PATAPOS na s'ya sa binti ko ng dumating si Nana. Nakita ko ang pagpipigil n'ya ng ngiti. Ako naman ay napangiwi dahil alam kong nanunukso s'ya. Palibhasa alam n'yang may crush sa akin ang alaga n'ya. Correction Atlas, hindi crush -- ano ka teenager? Ares is in love with you. Pakakasalan ka na nga daw agad pagkakain mo ng kare-kare. "Anong nangyari sa binti mo?" Bago pa ako nakasagot ay sumabat na si Ares. "Nagpunta sa batis pero nag-short cut. Puro galas tuloy." "Sayang ang binti mo, ang ganda pa naman. Huwag mong kakamutin 'yan. Baka magpeklat." "Sabi ko nga po, magpatalon s'ya pag pupunta doon. Hindi ko pala naitanong, marunong ka bang mangabayo?" I was busy thinking of something else kaya kinulbit pa n'ya ako. "A-anong sabi mo?" "Sabi ko kung marunong kang mangabayo." Ibinaba na