Kabanata 10

1442 Words

Takwil RAMDAM ko ang panginginig ng katawan ko habang pinagmamasdan ko ang ama kong naglalakad paroon-parito sa sala. Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Ate Gil nang huminto siya sa harap ko. “Tito Amil, tama na ho. B-baka kung anong mangyari kay Alana.” pagpipigil sa kanya ng pinsan ko nang tangkang lalapit siyang muli sa akin marahil para saktan muli. Ni hindi ko alam kung paano kaming nakauwi ng bahay. Kung hindi pa dumating ang gwardya sa school at nagbanta ang Principal namin na tatawag ng pulis ay malamang higit pa sa sampal ang nagawa sa akin ng ama ko. Kaya labis ang pasasalamat ko kay Ate Gil na hindi ako iniwan hanggang sa makarating kami ng bahay. “Sino ang ama?” Nakagat ko ang labi at napayuko. Hindi ko pupwedeng sabihin kung sino. Hindi ko alam kung anong kayang gawin ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD