Stethoscope “AM I boring you, Miss Jimenez?” Agad kong naibaba ang phone ko at sinulyapan ang anak ng may-ari ng hospital na si Calix Tan. Tumikhim ako at nginitian siya. Ang inaakala kong saglit na meeting ay inabot na ng ala-una kaya naman hindi ko na napigilan na i-text si Gelai para kumustahin si Elias. Napatingin ako kina Ma’am Annette na mukhang kinabahan na baka na-offend ko ang kausap namin. “No, of course not, Mr. Tan. Sorry if you think that way,” mas pinalamyos ko ang boses ko at nakahinga ako nang maluwag nang ngumiti na siya. Ang totoo ay hindi na ako natutuwa sa mga mata niyang sa dibdib ko nakatingin mula kanina pa. Mahalaga sa akin ang dignidad ko bilang isang babae at nababastusan na ako sa tingin niya maging ng mga doktor na kasama namin sa conference room pero