Save him “Elias!” tawag ko sa anak ko umaasang didilat siya. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang duguan niyang mukha at napunta sa binti niyang duguan din. “Wake up, baby!” iyak ko at hinawakan ang kamay niya. “Elias, no!” sigaw ko nang maramdaman ang lamig ng kamay niya. Nabingi ako sa ingay ng paligid at pilit kong inakap ang anak ko pero may mga humila sa akin palayo sa kanya. “Hanggang dito na lang po kayo.” Napahagulgol ako nang makita ang duguan kong kamay pati damit na dugo ng anak ko. Bumagsak ako sa sahig sa labis na panghihina sa sinapit ng anak ko. Kahit wala na sa paningin ay hindi mawala-wala sa isip ko ang duguan niyang katawan kanina. Pinulot ko ang nabitawan niyang stethoscope na siyang kapit-kapit niya kanina. “E-Elias!” tawag ko pa din sa anak ko umaas