patagilid ang katawan ko sa sahig. Kung nandito lang sila Barbara, tiyak na pinagtatawanan na ako ng mga iyon.
Mga dakilang basher pa naman ang mga girls.
"What the heck?" nagmamadaling yabag nito ang sumunod kong narinig at ang pag-angat ko saka muling pagbalik sa pwesto sa couch.
"Naiwan mo 'yong gamot sa car." That's the plan. Iniwan ko talaga iyon."Anong ginawa mo at bakit nakasubsob ka na sa floor?"
"Sinubukan ko kasing tumayo. Kaya ako bumagsak."
"Hindi mo naman kaya, bakit ka tumayo." Halata sa tinig nito ang inis. Mukhang nauubusan na ng pasensya.
"Kung mananatili lang ako d'yan baka mamatay na ako sa gutom. I told you, wala akong kasama rito." Mahinahong ani ko rito.
Bumuntonghininga ito.
"I'll ask someone para bantayan ka rito." Ani nito. Mukhang hindi tatalab ang arte ko.
"Pasensya na, bagong lipat kasi ako rito. Kahit kapitbahay ko ay hindi ko pa kilala." Nahihiyang ani ko at napayuko na lang din.
"I'll ask someone, stay right there." Mariing utos nito. Tumalikod na ito, kaya naman hindi ko napigil ang mapangisi saka prenteng sumandal sa couch.
Naghintay ako ng ilang minuto. Kasunod ay muling pagbukas ng pinto.
"Miss..." nag-angat ako nang tingin. Hindi ko pa nga rin pala naitanong dito ang pangalan nito. Tiyak na magtataka ito kapag dumulas iyon sa bibig ko.
"May lalaki sa labas, kaibigan mo raw?" takang ani nito sa akin. Takang tinignan ko naman ito.
"Wala pa naman akong kaibigan dito." Lumarawan sa mukha ko ang takot.
"Damn. I really need to stay." Ani nito na lumapit na sa bakanteng couch.
"W-hy?" worried na tanong ko rito.
"Mag-isa mo lang dito. Tapos may nagpunta ritong hindi mo naman pala kaibigan. Hindi ligtas ang ganoon."
"Ilo-lock ko na lang ang gate and door.
"Do you think enough 'yon? Come on, mukha ngang bago ka lang dito. Mukhang wala kang idea sa nangyayari rito sa bayan ng Santa Estrella." Ani nito. Bahagyang umiling.
"Nabalitaan ko naman iyon, pero siguro naman hindi mangyayari sa akin iyon."
"Stupid. Ang mga demonyo, walang pakialam sa kung sino ang magiging target nila." Ani ng lalaki.
Hindi ako nakatugon.
"Ano bang sabi ng lalaki?" tanong ko rito.
"Cristo raw ang pangalan n'ya. Mukhang sanggano." Napangiwi ako sa sinabi nito. Gwapo naman si Cristituto, ah."Kilala mo ba s'ya?"
"Ah, oo. S'ya 'yong nakasakay ko sa tricycle."
"Nakasakay mo lang pala sa tricycle bakit nagpunta rito?"
"I-I don't know."
"Hindi na talaga ligtas ang panahon ngayon." Ani nito."By the way what is your name?" tanong nito.
"I'm Tatti." Mahinhin akong ngumiti rito. Hindi ko alam kung bakit napalunok ito. Samantalang napatitig lang naman ito sa akin.
"I'm Nicholas, Nicholas Monteleban." Ani ni pogi.
"Monteleban?" tumango-tango ako.
"Hindi na ako magugulat kung pamilyar sa 'yo ang surname ko. Pamilya ko ang namumuno sa bayang ito." Ani n'ya.
"Really? Hindi ko kilala, eh. Thank you for informing me." Ani ko rito. Wari pa itong nagulat.
Alangan naman sabihin kong Kilalang-kilala ko. Haler, bago pa ako tumapak sa bayang ito, lahat na ng taong dapat kilalanin ko ay pinag-aralan ko nang mabuti.
"N-icholas..." sabi ni Pluma dati, magagamit ko raw ang tinig kong natural nang mapang-akit sa kahit anong misyon ko.
It's my speaking voice.
"Y-es?"
"Pwede mo ba akong alalayan patungo sa kusina. Nauuhan na kasi ako at nagugutom."
"Damn, hindi ka nga pala kumain kanina." Ani ng lalaki. Don't tell me, kumain sila habang hirap na hirap akong magtulog-tulugan kanina?
Tumayo ito saka lumapit sa akin. Parang walang hirap na binuhat ako nito saka ako tinanong kung saan ang kusina. Nang ituro ko iyon ay kumilos agad ang lalaki habang karga ako patungo roon.
Inilapag n'ya ako sa upuan. Saka s'ya lumapit sa ref para kumuha ng inumin.
"Anong gusto mong kainin?" tanong nito sa akin.
"Kahit tinapay na lang. Mayroon d'yan sa ref." Ani ko rito.
"No, hindi ka pa kumain mula kanina." Tangi ng lalaki. Kikiligin na sana ako, pero naalala kong hindi pala pwede."Magluluto muna ako."
Saka ito nagkalkal sa ref ko. Ilang araw pa lang sa Santa Estrella. May na bring home na agad akong pogi sa bahay na ito.
Siguro mas happy kung pumasok din si Cristo.
Kung ano-ano na agad 'yong pumasok sa imagination ko.
"Are you okay?" tanong ni Nicholas. Nakalas na pala nito ang tie n'ya, nakapatong na rin ang coat n'ya sa sandalan ng upuan.
"Yes. Nicholas, sorry nga pala sa abala."
"Tsk, ako 'yong hindi nag-ingat sa pagmamaneho." Ani nito saka ipinagpatuloy ang ginagawa nito.
Mukha naman itong sanay sa ginagawa nito kaya hindi na ako nagpilit na makialam.
Malapit na itong matapos nang makarinig ako nang nagtatao po.
"'Yong lalaki na naman siguro 'yan." Ani nito. Basta na lang itong umalis nang kusina. Mabilis din akong tumayo at sumilip sa maliit na siwang ng bintana.
Si Cristo nga. Nag-uusap ang mga ito. Waring nagmamatigasan. Kasunod ay binanga ni Cristo si Nicholas saka tuloy-tuloy na pumasok.
Parang 'yong sa mga pinanonood Kong movie roon sa xxx. 'Yong may kwento at aral na mapupulot.