Galit “H-HUWAG tayo dito mag-usap, baka magising si Elias,” nauutal kong hila sa braso ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak. Sinulyapan ko ang anak ko at kahit na alam kong wala na siya sa panganib ay hindi pa din maalis-alis ang takot sa puso ko. “Hihintayin kita sa labas at huwag na huwag kang tatakas. We need to talk now.” Tumango ako at natanto kung para saan pa ang takot na hindi mawala-wala sa akin nang makita ang mga mata ni Arvie. Bigla ay naglaho ang lalaking nakausap ko kahapon. Ibang-iba siya. Paano pa kapag nalaman niya ang ginawa ko walong taon na ang nakakaraan? Pinunasan ko ang mga mata ko at muling hinalikan ang gilid ng noo ni Elias. Gusto ko mang manatili sa tabi niya at hindi siya mawala sa paningin ko, kailangan. “Alana…” tawag sa akin ni Ma’am Seline. M