Papa “Mama?” Mula sa paghahanda ng aalmusalin ni Elias ay tinigil ko ang ginagawa at nilingon siya. It’s been two days since the accident happened. Mas ayos na ang pakiramdam niya kumpara noong mga unang araw, nga lang ay baka abutin pa kami ng limang araw sa hospital ayon sa doktor. “Ano ‘yon, Elias?” “Dr. Sy is acting weird,” aniyang nilalaro ang stethoscope na hinanap niya talaga sa akin. Kinabahan ako sa sinabi niya. “Weird? In what way?” Ngumuso siya at muli akong sinulyapan na tumatango-tango. “He called me son last night. Saka bakit siya laging nandito sa room ko, hindi ko naman siya doktor? Though I like him here, it’s just weird.” Hindi malaman ang isasagot na tinalikuran ko si Elias at inasikaso muli ang kakainin niya. “Mama, do you think he’s weird, too?” muling tanon