Present Ate, baka pwedeng padalhan mo ulit ako kahit 10K lang. Kailangan ko lang para sa project namin sa school. Nahihiya na ako sa ‘yo kaso si Papa kasi mahina ang kita sa shop a k. “Nakikinig ka ba sa akin, Alana Kayleigh Jimenez-De Jesus?” Napailing ako sa pagdugtong niya ng apelyido niya sa apelyido ko. Tumayo ako at kinuha ang wallet ko para mag-withdraw ng pera sa baba at mapadalan na agad ang kapatid kong si Vina sa e-padala. Nagkataon kasing nagkaproblema sa online banking ko at hindi pa naaayos. “Ano ‘to? Lalayasan mo pa ako? Wala pa nga tayong isang oras na nag-uusap na actually ako lang naman talaga ang nagsasalita dahil parang nasa ibang planeta ‘yang isip mo. Nagtatampo na ko, myloves,” aniya na ngumuso-nguso pa sa harap ng camera. Natawa ako at inilingan siya. “Hindi