Run away part two “HAY nako, hindi ko alam kung paano ako magre-react sa mga ikinuwento mo. Magagalit at maiinis ba ako kay Arvie gayong alam ko kung saan nanggagaling ang galit niya para sa ‘yo? Kung bakit ganyan ang trato niya sa ‘yo?” Napayuko ako para iwasan ang tingin ni Ate Gil sa akin. Siya ang naging sandigan at karamay ko nang walang-wala akong nagtungo sa Maynila. Tumayo siyang guardian ko at siyang umalalay sa akin nang isilang ko si Elias. Kaya nang ipagtapat ko sa kanya kung sino ang ama ng anak ko at paanong may nangyari sa amin, nanliit at nakaramdam ako ng hiya para sa sarili ko. Kahit pinsan ko ay pinagalitan niya din ako sa ginawa ko. Nagsuhestyon siya noonghanapin namin si Arvie para ipaalam ang tunay na nangyari sa amin at ipakilala ang anak ko pero hindi ako sumang