Run away Part One “ALANA!” Humahangos na tinakbo ako ni Ate Gil at sinalubong ako nang mahigpit na yakap sa lobby ng hospital. Nasa singapore si Ate Gil kasama ang partner niyang si Jack para magbakasyon kaya hindi ko na dapat sasabihin sa kanya ang nangyari kay Elias kaso ay nalaman niya din pala dahil kay Boss Vic na kaibigan nila ni Jack. Tinapik ko ang likod niya at niyakap din si Jack. “Kayo talaga, ayos na naman si Elias, hindi na dapat n’yo tinapos agad ang bakasyon.” Hinampas ako ni Ate Gil sa braso. “Loka kang tunay, mahalaga pa ba ang bakasyon? Ilang araw na lang naman ay uuwi na din kami. Kumusta na si Elias?” nag-aalala niyang tanong. “Nasabi ko naman na sa ‘yo sa tawag hindi ba? Ayos na siya. Sa sabado pwede na daw na lumabas.” “Mabuti naman kung ganoon, Alana,” ani