Simula
Simula
“YES, Mrs. Alcantara. If fifty percent down p*****t, we’ll give you a discount and mas bababa pa po iyong monthly amortization.”
“Okay, thank you Ma’am Alana. Sasabihin ko sa husband ko, tuloy pa din ba tayo sa meeting sa sabado? Ang balita ko ay nasa Maynila ka.”
“Yes Ma’am, balik naman kami ng friday. May kailangan lang akong asikasuhin dito.”
Nang maibaba ko ang cellphone ay agad kong binalingan ang anak kong kanina pa hinihila ang blouse ko.
“What’s the problem, Elias? Kanina mo pa ako kinukulit eh may kausap nga si Mama.”
Binuksan ko ang laptop ko nang maalalang may kailangan pala akong i-email sa isa sa mga client namin.
Pagtingin ko sa anak ko ay simangot na simangot siya. “I’m bored, Mama. Sabi mo we’re going to an amusement park eh!” nagmamaktol niyang saad sabay umiiyak na tinungo ang sofa at isinubsob ang sarili doon.
He’s going to throw a tantrum any minute now that’s why I decided to turn off my laptop.
It’s been two days since we arrived here in Manila for a business seminar with my colleagues. We’re also off to several hospitals by tomorrow to offer our newly-launched medicine products.
Wala akong mapag-iwanan sa anak kong si Elias dahil kinailangang umuwi ng Mindoro ni Yaya Mildred para sa tatay nitong may malubhang sakit. Ayoko namang sa iba ipagkatiwala ang anak ko kaya isinama ko na lang siya sa pagluwas sa Manila. Good thing na mababait ang mga bosses ko at naiintindihan nila ang pagiging single mom ko.
I knew it would come to this. Magmamaktol na talaga siya dahil ilang araw na ngang nasa hotel lang kami. Hindi na sapat ang gadgets at tv para maaliw siya.
“Stop crying na, may lakad pa si Mama mamayang hapon eh. How about we go to a mall na lang–”
“Sabi mo amusement park eh!” naiinis ang boses niyang putol sa akin.
Napahawak ako sa noo ko at hinilot ang gilid no’n nang magsimulang sumakit ang ulo ko sa tinis ng boses niya. “Oo nga, pero bibili pa ng ticket si Mama.”
“You should buy one na, mama.”
Binuhat ko siya at kinandong. Hinaplos-haplos ko ang mukha niya at napabuntonghininga. Walang araw na hindi sumasagi sa isip ko ang ama ng anak ko sa tuwing natititigan ko ang mga mata niyang parehas na parehas sa kanya.
“Elias, hindi ba sabi mo big boy ka na?”
Sumisinok na tumango siya. “Yes, M-mama.”
“Sabi mo din magiging good boy ka na hindi ba?”
Huminto siya sa pag-iyak at muling tumango. “Yes, Mama.”
“Then, you should listen to Mama. Sa mall muna tayo ngayon then bukas I promise, pupunta tayo ng ocean park. Deal?” Inangat ko ang kamao ko at napangiti ako nang makipag-fist bump na siya sa akin.
“Oh, smile na for Mama.”
Matunog ko siyang hinalikan sa pisngi nang ngumiti na siya. Humagikhik siya nang kilitiin ko ang leeg niya at nagpilit makaalis sa hita ko.
“S-stop, Mama!” tili niya at malakas na tumawa.
“Sorry, Mama.” saad niya habang binibihisan ko siya.
Tumayo ako at pinamewangan siya.
“For being makulit and bad kanina,” akap niya sa bewang ko. Hinaplos ko ang ulo niya at ginulo ang buhok niya.
“Hindi ko sasabihing okay ang ginawa mo, Elias, pero hindi ka na din papagalitan ni Mama kasi nag-sorry ka at alam mo na mali ang ginawa mo.” Lumuhod ako at sinapo ang mukha niya.
“Mama’s sorry too. Kasi puro work ako at hindi ko nagawang tuparin agad ang promise ko.”
Ngumiti siya at hinalikan ang magkabilang pisngi ko. “It’s okay Mama, dahil naman sa akin kaya ka nagwork hindi ba? To buy me toys and food?”
Tumango ako at niyakap siya. “Yes, baby. Saka lagi mong iisipin ginagawa ‘to ni Mama para sa future mo.”
“Don’t worry Mama, paglaki ko hindi mo na need mag-work. I’ll be a doctor like Tito Nitro!”
Tumawa ako nang mabanggit niya si Nitrogen na masugid kong manliligaw.
“Bakit gusto mong mag-doktor nga?”
“Sabi ni Tito, malaki daw salary.”
Hay nako, Nitrogen…malilintikan ka sa akin.
Pinisil ko ang tungki ng ilong niya. “Elias, kung magdo-doktor ka dapat dahil gusto mo hindi dahil sa sahod.”
Ngumuso siya. “Gusto ko nga maging doktor, Mama.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Kasi?”
“Kasi nga malaki ang sahod.”
Iiling-iling na binuhat ko siya. “Mahirap maging doktor, akala mo ba?”
“Hindi naman siguro, Mama. Si Tito Nitro nga, laging walang ginagawa sa clinic niya. Chill lang siya.”
Malakas akong natawa sa sinabi ng anak ko. Naaaliw na hinalikan ko siya sa labi at kinurot ang matambok na pisngi.
“Don’t carry na nga, Mama. Ang bigat-bigat ko na eh.”
Bumaba siya mula sa pagkakarga ko at nagtatakbong lumabas ng hotel room namin.
***
“MAMA, I want that ball!” turo ni Elias sa soccer ball.
Umiling ako. “May ganyan ka naman sa bahay, Elias. Bakit hindi na lang lego?”
“Wala na, Mama. Nawala no’ng naglaro kami nila Monmon.”
“Baka laruin mo ‘yan sa hotel room natin. Naku anak, mahal ang mga gamit doon, baka may madisgrasya ka pa. Saka hassle sa biyahe natin, doon na lang tayo bumili sa cebu–”
“Sige na, Mama. Hindi ko naman lalaruin eh. I promise.” Nangungusap ang mga matang pinagdikit niya pa ang palad sa harap ko.
“Ikaw na bata ka, alam na alam mo talaga weakness ko,” iling ko at tinanguan na rin siya.
Sino ba namang makakatanggi sa nakikiusap niyang mga mata?
Growing up, marami akong bagay na hindi nakuha. Hindi lang sa materyal na bagay kung hindi pati sa pagmamahal ng ama ko. Kaya nang ipanganak ko si Elias Niccolo, pinangako ko sa sarili kong lahat-lahat ibibigay ko sa kanya.
Gayunpaman ay may limitasyon din naman ako pagdating kay Elias, hindi lahat ng gusto niya ay ibinibigay ko. Ayoko rin naman kasing lumaki siyang spoiled brat.
Nagtatalon sa tuwa si Elias sa pagpayag ko at dali-daling kinuha ang bola. Agad niya nang pinabayaran iyon at hindi na humiling pa ng anumang laruan sa toy store.
Pinaglaro ko pa siya sa kidzoona at kumain naman kami sa paborito niyang fast food. Papauwi na kami nang maalala kong wala na akong pen na magagamit mamaya kaya pumasok muna kami sa national book store.
“Mama! May titingnan lang po akong books doon.” Pagturo ni Elias sa dulong bahagi ng bookstore habang namimili ako ng magandang klase ng pen.
“Huwag kang lalayo, Elias.”
Nang mabayaran ko ang binili ko ay agad kong hinanap si Elias. Mabilis ko siyang nahanap dahil nangingibabaw ang boses niya sa book store.
“I want to be a doctor! Like my mama’s boyfriend.”
Napahinto ako sa paglakad at nahampas ang noo ko. Hindi ko naman naaalalang sinagot ko na si Nitrogen. Ano bang pinagsasabi ng batang ‘to?
Binilisan ko ang lakad ko bago pa kung anong sabihin niya.
“Bakit mo gustong maging doktor?”
“Para sa salary. Malaki raw sahod nyo po eh.”
Napangiwi ako sa sinagot ng anak ko sa kausap niya.
“Elias–” Nabitin ang tawag ko sa anak ko nang makita ang lalaking kausap niya.
Nanghina ang tuhod ko at naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay ko. Nagtama ang tingin namin ng kausap ni Elias. Bumilis ang pagtibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya.
Arvie…
“My toy!”
Nakahuma ako sa pagkagulat sa naging sigaw ni Elias. Doon ko napagtantong nabitiwan ko pala ang mga dala-dala ko. Agad akong lumuhod at pinagpupulot iyon.
“Why are your hands shaking, Mama? Are you okay?”
“I am, baby. I-ikaw kasi eh, hindi kita makita. Pinakaba mo si Mama, let’s go na.” Hinila ko siya pero nagpabigat siya.
“Wait Mama, magpaalam muna tayo kay Doc.”
Tinuro ni Elias ang lalaking titig na titig sa aming dalawa. Tila ba malalim ang iniisip habang nakatingin sa amin.
“Doc, eto nga po pala Mama ko. Dream niya din po maging doctor–”
“Elias, halika na. Anong oras na, baka hinahanap na ako nila Ma’am Clementine,” putol ko sa pagdaldal ng anak ko’t mabilis na inalis ang tingin kay Arvie na matamis na nginitian si Elias.
“Wait…”
Napahinto kaming dalawa ni Elias sa pag-alis at tila huminto ang t***k ng puso ko sa pagpigil niya sa amin.
Hindi ko siya hinarap pero nagtungo siya sa mismong harap ko.
“A-ano ‘yon?”
Natatandaan niya ba ako?
“Do I know you?”
Napalunok ako at hindi malaman ang isasagot. Pwede ko bang sabihin na oo.
Ako si Alana–ang ina ng anak mo.
“Yes, tama. I know you. Natatandaan na kita. You’re Alana, right?”
“Kilala nyo Mama ko, Doc?”
Humigpit ang kapit ko sa mga dala-dala ko. “You know me right?” muling tanong niya.
Sinulyapan ko si Elias na puno ng kuryosidad ang mga mata.
“O-oo. Ikaw iyong isa sa mga anak ng mga Sy hindi ba?”
“Yes. Taga-isla del fuego ka nga. Small world.”
“Oo, pero noon ‘yon hindi na ngayon. Sige, mauuna na kami ng a-anak ko.”
Tumango siya at binalingan ng tingin ang anak ko. “It’s amazing. Kamukha ng baby mo ang pamangkin ko. Anak ng Kuya ko, kung hindi ko lang kilala si Kuya iisipin kong anak niya–”
“M-mauna na kami, Doc Sy,” hindi pinapatapos kong putol sa sinasabi niya ramdam ang papabilis na papabilis na t***k ng puso ko.
Dama ko ang matinding pang-uusig na naman ng konsensya ko sa nagawa ko sa nakaraan ngayong nakaharap ko si Arvie.
“Mama, okay ka lang?” tanong ng anak ko habang nasa taxi na kami pabalik sa hotel.
Hinaplos ko ang pisngi niya at nilunok ang namumuong bikig sa lalamunan ko. “Yes, baby.”
“Are you sure? Parang iiyak ka po ‘eh.”
Pilit akong tumawa at pinisil ang tungki ng ilong niya. “Hindi ah. Mama's okay, Eli.”
Niyakap ko siya at ilang minuto lang ay nakatulog na siya sa bisig ko. Naluluhang sinilip ko ang mukha ng anak ko’t hinaplos ang pisngi niya.
You already met your father, anak. But Mama's sorry, hindi kita napakilala sa kanya.