I’m sorry Naalimpungatan ako mula sa pags-siesta sa ingay sa baba. Lumabas ako ng kwarto at natanaw ko si Benjie na pinagmamasdan sila Papa na nag-aaway sa baba. Nilapitan ko ang kapatid ko at ginulo ko ang buhok niya. “Benjie, doon ka muna sa kwarto at manood kayo ni Kuya Gio,” saad ko nang makitang papalabas na rin ang kapatid ko sa kwarto nila Papa na mukhang nakatulog doon. “Gio, doon muna kayo sa kwarto.” Iiling-iling na sinulyapan ni Gio ang magulang namin. “Nag-aaway na naman sila,” aniya at binuhat ang bunso naming kapatid. Binalingan ko ng tingin ang dalawa at malalim akong napabuntonghininga nang marinig ang pinag-aawayan nilang dalawa. “Eh ano ba naman iyong ipagamit na lang natin kay Vina iyong kwarto ni Alana. Matagal naman siyang mawawala dito, malamang nga ay hindi