NAGLAKAD ako ng walang direksyon dito sa rancho. It looked safe enough for me to roam around. It's so peaceful around here. Naisip ko, kayang kaya kong iwan ang limelight at manirahan dito ng simple. Gusto kong matawa sa sarili ko. How can I possibly live here? Hindi naman kami magka-ano ano ni Ares. Unang araw ko pa lang ay sari-sari na ang pinaplano ko. May nakita akong malaking puno at nang lapitan ko 'yon ay may maliit na bangko. Mukhang sadyang tinitigilan ng mga tao para magpahinga. Naupo ako doon. Sinubukan kong tawagan si Uncle George pero ring lang ng ring 'yon. So I sent him an email instead. I didn't want to send him a text message just in case someone is lurking. May natanaw akong tatlong bata. Isang babae at dalawang lalake. Sa tantya ko ay nasa edad pito o walo ang mga ito.