Takot “Mama!” Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang pag-iyak ni Elias. Paglabas ko ng kwarto ay napasigaw ako nang makitang duguan ang paa niya. Hindi na pinansin ang bubog na nagkalat na mabilis ko siyang binitbit at tinakbo palabas ng apartment namin. “Sorry Eli! Sorry!” nahihiwa ang puso ko sa malakas na pagpalahaw ng anak ko. Umiiyak na tumawag ako ng tricycle pero nataong bawat dumadaan ay may sakay na. Patuloy sa malakas na pag-iyak si Elias hanggang sa may humintong kotse sa harap namin. “Jesus! Anong nangyari sa inyo?” tanong ng anak ng boss ko sa clinic na pinagtatrabahuhan. “Nevermind! Get in!” Papasakay na ako nang may humaklit sa braso ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Arvie. Matalim ang tingin niya sa akin at walang sali-salitang kinuha sa akin si Elias