Tadhanang mapaglaro Nagising ako nang hindi ko makapa ang anak ko sa tabi ko. Napahawak ako sa noo nang marinig ang mahinang pag-dribble ng bola na nanggagaling sa labas ng kwarto. “Elias, ano ‘yang ginagawa mo? Hindi ba sabi ko sa ‘yo huwag mong lalaruin ‘yang bola mo dito sa hotel room natin? Baka makatama ka ng gamit anak.” Nakangiwing nilingon ako ng anak ko at kinamot ang ulo niya bago binitiwan ang bola niya. “Sorry Mama, won’t do it again. I’m bored eh.” Na naman…kelan ka ba hindi na-bored anak? Kinurot ko ang pisngi niya. “Let’s take a bath na so we can go. Pwede tayong mamasyal ngayong araw–” natigil ako sa magkakasunod na katok mula sa labas. “Elias, doon ka na sa shower room. Huwag kang maglalaro ng sabon at tubig okay?” Excited namang tumango ang anak ko tuwang-tuwa