His orders Nakailang buntonghininga ako habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Namumula pa rin ang mga mata ko kaya kinuha ko ang reading glasses sa bag ko para isuot iyon. “Will you still be Mama’s boyfriend kahit may Papa na ako, Tito Nitro?” Natigilan ako sa paglabas sa banyo nang marinig ang inosenteng tanong ni Elias sa kanya. “I’m not your Mama’s boyfriend–” “Sus, huwag ka na nga maging liar, Tito Nitro. I saw you kissing Mama on her cheeks tapos hinug mo pa siya noon. Kaya boyfriend ka niya. I don’t understand why adults keep on lying.” Natawa si Nitro sa sinabi ng anak ko na animo matandang pinagkrus pa ang braso niya na hindi ko na rin naiwasang mapangiti. “Fine. Would it be okay with you kung boyfriend pa din ako ng Mama mo kahit may Papa ka na?” Nagkibit-balikat