Parusa “May gusto ka pa bang bilhin, Alana?” tanong sa akin ng ama ko habang kumakain kami ng pananghalian sa malaking mall sa La Paz. Umiling ako at napatingin kay Mama Agnes na sumimangot marahil naalala ang pagtanggi ng ama kong ibili ang gustong sapatos ni Gio kanina dahil masyadong mahal ang presyo pero nang makita ako ng ama kong may isinukat na sapatos na hindi ko nakita ang presyo, kahit mahal ay binili niya pa rin. “Aba, ang mahal na no’ng sapatos na binili mo sa kanya. Sobra naman yata kung may magugustuhan pa siya.” “Agnes naman, minsan ko na nga lang bilhan si Alana. Isa pa’y magagamit niya din ang sapatos na ‘yon sa pag-aaral niya sa Maynila. Hindi ba, anak?” Tumango ako sa ama ko at iniurong ang platong pinilit ko na lang ubusin ang laman dahil hindi ko nagustuhan ang la